Chapter 1

254 21 118
                                    

Reward.

Kanina pa 'ko paikot-ikot sa kama dahil sa notif na 'yon. Matutulog na sana ako kaso naman eksena pa 'tong si kuya mong nakashades sa gabi.

Last time na gumamit ako ng tinder, parang two years ago pa. Naging exploring platform ko talaga ang dating apps nung hindi pa ako masiyadong sigurado sa sarili ko.

Hindi ko alam, baka takot kasi ako mag-explore in person kaya nagrely ako sa dating apps. Nagsimula kong kwestiyunin ang sarili ko noong pandemic. Andami ba naman time para magreflect sa sarili. At saka nahatak ni Sarawat. Sino ba naman hindi mababaliko ni Bright.

Sa dating apps ko naexperience magtry if naaattract ba talaga 'ko sa kapwa ko lalaki, o kung lalaki ba talaga ang gusto ko. And successfully, naconfirm ko naman. Ilang beses na nga ako umiyak sa 1 week or 3 days ko lang kausap. Sobrang bilis maattach ng tao na 'to.

Sadly, wala akong naging serious relationship sa mga nakamatch ko sa tinder man o bumble. Nameet ko yung iba sa kanila, pero wala talagang tumagal.

Wala pa 'kong first kiss, first boyfriend, o kahit first girlfriend. May mga naging crush din naman akong mga babae noon, may mga nakalandian, pero walang nakatuluyan.

...

"Self, ano? Should I message him first ba?" tanong ko sa sarili.

"Wag self! pigilan mo 'yang kamay mo."

Teka nga. Nagmatch kami, bakit siya nagswipe right sa profile ko in the first place? Crush talaga 'ko nito i-pusta ko pa nanay ko, eme.

'Yung 100 pesos nga pala niya ibabalik ko pa, nakakahiya. Baka makita ko na lang naka-post na 'ko sa page ng uplb confessions.

"May nakita akong engineering student nag gagala sa campus tuwing gabi, nababaliw na ata dahil sa hirap ng course niya, naawa ako binigyan ko ng 100 pang ice cream. Ang sarap talaga sa puso na makatulong sa mga nangangailangan."

eme.

Tangina ibabalik ko talaga sa kanya 'yon. Kung anu-ano nang napipindot ni anxiety. Pero ayokong magfirst move, mabulok ka diyan sa matches!

...

Adi
Hello!!

Gabo
Hi?

...

"SELF ANO NA? AKALA KO BA HINDI MAGFI-FIRST MOVE??"

"Sorry self may pumindot, hindi ko alam kung sino." napahampas na lang ako sa ulo dahil sa sobrang bobo ni self.

Ano ngayon irereply ko sa hi? Ang tagal ko na hindi lumalandi, hindi na 'ko marunong.

"Bakit mo lalandiin??? Akala ko ba ibabalik mo lang yung 100???" natatawang tanong ni Lia, bff ko.

"Hitting two birds with one stone kumbaga." tawang-tawa ko ring sagot.

...

Alas onse na ng gabi pero andito kami ni Lia nagtatawanan. Magkalapit lang kami ng dorm kaya pumunta siya at kwinento ko lahat ng nangyari. Kailangan ko kasi ng makakausap baka mabaliw na 'ko pag si self lang lagi ang kausap ko.

"Replyan mo na teh. Hinihintay ka niyan." at ginatungan pa nga.

"Anong irereply ko? should we meet up?"

Dancing with Midnight ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon