Tagu-taguan maliwanag ang buwan,
Pagbilang ko ng sampo dapat nakatago na kayo,
Isa, di ko inaakalaing kayo’y maglalaho na parang bula,
Dalawa, babalik pa ba kayo?dahil umaasa ako.Tatlo, sana panaginip nalang ang lahat ng ’to,
Apat, at hindi totoo,
Lima, ako’y napapagod na sa kahahanap at kahihintay sa inyo,
Anim, saan kayo nagtatago? at bakit pa sa isang lugar na di mahahanap ng kung sino.Pito, pwede na ba kayong lumabas sa pinagtataguan niyo?
Walo, dahil ako’y napapagod na sa paghahanap kahit na alam ko namang wala kayo,
Siyam, dapat sana’y pinaalam niyo na ako’y bigla niyong iiwan,
Sampo, para maihanda ko man lang ang sarili at di na masyadong masaktan.Teka muna,
Naaalala ko na,
Ilang taon na nga pala kayong natutulog,
Sa isang kabaong na ginawa niyo ng isang tahanan; at isang higaan.
![](https://img.wattpad.com/cover/340475812-288-k364556.jpg)
YOU ARE READING
A Lost Angel
PoetryRandom poems/proses and unsaid thoughts, this book was created for my poems and etc. feel free to read it, there are some english and filipino poems here. If you don't like it, leave it.