"Paraluman"
Nandito na naman sa kalagitnaan ng kadiliman,
na walang hanggan,
saan ka papatungo aking paraluman?
aking pagmamakaawa'y huwag kang bumalik sa ating kinaroroonan.Pagsisisi'y hindi mawala sa aking buong pagkatao at isipan,
ibig ka muling makita at mahagkan,
kung pwede lang sana ibalik ang oras, ika'y aking nailigtas na ng walang paga-alinlangan,
sapagka't alam kong ang resulta nito'y iyong kasiyahan.Nais na humingi ng kapatawaran,
dahil hindi ka man lang nailigtas sa oras ng iyong pangangailangan,
mas mabuting ikaw ay nand'yan,
dahil ayokong makitang ang aking ninanais na protektahan, ay nahihirapan at nasasaktan.
YOU ARE READING
A Lost Angel
PoesíaRandom poems/proses and unsaid thoughts, this book was created for my poems and etc. feel free to read it, there are some english and filipino poems here. If you don't like it, leave it.