CHAPTER II

15 1 0
                                    

Jaleah’s POV

Kusot mata akong tumayo nang magising ako alas quatro ng umaga. Tumayo ako at nagsimulang i-stretch ang katawan. Pagkatapos ay kinuha ko ang phone ko sa bedside table ko.

I saw Jhanxia’s message last night. Mukhang hindi ko ‘to nakita. Magrereklamo na naman ‘yun panigurado.

Binuksan ko ang message niya at napakunot ako ng noo dahil sa irita. Paano ba naman eh kaninang ala una pa itong message niya. Ibig sabihin, nagpupuyat na naman ang babaeng ‘yun.

I-o-off ko na sana ang phone ko nang mag-message siya bigla. Napailing na lang ako.

Balak niya talagang patayin ang sarili niya. Sabi ko sa isipan ko bago basahin ang sinend niya.

May kwento ako sayo mamaya, hehe.

Napa-ikot ako ng mata.

Nagpupuyat ka na naman.

Lumapit ako sa closet ko at kumuha ng susuotin sa school. Wala pa kasi akong complete uniform kaya casual muna ako ngayon.

Kaya nga may kwento ako sayo mamaya diba? It has something to do with my pagpupuyat.

Kahit hindi ko kita, alam kong nagtataray na ang pagmumukha no’n.

Okay.

Nasabi ko na lang bago i-off ang phone ko.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina. Nadatnan ko si Mama do’n na nagluluto ng almusal. Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi.

“Good morning, Ma.” bati ko.

Binati niya rin ako pabalik.

“Bakit hindi ka pa maligo?” tanong niya sakin.

Naghugas ako ng kamay at nagkuha ng mga plato at baso.

“Kakain muna ako bago maligo para dire-diretso na.” sagot ko.

“Sige, bilisan mo riyan at gigisingin ko muna ang mga kapatid mo.” huling sabi niya bago umalis ng kusina.

Ilang minuto pa akong kumain bago ako matapos. Umakyat uli ako ng kwarto ko para maligo. Pagkatapos ay sinuot ko ‘yung damit na nilabas ko kanina.

Just a simple jeans and a white shirt. Pagkatapos ko mag-ayos ay ang gamit ko naman ang inayos ko. Hindi ko rin kinalimutan na magdala ng face mask.

Nang maayos na ang lahat ay bumaba ulit ako at hinintay ang mga kapatid ko at ang isa ko pang pinsan na HUMSS din ang kinuha pero sa HUMSS I siya.

Minu-minuto akong tumitingin sa orasan namin dahil hanggang ngayon ay wala pa rin sila.

“Mariel! Mama! Ba’t ang tanggal?” tawag ko.

“Teka! Malapit na!” rinig kong tugon ni Mariel.

Napabuntunghininga ako.

***

Jhanxia’s POV

“Ma! Aalis na ako!” paalam ko at lumabas na ng bahay.

6:25 pa naman ng umaga pero nagmamadali akong umalis. Mahirap na at baka maunahan pa ako ni Jaleah.

Pumara ako ng jeep na masasakyan papuntang eskwelahan lalo na at medyo malayo ito samin.

What's Inside Section S?Where stories live. Discover now