CHAPTER VII

10 0 0
                                    

Mara’s POV

“Mara! Bilisan mo nga at male-late na tayo!” sigaw ng pinsan ko.

“Teka lang! Hindi ka naman makapag-antay!” sigaw ko rin pabalik.

Kaloka, ang aga-aga pa nga eh pero kung makapagsalita ‘to parang katapusan na ng mundo.

Kinuha ko ang mga gamit ko matapos kong maisuot ‘yung uniform namin. Maganda siya at masasabi kong bagay siya sakin.

‘Yung uniform lang naman ng mga senior high students ng TU is white long sleeves topped with navy blue vest and blazer na may logo ng TU sa bandang bahagi ng kaliwang dibdib ng blazer tapos above the knee plain navy blue skirt na may logo rin ng school for girls. Then white long sleeve with blue highlights topped with navy blue blazer na meron ding logo ng TU and black slacks for boys naman.

The university is really living the name of one of the prestigious university in the Philippines. Mabuti nga at hindi nila binago ‘yung pamamalakad ng school like taasan ‘yung tuition fee kahit na prestihiyoso na ‘ito. Kapag nakita ko ‘yung founder ng university na ‘yun, pasasalamatan ko siya.

Lumabas na ako ng bahay dahil baka sabunutan na ako ng pinsan ko. Edi mag-sabunutan kami! Joke.

“Ang tagal mo naman.” sabi ng pinsan ko.

Kakalabas ko pa lang ng bahay pero reklamo na niya ang bumungad sakin, galing.

“Mamaya na ‘yang bangayan niyo dahil may lalakarin din ako.”

Magsasalita pa sana ako ng inunahan na ako ng Kuya ko. Nginitian ko na lang ng may pang-aasar ang pinsan ko bago pumasok sa kotse ni Kuya. Dumiretso ako sa backseat habang si Kaitlyn ay nasa passenger seat.

“Naunahan pa ako.” bulong niya na narinig ko naman.

Tumawa lang ako.

Hindi kasi pwede na pareho kaming nasa backseat kaya kapag hinahatid kami ni Kuya, dapat may nakaupo sa passenger seat.

Kasalanan niya rin naman, nauna na nga siya rito ‘di pa siya pumasok. Naunahan ko tuloy.

Nagsimula ng mag-drive si Kuya papuntang TU. Tahimik naming tinatahak ang daan ng maisipan ng pinsan ko na kausapin ako.

“Natukoy niyo na ba kung sino ‘yong nagnakaw?” tanong niya sakin.

Umiling ako.

“Hindi pa.” sagot ko.

Lumingon naman si Kuya sakin.

“Dapat mahuli na ‘yon sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ‘yan magawan ng paraan, may tendency na masali ka sa POI.” wika ni Kuya.

Napakunot ako ng noo.

POI?

Mukhang nakuha naman ni Kuya ang naisip ko.

“Person of interest, Rie. Kahit marami ka ng kaibigan ngayon, alalahanin mo na transferee ka pa rin. Bagong salta at hindi na ako magtataka kung masasali ka sa pipiliing suspek nila kapag malalaki na ang nawawala.” sabi nito.

Bigla naman akong kinabahan.

“H-Hindi naman siguro.” sabi ko.

Umiling siya.

“Hindi natin alam, Rie. Kaya mag-ingat ka, pati na rin ikaw Kaitlyn.” wika nito at tumahimik na.

Nagkatinginan kami ng pinsan ko at sabay tango.

***

“Keep quiet!”

Natahimik kaming lahat ng biglang sumigaw ang Prof. namin sa Biology.

What's Inside Section S?Where stories live. Discover now