CHAPTER XI

8 0 0
                                    

Krizelle’s POV

Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi pa rin sila nakakapagsalita simula nu’ng sinabi ko ang nangyari. Mukha ngang hindi pa rin sila naniniwala na wala na talaga ‘yung dalawang kaklase namin, ako rin naman.

Wala pa ring nagsalita kaya nag-uumpisa na kaming makaramdam ng pagkailang. Mabuti na lang at kinuha ni Ma’am Cortes ang atensyon namin.

“I know that everyone of you are still in shock of what had happened a while ago, so I decided that we should head home first and we’ll take care of this matter tomorrow at school.” panimula nito. Napansin ko naman na tumango ang mga kasama ko. “It’s already 4 in the evening, so we’ll just take the bus and drop everyone of you in your respective houses. But before we leave, I need everyone to fix their things and call your parents. As for Martin and Miko’s, they’ll be here any moment.” dagdag niya.

Isa-isa kaming umalis sa lugar na ‘yun at nagsimula ng mag-impake para umuwi. Kasama ko sina Jayden habang sina Aki ay sumama kila Xia. Habang nag-iimpake rito sa locker room na malapit sa security room, sina Jayden ay nag-uusap patungkol sa nangyayari.

“Nakakalungkot ano? Hindi man lang natin alam kung bakit sila pinatay.” wika ni Jayden at umupo sa bench. Humarap naman si Charlotte sa kanya.

“Paano kung alam mo ‘yung dahilan kung bakit sila namatay, magiging masaya ka ba?” taas kilay na tanong niya sa lalaki.

Kumunot ang noo ni Jayden sa tanong ni Charlotte.

“Anong pinagsasabi mo?” nagtataka nitong tanong.

Umismid ang babae at nakapamewang na sinagot si Jayden.

“Sabi mo nalulungkot ka kasi hindi mo alam kung bakit sila pinatay, kaya tinanong kita kung magiging masaya ka ba if ever alam mo ‘yung dahilan.” sagot nito at bumalik sa pag-aayos.

Gulat naman na napatayo si Jayden.

“Hoy! Hindi ganyan ang ibig kong sabihin! ‘Yang bibig mo, Charlotte, baka marinig ka ng mga pulis mapagkamalan pang ako ang pumatay!” inis nitong singhal kay Charlotte.

Nagkibit-balikat lamang ang babae habang tumawa si Briella.

“Ayos-ayusin mo kasi ‘yang pananalita mo, ‘yan tuloy napala mo.” natatawa nitong ani.

Natahimik naman si Jayden sa sinabi ng kaibigan namin.

“Pero tama naman si Jayden.” tanggol ni Mara. Nagniningning naman ang mata ng lalaki. “On some point, of course.” bawi nito sa sinabi na naging dahilan para mag-iba ang itsura ni Jayden.

Natawa ako sa pagmumukha ng lalaki. Parang unggoy kasi, hindi, unggoy talaga.

“Ewan ko sa inyo!” inis na wika ni Jayden at padabog na sinara ang kanyang bag.

Natawa kaming mga babae sa inaasta nito. Huminahon si Briella sa kakatawa at nagsalita para ipagtanggol si Jayden.

“Okay, itigil na natin ‘to guys. Gaya nga ng sabi nitong unggoy natin, baka mapagkamalan tayong lahat na tayo ang pumatay. Tingnan niyo nga mga sarili niyo, tawa kayo ng tawa.” sabi niya at tinuro kami.

Napagtanto naman namin ang nais niyang sabihin kaya tumigil kami sa pagtawa at inayos ang sarili. Pinagpatuloy na rin namin ang pag-iimpake dahil ilang saglit lang ay aalis na kami.

“Pero sa totoo lang, nagtataka ako kung anong atraso nina Martin at Miko kung kaya’t namatay sila. I mean, there’s always a reason in every killer’s motive, diba?” wika ni Jayden.

“Hindi ka pa rin tapos?” tanong ko rito. Umiling ito.

Tangina pala nito kung gano’n. Pero infairness, ganda ng English.

“Nope. Curious nga ako diba. What if kapag nalaman natin ‘yung dahilan, magiging famous na tayo?” tanong niya.

Napa-ikot ng mata si Charlotte dahil sa sinabi nito.

“What if mamatay ka kakahanap sa lintek na rason na ‘yan? Idadamay mo pa kami.” mataray nitong kontra.

“Edi h’wag ka sumama.” rebat naman ni Jayden sa kanya. “Kapag naging famous detective ako, huwag na huwag kang magpapa-autograph sakin ah.” dagdag nito.

“As if naman mabubuhay ka pa niyan.” segunda naman ni Charlotte.

“Alam mo, Charlotte? Maganda ka sana kaso nakakainis ka.” naiinis na namang ani ni Jayden.

Natawa kami nang mag-thank you si Charlotte sa kanya imbes na mainis.

Naputol ang pag-uusap namin nang may kumatok sa pintuan ng locker room. Sinenyasan ko si Mara na buksan ang pinto at bumungad samin si Glydel.

“Pinapasabi ni Ma’am na pakibilisan ang pag-iimpake dahil nagmamadali ang driver.” sabi nito samin bago siya umalis.

Natahimik kaming lahat.

“Muntik na naman nating makalimutan.” wika ni Mara. Sumang-ayon ako sa sinabi niya saka tumayo.

“Tara na. Mukhang tapos naman na tayo kaya mauna na tayo ro’n.” yaya ko sa kanilang apat bago lumabas ng locker room.

Pagkalabas ay napansin namin na naroroon pa rin ang mga pulis sa pinangyarihan ng kaguluhan. Nakita ko rin ang tatay ni Philomena na kasalukuyang chief of police. Napansin ko si Philomena na naroroon din, nakikipag-usap sa tatay niya.

Hindi kami nagtagal do’n at nag-umpisa ng tinahak ang daan papunta sa bus na sasakyan namin. Pagkarating namin ay pinauna ko muna silang apat sa loob dahil may tatawagan lang ako saglit.

“Hello?” wika ko at tumingin sa paligid ligid. Sinigurado ko rin na hindi ako maririnig ng mga tao sa loob dahil nasa labas lang ako nakatayo.

“Natapos ko ng gawin ang pinapagawa mo. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik mo rito.” sagot naman ng kabilang linya. Tumango ako.

“Siguraduhin mo lang na maayos at walang palya ‘to dahil mali-lintikan ka sakin kung hindi.” mariin kong sabi sa kanya.

“Don’t worry. Maayos ang lahat. Ako pa ba?” tugon nito ng may pagmamalaki.

Napa-ikot ako ng mata.

“Sige na, aalis na ako. Hintayin mo ang pagbalik ko riyan.” huling sabi ko bago binaba ang tawag.

Tumalikod ako para sumakay na ng bus nang biglang bumulaga sakin ang pagmumukha ni Xia.

“Ah!” sabay naming sigaw dahil sa gulat.

Nang mahimasmasan ay hinampas ko siya sa balikat.

“Ano ba! Nanggugulat ka na naman! Papatayin mo ba ako!” inis na sabi ko rito.

“Depende kung hahayaan mo ko.” tugon nito.

Gulat ko naman itong tiningnan. Tumawa lang siya at nagkibit-balikat.

“Joke lang. Ang seryoso mo kasi, para kang hiniwalayan ng jowa mo.” sabi nito. “Oh siya, papasok na ako. Pumasok ka na rin para makauwi na. Ang daming nangyari ngayong araw, kailangan nating magpahinga. Sana lang h’wag tayong multuhin ng dalawa.” sabi niya at binulong ang huli.

Natahimik ako. Napansin ko itong papasok na ng bus kaya pinigilan ko siya. Tiningnan niya ako.

“Bakit?” tanong nito. Huminga ako ng malalim.

“N-Narinig mo ba ‘yung...” my voice trailed off.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Paano kung narinig niya pala? Patay ako nito.

Umiling siya.

“Kararating ko lang nang matapos ka sa tawag mo. Matatagalan pa sana ako kung ‘di ko lang inunahan sina Aki eh. Ang bagal kasi nila.” sagot nito.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa naging sagot nito.

“Mabuti naman.” hindi ko napigilang sabihin.

Nagtaka naman siya.

“Bakit?” tanong nito.

Umiling ako.

“W-Wala. Wala ‘yun.” rason ko at tinuro ang loob ng bus. “S-Sige. Papasok na ako.” paalam ko at nginitian siya.

Phew.

***

What's Inside Section S?Where stories live. Discover now