PAGOD ANG BUWAN

66 21 18
                                    

Mga mata ay namamangha, sa mumunting ilaw na kung tingnan ay walang kapaguran sa pagbibigay ng liwanag sa madilim na kalangitan. Muli ay binulungan ko ang buwan, kung maaari ba na maibsan ang aking nararamdaman.

Batid ko na taimtim lamang itong nakikinig sa aking mga hinaing, habang pinakikinggan din ang sandamakmak pang pagdaing. Kaya naman nakakamangha talaga ang kakayahan ng buwan, sapagkat ang pasan nito ay libo-libong kahilingan.

Ngunit habang ako'y nakadungaw sa bintana, at tinatanaw ang distansya sa kung saan ang buwan ay namamahinga. Malinaw saakin na maging ang tinitingala ay maaari din palang mapagod sa pagtingala.

Patunay na kahit ang pinakamatatag ay may karapatang maging mahina, at kahit pa ang pinakamatapang na puso ay may karapatan pa ring lumuha.

Ang buwan, kagaya ko ay nakakaramdam din ng hindi kabuuhan ngunit patuloy pa rin nitong ginagampanan ang pagiging liwanag sa madilim nating dinaraanan.

Sa likod ng hinahangaan nating kagandahan, ay mga sugat na hindi nalulunasan.

Napapagod din pala ang buwan.

ᥫᩣ

MENSAHE NI KATANA

Maraming salamat sa pagbabasa, hindi pa ho ako gano'n ka husay pero sisikapin ko pang pagbutihin.

Panaghoy ng Katana (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon