Shaun's POV
Mukhang kumpleto ang barkada ah! wika niya sa sarili habang nakatingin sa mga kaibigan na pababa sa private plane niya.
Sa wakas nakarating na kami dito sa bagong resort namin sa Zambales.
Habang busy ang lahat ay nilapitan ko si Albie na kasalukuyang kausap ang secretary nito na siyang dinala nito.
"Albie." agaw pansin niya rito.
"Shaun." bati nito saka nakipagpalm fist sa akin. "Where is our cottage?"
"Three blocks from there." turo ko sa unang cottage sa di kalayuan.
"Wohah. Ang ganda naman dito!" bulalas ng secretary niya.
"Wala naman yatang resort itong si Shaun na hindi maganda. Puro pangworld class." wika ni Albie.
I just shrug.
"What is it?" tanong ni Albie. Nahulaan yata na gusto ko siyang kausapin.
"Did you found out something? About doon sa pinapaimbestigahan ko." tanong ko.
"Yup. Her mother is a pure Swedish from Falkenberg. Kung saan niyo siya natagpuan. Come on. Lets talk there." aya ni Albie sa akin sa may bench. Malayo ito ng konti sa mga kaibigan. Pinauna na niya ang secretary niya sa cottage nila.
Nang makaupo kaming dalawa sa isang upuan na yari sa kawayan ay saka niya itinuloy ang kwento.
"Doon siya lumaki sa Falkenberg. When her mother dies she live by her aunt. She had two cousins. Gaya ng sinabi mo, pinaimbestigahan namin ang Tito niya na nagtangka sa kanya. He is now in jail. May dating kaso na rin pala ito ng pang-aabuso. Kakabalik lang ni Sander from Stolkholm. May lead na kami about her father. Mabuti sinunod mo ang suggestion ko na makipaglapit muli sa kabatch nating si Deaver. " kwento nito.
Palaisipan sa akin kung bakit biglang isiningit ni Albie na makipaglapit ako kay Deaver a month ago nang kausapin ko siya tungkol sa pinapaimbestigahan ko.
"I think you are wondering why?"
"Yeah. I really don't know the connection ." pag amin ko.
Tumawa ito. "Dont worry. Dati na rin naman natin siyang kaibigan eh. Nagkalabuan lang nung magkagusto ang girlfriend niya sa iyo!" pagpapaalaala nito sa akin. That was happen almost five years ago. Noong nasa Stanford kami.
"Yeah right." antipatikong sagot ko.
"I will answer you by this. " Tumingin sa gawi ng dagat si Albie. "When Deaver is about five years old. Medyo naging down ang samahan ng mga magulang niya. Pansamantala silang nagkahiwalay. Napunta si Deaver sa mother niya at tumira sa Great Britain. Ang father niya ay inasikaso ang bagong tayong negosyo sa Sweden, particularly in Falkenberg." salaysay nito.
Nanlaki ang mata ko. Unti unti ko ng nalalaman ang connection.
"Ang mother niya ay taga Falkenberg." wala sa loob ko na nasabi.
"Yes. Ang mother ng pinapaimbestigahan mo ay taga- doon talaga. Nagkaroon ito ng tatlong kasintahan. And one of it is Deaver's Father. " sagot niya sa akin.
"Is it possible na siya ang father niya?" tanong ko.
"We still doesn't know. Agad kasing nagkahiwalay ang mother niya at ang father ni Deaver dahil nalaman marahil nito na may pamilya na ang lalake. After four months kasi ay sinundan ng mother ni Deaver ang father niya sa Falkenberg. And thats it. Nagkabalikan ang dalawa. Tapos ang mother naman niya ay nagkaroon ng bagong boyfriend." pagpapatuloy pa nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/42866055-288-k370111.jpg)
BINABASA MO ANG
FALL IN LOVE WITH SHAUN GARETT
RomanceThe Billionaire's Group Series - Batch II-6 "If you are going to fall inlove with me, its only fair that you know what you are falling inlove with." wika ni Shaun habang palapit sa akin. "You are falling inlove with my insecurities and my obsession...