Kirsten's POV
Sana magustuhan ni Sir Shaun ang ginawa kong regalo para sa kanyang kaarawan. Nakiusap ako kay Yuhan na ilagay niya ang regalo ko sa silid na tinutuluyan ni Sir Shaun.
"Siguradong matutuwa nito si Sir Shaun!" masayang sabi ni Yuhan sa akin saka umalis dala ang bigay ko.
Sana nga! Simple lang kasi yung naisip kong ibigay. Wala rin naman kasi akong maibibigay sa kanya. Lahat yata ay mayroon na siya.
Pagdating ng hapon ay nagsipag-ayos na ang lahat para sa gaganaping birthday party ni Sir Shaun mamaya. Maraming bigating tao ang darating , mga kilala sa lipunan. Maging ang mga kamag-anak nito sa Germany at Sweden ay pupunta. Hindi kasi madalas na icelebrate ang kanyang kaarawan dito sa Pilipinas.
Habang nagsusuklay ay lumapit sa akin si ate Jannah.
"Kirtsen pinabibigay ni Sir Shaun sayo." inabot ni ate Jannah sa akin ang maliit na papel saka lumabas ulit. Busy kasi ito sa pag-oorganize ng party.
Binasa ko ang note. Sulat kamay iyon ni Sir Shaun.
Kirsten,
Will you be my date tonight?
Be my dance partner, please.
Hope you'll not entertain others.
S.G.
Gusto niya akong maging date ngayong birthday niya?
Mukhang magkakaproblema ako ngayong gabi ah! Ang kulit pa naman ni Charles at Nathan. Palaging sumusulpot.
"Hay nandito ka lang pala Kirsten. Kanina ka pa namin hinahanap." wika ni Aer na bagong pasok sa kwarto ko kasama si Alaina at Belle. Nakagown na ang mga ito.
"Im still not yet done fixing my hair." sagot ko kay Aer.
"Let me handle that. " wika ni alaina saka lumapit sa akin. Inayos niya ang buhok ko at bahagya pang kinulot ang mahaba kong buhok.
"Ang ganda mo talaga Kirsten!" puri ni Belle sa akin.
"Thank you Belle. You are also beautiful." sagot ko sa kanya.
"Wala namang pangit sa mga kaibigan ko ah!" sabi ni Alaina na sinang-ayunan ni Aer.
Tinapik ako ni Aer. "Something is bothering you. Care to tell us. Baka makatulong kami."
Ganoon ba ako kadaling mabasa?
Napilitan akong ipakita sa kanila ang sulat ni Shaun.
"Eh anong problema kung inaya ka ni Shaun na maging date ngayon. Birthday naman niya ngayon kaya pagbigyan mo na?" sabi ni Aer.
"I get it! " wika ni Alaina
Napatingin kaming tatlo sa kanya.
Nagkatinginan sila ni Belle.
"The problem is laging nariyan sina Charles at Nathan!" sabi ni Belle
"Oo. Halatang may gusto yung dalawa sayo and for sure gusto ka nilang isayaw mamaya." sabi naman ni Alaina.
"Oo nga ano?" sabi tuloy ni Aer.
Napatango ako sa kanila.
"Dont worry Kirsten. We will help you with them." nakangiting sabi ni Alaina. "Di ba girls?"
Sumang-ayon ang dalawa.
Shaun's POV
![](https://img.wattpad.com/cover/42866055-288-k370111.jpg)
BINABASA MO ANG
FALL IN LOVE WITH SHAUN GARETT
RomanceThe Billionaire's Group Series - Batch II-6 "If you are going to fall inlove with me, its only fair that you know what you are falling inlove with." wika ni Shaun habang palapit sa akin. "You are falling inlove with my insecurities and my obsession...