Kirsten's POV
"Tara Kirsten, sama ka samin. Magswimming tayo." aya ni Charlotte sa akin.
"I dont have swimsuit or whatever." sagot ko.
Alas kwatro na ng hapon kaya hindi na masakit sa balat ang init ng araw.
"I have a lot of it. Tara ." aya naman ni Alaina.
Napatingin ako kay ate Jannah. Di ko kasi alam kung okay lang kay sir Shaun na sumama ako.
"Go on." sagot lang ni ate Jannah.
Wala akong nagawa kundi sumama na kina Charlotte at Alaina.
Marami nga talagang dalang swimsuit si Alaina at hindi ito pumayag na hindi ako magsuot ng kahit isa man lang sa mga iyon. Medyo naalangan ako kasi ng magsuot na ng swimsuit ang dalawa ay talagang mapapawow ka sa kaseksihan at kakinisan ng dalawa. Pinili ko na lamang ang black one piece swimsuit. Tapos nagsuot na rin ako ng maong na short.
"Wow ang ganda at ang sexy mo talaga Kirsten! Pihadong matutulala na naman sila kuya niyan!" wika ni Charlotte sa akin.
Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi nito.
"Naku wag ka ng mahiya Kirsten dahil totoo naman eh. Teka bilisan na natin dahil naghihintay na sila Aer kanina pa." aya ni Alaina.
Magkakasabay kaming nagtungo sa kinaroroonan nila Aer.
"You are so beautiful. I wanna be like you someday too!" wika sa akin agad ni Cassie. A three years old daughter of Daniel. "Ma-ma para siyang barbie diba?" tanong pa nito kay Sandra.
"Oo anak. Ang ganda mo nga talaga, para kang modelo." wika naman ni Sandra sa akin.
"See? Tama ako diba?" pagmamalaki ni Charlotte sa mga kasama.
Si Yumi ay buhat si Yuri na nakangiti sa akin. Gayun din si Aerriel na buhat si Yumiko.
"Sana ganyan ako kasexy sa inyong tatlo." wika naman ni Belle.
"Naku sexy ka rin naman eh at maganda pa." wika ni Yumi dito.
"Yan ang gusto ko sayo Yumi eh. Pinapalakas mo ang loob ko." pabirong sagot ni Belle dito.
"Thats what are friends are for." sagot naman ni Aer.
"Mabuti pa ay simulan na natin ang paliligo." aya ni Alaina na agad naman naming sinang-ayunan. Doon kami tumapat sa kinaroroonan ng mga lalake. Papalapit pa lang kami ay nakatingin na sa amin ang mga ito.
Natawa kami ng sumipol pa si River at kumindat kay Charlotte. Pero inirapan lamang ito ni Charlotte.
Tumakbo naman si Cassie sa direksiyon ng papa niya. Si Raniel ay lumapit kay Yumi at kinuha si Yuri kay kinuha na ni Yumi si Yumiko kay Aer.
"Wow sa wakas nakita na kitang nakaswimsuit Kutong lupa ko! Hanep ang swerte ko talaga ngayong araw na ito!" agad na wika ni Kaifer kay Aerriel.
"Swertehin mo mukha mo! Nakita kitang napapasulyap kina Kirsten, Alaina at Belle ha! Dukutin kaya kita diyan." sita ni Aerriel dito.
"Napatingin lang naman. Meron ka na naman ba ngayon kutong lupa ko?"
"Tse!" sagot lang ni Aerriel saka lumusong sa dagat.
Umupo ako sa buhanginan na naaabot ng tubig.
Napatingin ako sa gawi nila Alaina at Belle na kasalukuyang tinatabunan ang katawan ni Albie ng buhangin.
Nagsimula akong laruin ang buhangin.
"You want to build a castle?" tanong sa akin ni Sir Shaun. Nakatayo ito sa harap ko. Feeling ko nag-init agad ang pakiramdam ko. Paano ba naman eh naka hawaian shorts lang ito at walang damit pang-itaas kaya kita ang abs nito.
BINABASA MO ANG
FALL IN LOVE WITH SHAUN GARETT
RomanceThe Billionaire's Group Series - Batch II-6 "If you are going to fall inlove with me, its only fair that you know what you are falling inlove with." wika ni Shaun habang palapit sa akin. "You are falling inlove with my insecurities and my obsession...