PROLOGUE

1.4K 66 13
                                    


Warning: This story is not suitable for young readers. Expect grammatical and typo errors. Thank you.

_______________________

         Sunod sunod na malalim na hininga ang pinawalan ko habang nakatingin sa kisame ng elevator. Lord, bakit ngayon pa ako na-stuck? At bakit naman po kasama ko pa talaga ang isang taong hindi ko inaasahan?

"So, why did you leave?" Napatingin ako sa lalaking kasama kong na-stuck sa elevator.

Walang emosyon ang mga berde nitong mata na nakatingin sa 'kin.

Hindi ko ito sinagot at umiwas lang ng tingin. Hindi ko kaya ang mga titig niya. Mas nakakatunaw ngayon ang mga titig niya, at saka baka hindi ko rin mapigilan ang sarili kong sagpangin niya.

Ang laki nang pinagbago niya. Mas tumikas ang katawan nito at mas lumalim ang kaniyang boses. Nawala rin ang pagiging masigla at pagiging makulit nito. Pakiramdam ko palagi na lang siyang seryoso sa buhay.

"Shiemi, I'm asking you," naramdaman ko ang paglapit sa 'kin nito kaya napaatras ako. "Bakit mo ako iniwan?"

"Nlex," tanging nasambit ko.

Napasandal ako sa pinto ng elavator nang mas lumapit pa ito sa 'kin. Kung kanino maayos ang paghinga ko, ngayon hindi na.

"You fvcking leave me behind!" madiing sambit nito. "Iniwan mo ako nang basta basta. Now, tell me, why did you leave?"

Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot. Walang salitang lumalabas sa bibig ko. Pakiramdam ko, para akong naputulan ng dila.

Ano bang isasagot ko sa kaniya? Trip ko lang iwanan siya dahil wala akong magawa?

Biglang bumukas ang elavator. Babagsak sana ang likuran ko sa sahig pero mabilis akong nahawakan ni Nlex sa beywang.

Sinalubong ko ang mga berde niyang mga matang walang emosyon. Hindi ko alam kung anong iniisip niya.

"Ma'am, Sir, ayos lang po ba kayo?" Mabilis akong umayos at lumayo kay Nlex nang magsalita ang isang lalaki.

"Ayos lang po ako," mahinang sagot ko. "Hindi naman ako nasaktan."

Nakayuko lamang ako. Ayoko na ulit salubungin ang mga tingin ni Nlex dahil hindi ko kaya. Gusto ko na agad makaalis sa lugar na 'to.

"Shiemi!" Nabigla ako nang biglang may yumakap sa 'kin.

Muntik na akong mag-panic dahil nakatingin sa 'kin ang malamig na mata ni Nlex. Pero nang ma-realize ko kung sino ang yumakap sa 'kin ay agad akong kumalma.

"Are you okay?" Humiwalay sa yakap si Simon at sinuri ako. "Kinabahan ako kanina nang i-report ng security sa 'kin na na-stranded ka sa elevator."

"Ayos lang ako," tipid ang ngiting sabi ko. "Wag ka nang mag alala, okay?"

Tumango ito at ngumiti.

Nang dumako ang tingin nito kay Nlex ay nawala ang kaniyang ngiti. Hinapit ako ni Simon sa beywang. Halos kapusin ako nang hininga dahil ang malamig na tingin ni Nlex ay naging mabagsik.

"Simon," mahinang saway ko kay Simon.

Alam ko kung anong tumatakbo sa kaniyang isipan.

"Mr. Walter." Naglahad ng kamay si Simon. "I'm Simon Wilson, I'm the owner of this company."

Tinanggap ni Nlex ang kamay ni Simon habang na sa 'kin pa rin ang kaniyang tingin.

"Nice to meet you, Mr. Wilson..." may gigil sa boses ni Nlex kaya napalunok na lang ako.

This is not good.

"Sorry for what happened, Mr. Walter, promise that it won't be happened again." Ngumiti si Simon bago bawiin ang kaniyang kamay. "Can we proceed to the conference room now? Or let's have a lunch first?"

"Let's just proceed to the meeting," malamig na sagot ni Nlex. "I don't have time having lunch with you."

Akmang maglalakad na kami pero pare-pareho kaming natigilan nang makita ang isang batang babaeng tumatakbo palapit sa 'min.

Nanlaki ang mga mata ko at mahinang kinurot si Simon. Pisting yawa!

"Mommy!" Tumakbo palapit sa 'kin ang isang batang babae at yumakap sa beywang ko. "Tumakas po ako sa office ni Papa."

Bumungisngis ito kaya umalog ang matabang pisngi niya. Hindi ko magawang matawa dahil sa cuteness lang. Kaba lang ang nararamdaman ko at mas nadagdagan iyon nang makitang nakatingin si Nlex sa batang babaeng nakayakap sa 'kin.

"Mommy, tingnan mo ako po," nagsalita muli an Anak ko kaya napabaling ako sa kaniya. "Bakit hindi mo ako nititingnan? Hindi mo na ba ako love?"

"Lexi," tanging naisambit ko. "Balik na tayo sa office ni Papa mo."

"Okay po." Humawak ito sa kamay ko.

Napabitaw sa 'kin si Lexi nang dumako ang tingin niya kay Nlex. Mukhang ngayon lamang niya napansin na nandito si Nlex.

Kuminang ang dalawang berdeng mata ng Anak ko habang sinasalubong ang tingin ng mga berdeng mata ni Nlex na kumikinang din.

"Wow, kulay taeng green din po ang mga mata niyo," manghang sabi ni Lexi kay Nlex. "Pinaglihi rin po ba kayo sa tae ng Mommy niyo?"

Lumuhod si Nlex at pinantayan si Lexi. "What's your name little girl?"

"Lexi po," sagot nito. "Wow, hindi lang po mata ang magkamukha sa 'tin, magkamukha rin po tayo. Ikaw po ba ang Daddy ko?"

Dumako ang tingin sa 'kin ni Nlex. Nag-igting ang panga nito at nagbabaga ang mga mata nito sa galit.

Paktay na!

____________

EXCITED SILA, OH AHAHAHAHAHA

Devil's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon