CHAPTER 1

969 31 7
                                    

THIS IS THE SECOND INSTALLMENT OF MAFIA OBSESSION SECOND GENERATION.

_________________________________________

SIMULA


     Ang hirap pala kapag in-love ka sa taong hindi mo gusto, wala kang magawa kundi ang mahalin siya mula sa malayo. Maraming nagsasabing sukuan  ko siya pero ayoko. Ang dami ko na kayang nagastos, tapos susuko lang ako? No fvcking way.


Hello, I'm Shiemie Arcy Aragona. 18 years old. In-love sa isang lalaki hindi man lang ako tinatapunan ng tingin at isang chubby person na palaging sinasabing mag-da-diet na pero lalong lumobo.


"Shiemi!" Napangiti ako nang makita ang nag-iisang bestfriend ko sa school. Si Lea. "Shiemi, dadaan yung crush mo!"


Napalingon ang mga classmates namin sa 'kin kaya agad kong hinila si Lea at mahinang sinabunutan. Sinabi ko nang 'wag sisigaw, eh.


"Ang ingay mo!" inis kong sita sa kaniya.


Bumungisngis lang  ang malanding babae bago ayusin ang bangs niyang putot pa sa putot. Nawala ang  atensiyon ko kay Lea nang makita ko mula sa bintana ng classroom namin ang crush kong STEM boy. Ang lakas talaga ng dating niya, lalo na ang  berde niyang mga mata at moreno niyang kulay.


"Si Nlex ang crush mo?" Nag-init ang pisngi  ko dahil sa tanong ng isa kong kaklaseng lalaki na si Jerome. "Asa ka namang magugustuhan ka no'n."


Napalitan ng inis ang kilig na nararamdaman ko. "Hindi ko kailangan nang opinyon ng kagaya mong mayabang pero lagapak naman sa acads."


Napa-'Ohh' naman ang mga kaklase naman, ang mga tropa naman ni Jerome ay nagkantiyawan. Hindi porket hindi ako pala-kibo ay hindi ako pumapatol.


"Ang taba mong baboy ka!" singhal ni Jerome sa 'kin.


"May payat bang baboy?" Inirapan ko siya. "Masyadong body shamer, hindi naman nagsisipilyo."


Nagtawanan ang mga kaklase namin. Nakita kong napakuyom ng kamao si Jerome, pikon talaga. Akmang susugod ito sa 'kin kaya agad siyang inawat ng mga kaibigan niya.


"Babae pa rin 'yan, hindi lang halata," tumatawang sabi ni Vincent. "Kalma lang."


Hindi ko na sila pinansin at tumutok na lang kay Lea. Ang gaga ay nag-ce-cellphone lang habang kinikilig. Ka-chat na naman niya ang boyfriend niyang RP lang naman. Napailing iling ako bago tumingin sa cellphone kong may gwapong wallpaper. Balewala ang basag na cellphone kung masarap ang wallpaper mo.

Devil's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon