CHAPTER 2

1.1K 26 3
                                        

     Hindi pa rin ako makapaniwalang pinansin ako  ni Nlex. Napagulong gulong na lamang  ako sa higaan dahil sa sobrang kilig. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig, binabaliw ka na, pinatitibok pa ang pempem mo.

"Ang ganda ko talaga," sabi ko sa sarili ko.

Tumigil ako sa kagugulong nang mahilo ako. Tumingin ako sa kisame ng kwarto ko kung saan nakapaskil ang poster ni Nlex. Kung ang kwarto ng iba ay poster ng mga K-pop at Anime, ang kwarto ko naman ay puro poster ni Nlex. Mula kisame, ding-ding, at likod ng pinto. Lahat din ng gamit ko ay may picture ni Nlex, kumot, unan, at higaan.

Ang isa kong unan na yakap ko ay may punda ni Nlex na naka-brief lang siya.  Nakuha ko yung  picture na 'yon sa account ng Mama niya. Para ko tuloy siyang kayakap palagi sa tuwing natutulog ako.

"Ador, hindi ka ba nahihiya sa sarili mo, huh? Puro mga babae ang Anak mo tapos ganyan ka pa!" Natigil ang moment ko nang marinig ang boses ni Mama. 

Nag-aaway na naman silang dalawa. Hindi na ako magugulat dahil palagi naman silang ganiyan.   Umaga, tanghali, gabi, madaling-araw, basta kung anong oras ma-tyempuhan ni Mama na may ka-chat si Papa na babae. Ang tanda tanda na, babaero pa rin. Hindi marunong makuntento sa  maganda kong  Mama.

I  hate my father so much. Ayaw na nga niyang magtrabaho, ganiyan pa ang ginagawa niya. Si Mama lang ang provider namin sa bahay, syempre ako rin. Online seller ako at swertihan talaga kapag marami akong  benta. May dalawa akong kapatid pa, si Ate Shine at Shaina. Ako ang pangalawa  sa 'min at ako rin madalas ang pumapasan sa lahat nang problema.

"Tumahimik ka nga, Sonya!"  dinig kong galit na  sabi ni Papa. "Kauuwi mo lang,  bunganga ka agad."

"Ador, pagod na pagod ako tapos ganiyan ka pa? Tang ina ka!" Nakarinig ako ng mga kalabog. "Lumayas ka na lang kung ganiyan ka!"

Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Mama na umiiyak dahilan para mapayukom ako ng kamao. Si Papa naman ay walang pakielam at nakaupo lang.

"Mama, tama na," awat ko sa kaniya. "Magpahinga ka na po, ako nang maghahain ng pagkain."

"Patahimikin mo 'yang Nanay mo, Shiemi," sabi ni  Papa.

"Lumayas ka na  lang kasi dito," sabi ko, dahilan para mapalingon sa 'kin si Papa.  "Hindi ka na rin naman nag-e-exist bilang Ama namin. Wala rin namang pagbabago  kung mawala ka rito sa bahay."

"Wala kang utang na loob, ah?" Mabilis itong lumapit sa 'kin at sinuntok ako. Nakailag naman ako pero dumampi pa rin ang kaniyang kamao sa mukha ko. "Wala ka pang nararating sa buhay ganiyan ka na? Lumayas ka rito! Ang yabang yabang mo porket kumikita ka nang kaunti."

"At least ako, kumikita," matapang kong saad. "Eh, ikaw? Padre de pamilya pero masyadong pabigat. Wala kang ibang gustong gawin kundi ang mambabae at maging batugan. Kapag magkakaroon ka naman ng trabaho, dalawang libo lang ibibigay mo kay Mama tapos gusto mong pagkasyahin sa loob ng fifteen days? Yung matitira, i-g-gcash mo sa babae mo para lang  sa video call niya habang pinapakita ang kipay nito."

Sa pagkakataong ito, sinampal naman ako nito. Hindi pa ito nakuntento dahil tinadyakan niya pa ako. Tumigil lang ito nang umawat si Mama at ang dalawa kong kapatid.

"Mga wala kayong kwenta!" galit na sabi nito bago lumabas ng bahay.

"Maghahain  na ako." Tumayo ako habang iniinda ang sakit at pinipigilan ang luha ko.

Nang makarating sa kusina ay doon na bumuhos ang luha ko. Tang ina, kung masakit ang walang Tatay, mas masakit ang may Tatay pero kung itrato naman kayo ay parang wala lang. Hindi ko alam kung kaya ko ba talaga siyang patawarin. Habangbuhay na yata 'tong sama nang loob ko sa kaniya.

Devil's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon