CHAPTER 3

772 24 3
                                    


Masigla ang araw ko ngayon kahit na hindi ko nagawang reply-an si Nlex dahil sa hiya. Kahit din naihi ako sa short ay wala akong pakielam, ako lang naman ang nakakaalam. Ilang araw na yung chat sa 'kin ni Nlex, hindi na iyon nasundan dahil nga wala akong reply. Natatakot tuloy ako kasi baka isipin niya na masyado akong pa-hard to get at snob.

Natatakot kasi akong mag-reply at baka bigla ko na lang picturan ang bilat ko at i-send sa kaniya. Nakakahiya naman kapag nakita niya ang kagubatan ko. Hindi pa naman ako nakapag-shave dahil hindi pa ako nakakabiling pang-ahit.

Ang mga pasa ko namang gawa ni Papa ay hindi pa rin gaanong naghihilom, lalo na yung nasa hita. Hindi pa rin ako gaanong makalakad nang maayos pero kailangang tiisin para makapasok at makita si crush. Yung pasa ko sa mukha ay hindi naman gaanong halata dahil nilagyan ko ng foundation.

"Lea!" tawag ko sa kaibigan ko at agad itong nilapitan. "Hindi ka maniniwala sa chika ko ngayon."

"Ano?" tanong nito.

Sa halip na sagutin ay ipinakita ko lamang sa kaniya ang chat sa 'kin ni Nlex. Binugbog naman ako ng hampas ni babaita dahil sa sobrang kilig.

"Bakit hindi mo nireply-an?" tanong nito.

"Hindi ko alam ang isasagot ko," pabebeng sagot ko. "Ano bang dapat isagot sa chat niya bukod sa hello?"

"Send nudes," sagot ni Lea.

Pareho naman kaming natawang dalawa bago mag-appear. Para talagang kambal ang humor naming dalawa.

"Ginawa mo naman akong Indiano," natatawang sabi ko.

"Kunwari ka pa, siguradong yun din ang kinikibot ng bilat mo," sabi nito. "Mag-hello ka na agad, 'te, 'wag kang paimportante."

"Mamaya, kapag nag-chat ulit," nakangising sabi ko bago itago ang cellphone ko. "Pumasok na tayo, ginaganahan akong mag-aral ngayon." Umangkla ako sa braso nito. "Sana magpa-surprise quiz si Ma'am."

"Gaga ka, 'wag kang mandamay," sabi nito kaya natawa na lamang ako.

Naglakad kaming dalawa. Mabagal lang ang usad namin dahil nga medyo iika-ika ako.

"Anong nangyari sa 'yo? Napasukan ka ba ng etits?" tanong ni Lea. "Siguro gumamit ka ng dildo dahil sa chat ni Nlex, 'no?"

"Gaga!" Hinila ko ang buhok nito. Ang lakas pa nang boses ng gaga. "Nagkaroon lang ng gyera sa bahay tapos sinagot ko si Papa. Ayon, bugbog ang bestfriend mo."

"Patingin nga," sabi nito bago huminto sa paglalakad.

Huminto naman ako at medyo nilihis ang palda ko. Namilog naman ang mga mata ni Lea habang nakatingin sa kulay ube kong hita.

"Tang ina. Dapat diyan sa Tatay mo ipa-barangay," inis na sabi nito. "Kababae mong tao, grabe ka bugbugin! Tingnan mo, meron ka rin yata sa mukha."

"Meron din, tinakpan ko lang ng foundation," sabi ko. "Wag kang mag-alala, okay lang ako. Sanay na ako sa ganito."

"Hindi pwedeng palaging okay," sabi ni Lea. "Kung ako sa 'yo, ireklamo niyo na 'yang Tatay mo. Aba, baka sa susunod, saksakin na lang kayo no'n."

"Makaluwag-luwag lang talaga kami, lalayasan namin siya," nakangiting sabi ko. "Tara na at baka ma-late pa tayong dalawa."

Dumiretso kaming dalawa sa classroom. Sa isang hagdan ko inaya dumaan si Lea para madadaanan namin ang classroom ni Nlex. Kapag kasi sa isang hagdan kami dumaan, room agad namin ang madadaanan namin.

Natanaw ko si Nlex na nakaupo sa desk ng Teacher habang nakikipagtawanan sa kaniyang mga kaklase. Napangiti naman ako nang masilayan ang gwapong mukha nito.

Biglang dumako ang tingin sa 'kin nito. Nakangiting itinango nito ang kaniyang ulo bago muling bumaling sa kaniyang mga kaklase.

"Tinanguan niya ako!" tili ko nang makarating ako sa classroom namin.

TVL Strand ako. Gusto kong mag-HM dahil timawa ako, charing. Gusto kong mag-HM dahil wala akong magawa sa buhay at akala ko madali. Magastos pala.

"Level up na, ah?" nakangising sabi ni Lea nang makaupo kami. "Noong grade 11, hindi ka man lang sinusulyapan no'n."

"Baka tumalab na yung pagkausap ko sa posters niya tuwing gabi," pabebeng saad ko. "You know, palagi ko siyang niriritwalan."

"Grabe ka ma-obsessed," natatawang sabi nito. "Pero sana bago ka ma-obsessed pa lalo, isipin mo muna sana yung pinasisingil sa 'yo ni Ma'am."

Ay putek, oo nga pala. Agad naman akong tumayo nang maalala yung pinasisingil ni Ma'am na 150. Inisa-isa ko ang mga kaklase ko.

May mga nagbabayad na, na nililista ko naman. Yung iba naman ay sinabing bukas na. Bukas na rin ako, wala kasi akong extra ngayon.

"Bayad niyo," sabi ko sa barkadahan nila Jerome.

"Magbabayad kami kung kailan namin gusto," maangas na sabi ni Jerome.

"Kay Ma'am niyo sabihin 'yan, ang yayabang niyo." Inirapan ko sila bago talikuran.

Hindi ko na sila sinita tungkol doon sa ginawa nila sa 'kin sa canteen. Wala rin kasi ako sa mood ngayon.

"Ang arte mo!" Sinipa ni Allen ang hita ko kung saan may malaking pasa.

Napaupo naman ako at mangiyak ngiyak na napasapo sa hita ko. Nagtawanan lamang ang mga barkada ni Jerome, habang ako ay namimilipit sa sakit.

"Ang arte mo, makapal naman 'yang taba mo kaya hindi ka tatablan," sabi ni Allen.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at isinampal kay Allen yung notebook na hawak ko. Nagulat naman ang lahat at natahimik.

"Tang ina mo!" Singhal ko kay Allen bago maglakad papuntang upuan ko.

"Huy, ayos ka lang?" alalang tanong ni Lea. "Buhay ka pa ba?"

Tango lamang ang isinagot ko. Itinago ko ang pera sa wallet ko bago dumukmo. Inindan ko na lang ang sakit kahit gusto ko nang umiyak. Ayokong umiyak sa harapan nila dahil alam kong lalaitin lang nila ako at aasarin.

Napaayos lamang ako ng upo nang dumating ang Teacher namin. Nag-discuss lamang ito, hindi ko nagawang makinig dahil sumasakit pa rin ang hita ko. Gusto kong dumukmo kaso siguradong magagalit ang Teacher namin kaya nangalumbaba na lamang ako.

Sumapit ang breaktime, inaya ako ni Lea sa canteen pero tumanggi ako. Masakit kasi ang hita ko at nawalan ako bigla ng ganang lumandi. Nagpabili na lang akong siomai at tubig kay Lea.

"SHIEMI!" Wala pang limang minuto ay tumatakbo na pabalik si Lea. "SHIEMI!"

"Oh?" takang tanong ko. "Ang bilis mo naman. Nasaan yung pinabili ko?"

"Yung crush mong si Nlex, may buhat na babae," sabi nito. "Bridal style pa ang buhat!"

Nakalimutan ko yata ang sakit sa binti ko. Mabilis akong tumayo at iika-ikang lumabas ng classroom. Bumaba ako mula sa second floor at nakita ko si Nlex na naglalakad sa hallway, buhat ang isang magandang babae.

Tumalim ang mga tingin ko habang nakatingin sa dalawa. Pakiramdam ko ay gusto kong sugurin yung babae at sabunutan. Gusto ko siyang kuhanan ng buhok tapos ipakukulam ko siya.

"Shota yata ni Nlex yung babae," sabi ni Lea. "Talo ka na."

"Anong talo? Hindi ako papayag," walang emosyong sabi ko. "Hindi mag-he-hello sa 'kin si Nlex kung may shota siya."

"Eh, kaano-ano niya yung babae?" Hindi ako nakasagot. "Move on na, Shiemi. Mukhang kay Jerome ka lang nababagay."

"Ikaw na lang doon!" singhal ko sa kaniya.

Muli kong nilingon si Nlex at yung babae. Nalamukos ko na lamang ang palda ko habang nakatingin sa dalawa.

Nakakainis! Aalamin ko talaga kung sino yung babaeng 'yon. Wala akong sampung milyon pero gagawin ko lahat para layuan niya si Nlex ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devil's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon