Chapter Five

0 0 0
                                    

HANZ wanted to curse himself as he tried to recall how his sister taught him how to cook many times but he never even bother to listen.His favorite word to say were "Cooking is not for Hanz Kenn Marquez." na hanggang ngayon ay sinasabi nya parin sa sarili nya.

Mabuti nalang at nagpaalam si Florence dahil may tumawag rito kung hindi ay makikita siya nitong puro salita lamang dahil wala naman talaga siyang alam sa pagluluto.

He dialed the number of the his friend and co-professor, Anthoney.After four rings he picked up the call.

"What?" he sounded irritated

He frowned.Bakit masama kaagad ang timpla nito? Nagising nya kaya ito? Maybe it's a bad idea asking for their help afterall

"Hanz, Nang-ga-gago ka lang ba?" bigla ulit itong nagsalita, still irritated.

"Hoy! H'wag ka ngang ganyan!" pamilyar ang boses na 'yon sa kabilang linya.Hindi siya pwedeng magkamali na si Roxainne ito.Anthoney's wife.

"Honey kase-

"Shh! Pull it out, mag-usap muna kayo." kahit mahina ang pagkakasabi ng asawa ng kaibigan ay narinig nya parin ito.Bigla ay hiya ang bumalot sa pagkatao ni Hanz.He called while they're doing it, how embarassing, kaya pala irita ang boses ni Anthoney.

"Look, man, I'm sorry-"

Anthoney heaved a deep sigh."Just tell me what do you want, Marquez.This  better be good."

Napalunok siya sa sinabi ng kaibigan."Actually...I need your wife's help, dude.I need some tips on how to cook."

"Whoa, whoa, Come again?" Shock coated Anthoney's voice.Malalim na napabuntong hininga si Hanz bago tumingin sa karne na nasa kitchen counter.

"I need some tips on how to cook." he repeated

Biglang nawalan ng imik ang kabilang linya kaya naman ay akala ni Hanz naputol ang tawag pero mayamaya ay nag-salita ulit si Anthoney

"Hello, 911 emergency?"

Hanz rolled his eyes."Dude, I'm serious!" 

Humagalpak ng tawa sa kabilang linya ang kaibigan."Kidding aside, Man.Sandali, Palabas narin ang asawa ko sa banyo."

"Thanks."

Ilang segundo lang din ay boses naman ni Roxainne ang narinig nya."Hanzy, What's up?" bati ng babae sa kabilang linya

Napanatag siya sa boses nito."Hey, Rox--"

"Cut it out, Marquez.I'm a jealous man.Don't dare call her 'Roxy' kahit kaibigan kita baka--"

"Tumigil ka nga! Kung ano-ano na naman ang sasabihin mo sa kaibigan mo." pigil ni Roxainne sa kaibigan nya bago bumuntong hininga."Pag-pasensyahan mo na ang kaibigan mo, Hanz, Ngayon lang kase ako nalibre kaya sabik.You know how tiring running a bake shop can be." sabi pa nito

Hanz didn't need to hear that.Ang gusto nya lang naman ay magpaturo na magluto but here he is, hearing things he don't ever wanna hear.

"Anyway, Anong kailangan mo saakin?" sa wakas tinanong na ito ng kausap

"Yeah, Um, kasi, ano...uh...Gusto kong magluto." finally, he managed to say it.Hindi nya 'yon dapat ikahiya dahil normal lang naman na mag-sabi ng ganun pero alam nya sa sarili nya ang dahilan kung bakit nya gusto, kung bakit nya gustong matuto.

"Are you dying, Hanz!? Anthoney! Is he dying? Call 911! Bilisan mo, Wait there Hanz, papunta na ang tulong! H'wag kang mamamatay!"

He died.He wanted to die.Parehong-parehong mag-isip ang mag-asawang ito pero hindi tulad ni Anthoney ay totoong nag-aalala ang tono sa boses ni Roxainne.

WEST: FLORENCE SALUNSONWhere stories live. Discover now