Chapter 1

4 2 0
                                    

"Ang tagal 'ha."

A smile was formed on my lips after hearing that voice. Akala ko ay aabutin na ako ng bukas dahil sa traffic. Hindi naman ako nasabihan na makakabuo na pala ako ng pangarap dahil sa tagal ng byahe.

"Sorry 'ha, malay ko ba na slow racing ang peg ng mga jeep ngayon."

Trevor was now standing in front of me, his eyebrows creased. Naturingang lalaki, hobby ang magtaray. Kung hindi ko lang talaga ito close, sinapak ko na agad 'to.

Hindi ko na muna siya kinausap at inayos na muna ang sarili ko. Today is our first day at our new school. I don't want to create a bad impression.

My brother told me once, "treat yourself as a brand." Kailangan, kapag nakita nila ako, may naiisip na agad sila. Pagpasok pa lang, bongga na. I don't want to look homeless, ano.

"Sure ka ba na sa byahe ka pumunta at hindi sa suntukan? Para lang nakipag-bardagulan sa hitsura mo." Trevor said as he fixed my hair. Hindi ko napansin na may mga nahulog na pala na dahon sa buhok ko habang nagmamadali.

"Byahe 'yon, na parang suntukan." I fixed my backpack. "Tara na, wala sa plano ko ang ma-late."

He just shrugged and walked away. Wala na rin naman akong reklamo at sinunod na lang siya papasok. Aarte pa ba ako?

Trevor and I are cousins. Hindi namin alam kung anong trip ng parents namin at naisipan nilang ilipat kami ng school. I mean, we are doing good naman on our respective schools. Academic achievers, sports varsity, as in no bad image. Nagulat na lang talaga kami na this school year, they decided to switch schools.

Not that we have a choice din naman.

"Sure ka na ito na 'yon?" I asked Trev. Hindi kasi ako isinama ni Mama sa enrollment last time, kaya hindi ko rin alam kung nasaan na ba kami. Malay ko ba if plano pala nito na iligaw ako.

We are now standing at a big gate with murals na naka-drawing sa labas. There are also vendors with their own set of lanyards and bracelets. Para kaming nasa labas ng isang palengke dahil sa dami ng nagtitinda.

"Yup, tara na." Trev entered the gate. I don't have a choice but to follow him. Feeling ko naman ay nasa tamang lugar kami.

The inside of the school is kind of less chaotic compared to the outside. Isang malawak na field ang bumungad sa amin. Three-story buildings on the left, right, and front. Bigla tuloy akong napa-isip kung ilan kaya ang estudyante sa school na 'to?

"Hello! Good Morning. Magtatanong lang po sana kung saan po ang Santiago Building?"

Naputol na lang ang pag-iisip ko nang marinig na may kinakausap na naman si Trev. Iba rin talaga ang social skills ng lalaking 'to. Anxiety na lang talaga ang aatakihin ng anxiety dahil sa kanya.

"Doon rin naman ako papunta. Sabay ka na?" The guy replied. In all fairness, he's cute. Mas matangkad lang siya ng kaunti kay Trev, maybe an inch or two. And for a high school student, he's kind of buff.

"Ayon, thank you 'ha." Trev looked at me. "Tara na Pau."

The guy looked at me, quite shocked na may kasama pala si Trev. I don't know, why do I smell something fishy.

Oops, issue.

The three of us walked towards the building. Halos may ilang mga estudyante pa rin ang naglalakad sa labas ng mga classroom. May iba na naghahanap pa rin ng mga room nila. Hindi na talaga ako magugulat kung may mahuhuli sa mga 'to.

I tried to familiarise with the place. Ito na rin kasi ang magiging pangalawang tahanan namin sa loob ng isang taon. Mabuti sana kung kasing galing ako ni Trev magsalita, kaso hindi. Baka mas madaldal pa sa akin ang mga kuliglig.

"Dito na tayo," the guy said. Isang malaking "Santiago Building" ang nakasulat sa pader ng building. Sigurado ako na sa susunod ay hindi na talaga kami maligaw nito.

"Thank you 'ha!" I said. Nakakahiya naman dahil baka isipin niya na suplada ako. After all, I need to create a good image. A positive branding.

"You're welcome—" He realized that he still doesn't know our names.

"Trevor"

"Pauline"

"Felix," he said. "Iwan ko na kayo dito ha? Baka mahuli na rin ako sa klase ko.

Trevor and I just nodded in response. Hindi na rin kami naghintay pa naglakad na papunta sa classroom namin. The environment here is really different compared to our previous school. It's quite, lively?

Ang aga pa lang pero halos rinig na rinig ko na ang sigawan ng mga estudyante sa mga classroom. Pakitamdam ko ay may nagpapasabog ng bomba sa lakas ng ingay. Not that I do have a violent reaction. This is way much better than before.

"Dito na tayo." Trevor looked at me. "Welcome to public school, I guess?"

With that, the two of us entered our new room, or family I guess.

to pass, topazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon