Chapter 3

2 2 0
                                    

"Ubos na ang social battery ko."

Yan na lang ang narinig ko nang maupo si Trev sa tabi ko. Nang matapos kasi ang klase, halos hindi na siya nakabalik sa upuan dahil sa kaiikot niya sa loob. Akala mo ay tatakbo siyang barangay council dahil sa pakikipag-usap niya sa lahat ng kaklase namin.

When I say lahat, as in lahat. Wait, hindi pala lahat.

Hindi ko alam kung anong trip ni Trev at hindi niya masyadong kinausap si Thea. Kung para sa iba ay normal lang 'yon dahil bagong pasok pa lang kami, as his cousin, alam ko na hindi.

"What's the tea, bakit hindi mo kinausap si Madam?" I asked. Natawa na lang si Trev nang marinig ang sinabi ko. "Wag mo akong tawanan, Trev. Anong meron?"

Trev cleared his throat. "Sino ba naman kasi ang gaganahan makipag-usap sa kanya kung puro 'class president' ang lumalabas sa bibig niya. Wala namang nagtatanong. Hindi yata niya alam ang line between introducing and bragging."

"Figures. Baka threatened?" Mahinang bulong ko. Kahit naman maingay sa loob, mahirap na at baka may makarinig sa amin. Wala naman sa plano namin ang magkaroon ng bad record sa first day pa lang.

"Bakit naman siya matatakot, wala naman akong balak— Second thought, tignan natin." Trev smiled. Yup, sigurado na ako na may tumatakbo na naman sa isip ng lalaking 'to.

"Yan, yan na nga ba ang sinasabi ko. I thought low-key lang tayo this school year?" I asked. Tinignan lang niya ako bago kinindatan. "Wag mo akong daanin sa kindat. Pitikin ko pa yang eyeballs mo."

"Low-key lang talaga tayo. Wag lang akong mayabangan mamaya." Trev smiled. "Nakikita ko na ang sunod na teacher, itago mo na yang phone mo."

The moment he said that, pumasok na rin ang isang pamilyar na mukha. Napatingin na lang ako kay Trev nang makita ang pumasok na teacher namin.

"Si Kuya Warren ba 'yan?" Narinig kong bulong ni Trev. Kuya Warren is his brother's friend, emphasis on the friend part. Basta, long story.

"Good Morning Class," the teacher smiled. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang lahat o nakita ko na nanlaki ang mga mata niya nang makita si Trev. "I'm Warren Arkanghel, your science teacher for this school year."

I just heard a deep sigh from Trev. Kahit ako ay nagulat rin na makita si Kuya Warren dito, or Sir Warren. He has been a part of our childhood, as in lumaki kami na nakikita siya. Nakakagulat lang na makita siya dito.

Tulad kanina, binaggit lang rin ni Sir Warren ang mga basics tungkol sa subject niya. Kung paano siya maglalagay ng grado, kung ano ang mga dapat ipasa, at iba pa. Sadyang wala lang ako sa tamang huwisyo para makinig.

Napatingin na lang ako kay Trev, and mas malala pala ang hitsura niya. Mukhang isang malaking briefing ang mangyayari sa amin pag-uwi.

"Sir Ren, single ka po ba?"

Napaangat na lang ako ng tingin nang marinig ang boses ni Thea. Iba't ibang tilian at sigawan na rin ang narinig ko dahil sa naging tanong niya. Mga kabataan talaga ngayon. Charis.

"Yes, I'm single." Sir Ren smiled a little. "At dapat kayo rin, ang babata n'yo pa. Tigilan niyo yang love-love na 'yan."

Mas lalo tuloy nagtilian ang mga kaklase ko nang malamang single si Sir. Hindi ko tuloy mapigilang tignan si Trev na halatang naiilang na sa nangyayari.

Awkward.

"Ngayon, sigurado naman ako na nagpakilala na kayo sa unang subject niyo." Sir Ren fixed his glasses. "Hindi na natin 'yon uulitin dahil siguradong makikilala ko rin naman kayo sa mga susunod na araw."

"Ang gagawin lang natin ngayon ay pipili kayo ng class beadle. Familiar naman ang lahat kung ano ang class beadle. Tama?" Nagsitanguan naman kaming lahat sa tanong ni Sir. "Ngayon, may gusto bang magvolunteer?"

"Sir si Thea daw po!" Narinig kong sigaw nang isa sa mga kaklase namin. Lahat kami ay napatingin sa direksyon nila na halatang nagkakagulo na.

"Hala Sir! Hindi po." Hindi ko alam pero nakangiting umaayaw si Thea. "Parang tanga, kasi ayoko nga. Nakakahiya kayo."

Akala ko ay magugulat na ako sa nangyayari pero mas nagulat ako sa ginawa ng katabi ko.

"Ako na lang po Sir," Trev said with his hands raised. Napanganga na lang si Thea at biglang tumahimik. Nakita ko na lang na nagbubulungan silang magkakaibigan. Ayaw naman niya, 'di ba?

"Okay, Tre— I mean Mr. Clemente."

"Sir, kilala mo po si Trevor?" Narinig kong tanong ng iba.

Yan, yan ang sinasabi ko. Eksena at its finest.

to pass, topazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon