Chapter 4

2 2 0
                                    

"Yes, I know him." Sir Ren answered. "Since he volunteered, siya na lang ang kakausapin ko if I need things from your class. I don't want to use group chats dahil masyadong maraming dapat asikasuhin."

Mabuti na lang at hindi na rin nagtanong ang mga kaklase namin kung paano sila nagkakilala. Ang off naman sabihin na special friend ni Sir Ren ang kuya ni Trev. Masyado pa namang judgemental ang mga tao ngayon.

Wow, coming from me talaga 'ha.

"Tomorrow, let's form your groupings." Sir Ren continued. "I'm telling you already, marami kayong gagawing group work. Lakasan niyo na ang dasal niyo na maging matino ang mga kagrupo niyo."

Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa dahil sa sinabi ni Sir. Groupings pa naman ang dahilan ng siraan ng friendship. The best part of highschool life.

"That's all, dismissed."

Pakiramdam ko ay nagkaroon ng isang malaking palengke sa loob ng classroom namin nang lumabas si Sir Ren. Halos bawat gilid ay may naririnig akong sumisigaw. Puro ba naman naghahanap ng kasama para pumunta sa canteen.

"Ikaw, hindi ka ba lalabas?" Trev asked. Based on his looks, mukhang wala siyang balak lumabas. Naka-de-kwatro pa ang magaling kong pinsan.

"Wala, may baon din naman ako. Ikaw ba?" Inilabas ko na lang ang pinabaon ni Mama na sandwich. Mabuti na lang talaga at nagpadala siya dahil wala sa plano ko ang makipagsiksikan sa labas.

"Dahil may baon ka naman, pahingi na lang." Hindi pa ako nakakapagsalita ay hawak na ni Trev ang isang sandwich. Iba rin talaga ang bilis ng kamay nito.

"Para sayo naman kasi talaga 'yan. Maraming pinabaon si Mama para hati na lang tayo." Inilapag ko ang isang can ng coke sa mesa niya at nagsimula nang kumain. Bahala na kung gaano kagulo ang classroom, iisipin ko muna ang kumakalam na sikmura ko.

May balak pa sana akong tanungin si Trev kung ano ang reaksyon niya at nandito si Kuya Warren pero, narinig ko na lang na sumigaw ang kaklase namin.

"Magbobotohan daw tayo ng officer sabi ni Ma'am Hannah! Wala na daw munang susunod na klase."

"Oh, si Thea na ang president ulit!"

"Si Leo daw escort!"

"Escort na pogi kailangan, hindi yung parang escort ng patay!"

"Ako na treasurer, need ko ng pang-rebond!"

Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao dito sa loob. Sabagay, matagal na silang magkakakilala. Kung may bago man silang kaklase, siguro ay galing lang rin 'yon sa ibang section noon. Kami lang ni Trev ang walang kaalam-alam sa nangyayari ngayon.

"Gusto mo ba?" Tanong ko kay Trev. Noon kasi, palagi siyang president sa namin. Malay ko ba kung gusto pa rin niya.

"Hindi na, tatanggihan ko rin kung piliin nila ako."

"Ikaw bahala." Umaayos na lang ako ng upo at hiniyaang magkagulo ang buong klase namin. Kaya na nila ang sarili nila.

"Okay, class, settle down."

Isa-isa nang bumalik sa upuan ang mga kaklase namin nang pumasok si Ma'am Hannah. Nakinig na lang rin ako para makilala ko na rin sila.

"Okay, without further explanation, let's start today's election. Hindi na natin 'to gagawing formal dahil sigurado naman ako na magkakagulo lang rin kayo," natatawang sambit ni Miss Hannah. "Now, sino ang gusto niyong inominate as president?"

"Ma'am, I nominate Thea Bautista as president!" sigaw ng isa sa mga kaklase ko.

"Hoy, parang tanga 'to. Hindi na nga ako magpe-president this year 'eh. Baka may ibang mas deserving pa. Bakit kasi ninominate pa." Puro palo ang inabot ng kaibigan ni Thea sa kanya habang naglilitanya siya sa harapan.

"Buburahin ko ba ito Baustista?" tanong ni Ma'am Hannah.

"Wag na po Ma'am," nakangiting sagot ni Thea.

Ang weird 'ha. Nag-iinarte pero gusto rin pala.

"Other names?"

"I nominate Trey Ivory Clemente, Ma'am!"

Natawa na lang ako nang marinig ang boses ni Leo na sumigaw. Kanina lang kasi ay kadaldalan 'yan ni Trev, kaya hindi na rin ako nagulat na close na sila.

"Okay, may susu— Okay, Clemente, you want to say something?" Hindi na natapos ni Ma'am Hannah ang gusto niyang sabihin nang magtaas si Trev ng kamay.

"I would like to withdraw my name from the nomination po sana." Halos puro "aww" ang narinig ko sa klase nang sabihin 'yon ni Trev.

Hindi ko naman alam na may fans club na pala agad ang pinsan ko dito. Iba talaga ang charisma ng isang Clemente.

"Okay, ayos na ba sa klase na si Baustista na ang presidente? O may gusto pa kayong idagdag?"

"I nominate Pauline Alcantara po as president!"

Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Puro sigawan ang narinig ko sa loob ng klase nang banggitin ang pangalan ko. Akala ko ay nagbibiro lang sila, hindi pala.

Ang siraulo kong pinsan, nakisigaw rin na ayos na daw 'yan. Botohan na daw, dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"Oh c'mon, ikaw ang manok ko."

As much as I want to tell the things that happened, my mind exploded. The next thing I knew, I'm now standing in front, officiating the election.

First day, president. Too much for positive impression, I guess?

to pass, topazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon