"Yan, inaabot na naman po siya ng kalandian niya."
Napangiti na lang si Kuya Trav habang itinuon ang mata sa daan. We're currently inside his car, Trev on the shotgun, while I'm at the back. Mabuti na lang talaga at naisipan niyang sunduin kami.
"Hindi ba pwedeng nagulat lang?" he said. Even if he denies it, hindi pa rin maitatanggi ng mga ngiti niya ang sinasabi niya. Para siyang lasing na kanina pa nakangiti.
"Bahala ka nga sa buhay mo," Trev said. "Oo nga pala Kuya, may binigay na palang requirements yung ibang teacher namin. Sinabi na kung anong kulay ng notebook ang gagamitin nila."
"Daanan na lang natin mamaya. Umuwi na muna tayo dahil kanina pa ako gutom. Oh, Pau, nandito na pala tayo sa inyo."
Napalingon na lang ako sa labas nang marinig ko ang sinabi ni Kuya Trav. Nandito na nga pala talaga kami. Masyado na akong nag-enjoy makinig sa kanila.
"Thank you Kuya! Ingat kayo. Bye Trev!" Nagmamadaling sabi ko bago bumaba. Kumaway na lang ako hanggang sa makaalis sila. Mabuti naman at nakatipid din sa pamasahe.
"Ma, nandito na na ako!" sigaw ko nang makapasok. Ang alam ko ay nasa bahay naman si Mama ngayon dahil work-from-home naman ang set-up niya sa work.
"Kumain ka na muna ng tanghalian. Tapusin ko lang 'tong work ko!" Dumiretso na lang ako sa kusina nang marinig na sumigaw si Mama. I think she's still doing some paperworks.
Time moved quickly, and I just found myself spacing out on my bed. Matapos kumain ay dumiretso na ako sa loob ng kwarto at tumulala sa kisame. Halos isang oras na rin yata akong nakatulala.
Pipikit na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Hindi na ako nagulat nang makita ang pangalan ni Trev sa caller id.
"Check mo yung group chat," bungad sa akin ni Trev.
"Talagang wala man lang hi or hello? Ganyan agad?"
"Aarte pa ba? Come on, check mo na. I won't hang up muna."
Hindi na ako nakipagtalo pa kay Trev at inopen na ang messages ko. Halos sumabog na pala ang group chat namin dahil sa dami ng mga sinasabi nila.
"Anong trip ng mga 'to?" I asked Trev, mukhang hanggang bahay ay kaming dalawa pa rin ang magkausap.
Ipinagpatuloy ka lang ang pagbabasa hanggang sa may mabasa akong ibang section. Diamond, Emerald, Pearl, Ruby, Sapphire, and different gemstones. Bakit ba kasi ganito ang pangalan ng mga section sa public schools?
"Last section daw pala tayo. Ayon yung pinaka-gist ng usapan nila. They are actually aware of it. Check mo d'yan, may nagchat na tapunan daw ng rejects ang section natin."
Wow, I was quite surprised about that. Not that I don't want it, sadyang nagulat lang ako. This is the first time na sa last section ako napunta. Ang being in the last section sa isang public school is quite different. Let's admit it, iba ang treatment kapag nasa lowest ka.
"Sabi pa nga d'yan, si Thea lang daw ang nagbubuhat sa klase ever since. Kaya nga sabi pa ng isa dapat siya na lang daw ang president," sabi pa ni Trev.
"Bakit hindi siya ang ibinoto nila?" tanong ko. Nakita ko na ang chats na sinasabi ni Trev. Kaibigan niya rin pala ang nagsabi noon.
"Kaibigan lang naman niya ang nagsabi, sayo pa rin naman ang boto ng iba nating kaklase." Totoo naman ang sinabi niya. Halos lahat ay puro sinabing sigurado naman sila na kaya ko rin ang ginawa ni Thea.
"Grabe naman ang mga 'to, nakakapressure." Para kasing sigurado na sila na kaya ko nga.
"Kaya mo naman kasi talaga, itataya ko ang Pokemon Collections ko."
"Sige, sabi mo 'eh, Ash Ketchum," natatawang sabi ko. "Ito lang ba ang itinawag mo 'ha? Kasi kung oo, o-em-ji ka."
"Oo, 'yan lang talaga. Bye!"
Ang galing, pinatayan na nga ako.