Chapter 2

3 2 0
                                    

"Welcome to public school, I guess?"

I held out a deep sigh as we entered the classroom. I don't know if it's just my imagination, or talagang tinignan nila kami mula ulo hanggang paa. Siguro imagination ko lang talaga ang lahat.

They are all looking at Trevor. I mean, almost all the girls looking at him. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin sa kanya. Tall, mestizo, and a total charmer. Kung hindi lang masama ang ugali nito, matagal ko na 'tong naibulsa.

"Hala, may transferee!"

And that, that is a sign of chaos. Halos puro hello at hi na lang ang narinig ko. Wala naman akong magawa maliban sa ngumiti. I don't want to be the center of attention, pakiramdam ko ay mamamatay ako sa tingin nila.

"Hello! May available chairs pa ba? Preferably yung magkatabi?" Trev said. Mabuti na lang talaga at kasama ko ang lalaking 'to. Siguro ay matagal na akong naiburol sa ilalim ng lupa kung hindi ko siya kasama.

"Yes, meron sa likod," a girl with dark framed glasses answered. "Leo, 'wag nga kayong tumambay sa likod! May mauupo na 'oh!"

Slay sis. That's girl power.

Sumunod naman ang mga lalaking sinigawan niya, leaving vacant spots sa likod. Sumunod na lang ako kay Trevor maglakad dahil nakakahiya naman kung tumayo lang ako dito sa gitna.

As the two of us settled, kahit papaano ay tumahimik na rin ang kaguluhan. Though, I could still feel some eyes staring at us. Para tuloy kaming mga guinea pig na pinag-aaralan ng mga scientists dito sa loob.

"Hello!" The girl with eyeglasses approached us. I'm not judging based on the look, but I could see and feel na parang siya ang class president dito. The aura is giving kasi.

"Hi!" I answered with a smile. Trev smiled as well. Himala na lang na hindi na muna siya nagsalita.

"I'm Thea pala, kayo? What are your names?" Hindi ko alam pero, iba ang pakiramdam ko sa kanya. Parang may mali. Instinctively, I looked at Trev, who happens to be looking at me too.

"I'm Trevor, and she's Pauline." Trevor motioned his hand towards my direction, introducing me. Ngumiti na lang ako dahil nakakaramdam na ako ng pagkailang.

"Ngayon lang namin kayo nakita, sure ako na hindi rin kayo galing sa ibang section," she continued.

"Actually, yes," Trev answered. "Kalilipat lang kasi namin dito last year, at naisipan ng parents namin na dito na lang kami pag-aralin." That definitely is the worst lie I've ever heard from him. Ang tagal na naming nakatira dito, saan na naman niya nahugot na ang lumipat lang kami?

"Okay, class, settle down."

Pare-pareho kaming napatingin sa harap bang may biglang magsalita. Hindi na rin ako nagulat nang makita ang teacher namin. Thea mouthed "mamaya na lang" as she moved towards her seat.

"Plastic." Natawa na lang ako nang marinig ang bulong ni Trev. Hindi lang pala ako ang nakahalata. Something about Thea is wrong. Parang ang insincere ng kilos niya.

"Sinabi mo pa." I cleared my desk and fixed my posture. I guess this is it.

"Again, good morning class." The teacher walked in front of the class. One word the describe her: beautiful. Halos wala pa yata sa 30s si Ma'am. Para lang siyang estudyante dahil sa hitsura niya.

"Bago tayo magsimula, magpapakilala muna ako." She silently scribbled her name sa blackboard sa harap. "I'm Hannah Leviste, I will be your homeroom teacher and adviser for this school year."

Napailing na lang ako nang marinig ang mga mahihinang boses ng mga lalaki sa harap na halatang kinikilig. Iba rin talaga ang tama ng mga 'to.

Ma'am Hannah told several things about herself. Halos mapanganga na lang ako dahil sa dami ng achievements na sinabi niya. The thing that caught my attention is her alma mater. Pareho kasi sila ng pinasukang school. I wonder if she knew my brother.

"Ngayong tapos na ako, sigurado naman ako na alam n'yo na ang susunod na gagawin niyo. I want you guys to introduce yourself. Let's start here sa harap."

May ilang reklamo at tawanan pa akong narinig sa harapan bago nagsimulang magpakilala ang mga bagong kaklase namin.

Jacob, Fiona, Sarah, Jane, Lyn, and many names. Hindi na rin ako nag-aksayang alalahanin lahat dahil sigurado naman ako na makikilala ko rin naman sila sa mga susunod na araw.

"Hello everyone! I'm Bettina Althea Bautista. I'm the class president from the start of highschool up to last year, and maybe this year as well. I like basketball, volleyball, and badminton. I believe that beauty is in the eye of the beholder. Thank you!"

I looked at Thea. She is actually beautiful. Her glasses added some intimidating aura but, it fits her well. Sadyang iba lang talaga ang impression ko sa kanya. Who knows, baka magbago rin naman ang tingin ko sa kanya.

Some of my classmates introduced themselves. Trevor stood up. Halos lahat ng mga kaklase namin ang nakatingin sa kanya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangisi. Kung alam lang nila ang mga tumatakbo sa isip ni Trev, kung alam lang nila.

"Good morning everyone. I'm Trey Ivory Clemente, Trevor for short. I'm a transferee together with my cousin. That's all."

Wow, kailan pa siya naging tahimik. This is so not him. Bagong personality niya ba 'to? Guluhin ko nga 'to mamaya.

Tumayo na rin ako dahil ako na ang susunod na magsasalita. Pinapakalma ko ang sarili ko habang naglalakad patungo sa gitna. I flashed a wide smile before introducing myself.

"Hello! I'm Pauline Alcantara. I hope maging kaibigan ko kayong lahat." I took a small bow after that. Ayos na 'yan.

Nang matapos ang lahat magpakilala, nagkaroon pa ng kaunting pagpapaalala si Ma'am Hannah. Mga normal na bawal kumain sa loob, bawal magcellphone, bawal matulog.

"That's it class, welcome to Section Topaz!"

And with that, a loud roar and claps were heard across the room. Welcome, it is.

to pass, topazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon