Chapter 3

317 12 1
                                    

KAHIT medyo masama ang loob ay pumayag naman si Rob na sa kanila muna manatili si Ling. Hindi niya puwedeng pagdamutan ang hipag sapagka't alam niya kung gaano kamahal ni Lila ang kapatid.

Naglulundag naman sa tuwa ang kambal nang pumayag siya. Naitanong na lang niya sa sarili kung ano ba ang ipinakain ni Ling sa mga bata at ganoon na lamang ang pagkabaliw ng mga ito rito. At ikinabahala niya iyon.

"Pumayag na ako pero may mga kondisyon," wika niya.

"Kondisyon?" Ling, Tenny, and Kerry chorused.

"Yup. Una—" Itinaas niya ang hintuturo at tumingin kay Ling. "Maliligo ka araw-araw."

Humagikhik ang kambal. Lumabi lang si Ling.

Nagpatuloy siya. "Second, hindi mo itataas ang paa kapag kumakain. Ayokong isipin ng mga anak kong okay lang ang ganoon at gayahin ka. Pangatlo, may curfew rito. Kapag alas-diyes at wala ka pa rito ay isasara na ang gate, hindi ka na makakapasok." Alam niyang mahilig sa nightlife ang hipag. "Pang-apat, imo-monitor ko ang mga binabasa mo dahil pinapanood at pinakikinggan ka ng kambal. Bawal din ang junk foods at hindi dapat Coke ang iniinom ng dalawa bago matulog. Gatas." Noong buhay pa ang kanyang asawa ay nakitulog ito sa kanila. Naglambing dito ang kambal at sa guest room din natulog. Kasama ito. But they didn't sleep early as expected. Nakahalata si Lila at kinatok ang pinto ng tatlo. Nakita nitong nanonood ng TV ang mga ito at kumakain ng Pringles at umiinom ng Coke. Pinagalitan ni Lila ang kambal.

Iyon ang dahilan kaya siya nagbigay ng ganoong kondisyon kay Ling. Natatakot siya na baka ganoon pa rin ang gawin nito bago matulog.

HINDI na nakatiis si Ling. "Yaman din lang na gagawin mo akong yaya ng kambal sa uma, dapat bigyan mo rin ako ng allowance. Weekly. Pambili ng masusustansiyang pagkain," patuya niyang sabi.

"Si Caring ang namamalengke at naggo-grocery," wika ni Rob.

"Kahit na." Wala talaga siyang pera at kailangan niya niyon. To hell with pride. Besides, kapag nahingan niya ng pera si Rob ay para na rin niyang naisahan ito. Bawi na siya sa panlalait nito.

"Okay," anito.

"Salamat naman at madali kang kausap," ani Ling. Yumuko siya buhat sa kinauupuan upang ayusin ang lace ng maduming sneakers na suot. Dahil maluwang ang neckline ng suot niyang T-shirt ay hindi sinasadyang nabosohan siya ni Rob. And he couldn't take his eyes off her exposed cleavage and her satin bra. And he couldn't help imagining what was being covered by it. Naramdaman naman ni Ling na may nakamasid sa kanya. Nang mag-angat siya ng ulo ay nakita niyang nakatitig si Rob sa may bahagi ng kanyang dibdib.

She looked down and saw what he was staring at. Agad siyang umayos sa pagkakaupo.

"Bayad ka na, Kuya—" biro niya, ngunit pinagsisihan niya iyon. Namula naman ang mukha ni Rob. Hindi na ito nakaimik. Tahimik din lang ang kambal. They didn't notice what happened.

Si Espie ang nabahala sa bagong development sa Inosorio household. Dumating ito oras ng hapunan, may dalang mga pagkain na ipinabalot buhat sa Barrio Fiesta. Si Ling ang nagbukas ng pinto.

"Ling!" bulalas ni Espie pagkakita rito. "How are you?"

"Gaya pa rin ng dati. A rover," anang dalaga. Buhat sa likod niya ay nagsalita si Tenny. "Dito na titira si Tita, may mag-aalaga na sa amin. Hindi ka na maaabala, Tita Espie," wika nito na ang tono'y parang sinasabihan si Espie na huwag na itong pupunta sa kanila.

Pilit itinago ni Espie ang disappointment. Pinasaya nito ang mukha at bumaling kay Rob. "Totoo ba, Rob?" tanong nito.

Tumango ang biyudo.

"Well, that's great." Bahaw ang enthusiasm ni Espie.

"Ano ba yang dala mo, Espie?" tanong naman ni Ling. "Pagkain yata, pagsaluhan na natin. Hindi nagluto si Caring, eh."

Suddenly - Rose TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon