01 :: Chasing Dreams

252 140 151
                                    

          "Kamatayan-- ginagawa na itong isang katangahan ngayon. Mga hindi na takot mamatay kaya sabit dito, talon diyan. Laslas doon. Hayts bobo rin ng mga tao noh?"

Nagising ako dahil sa boses na kanina ko pa naririnig. Teka... boses ng.....bata?

"Akala nila kapag namatay na sila, tapos na ang sakit at pahirap. Finish na ang lahat lahat," pinakingan ko pa ang sinasabi nito at hindi muna ako nagpakita ng motibo na gising na ako. " Eh, ang kaluluwa nila? Sa tingin ba nila mananahimik ang mga ito? Na makakaakyat sila sa langit? Duuuh. "

Bata ba talaga ito??

"Hindi kamatayan ang susi sa paghihirap. Kaya ikaw, Ate Yza, bumangon kana diyan. Alam kong gising kana," EH?,  I rolled my eyes at bumangon na ako sa kama. Wait lang....

" Dami mong satsat, sino ka ba?" tanong ko dito at pinagtaasan siya ng kilay.

" Bakit ka napunta dito?"

" Nasaan mga magulang mo?"

" Hep hep, hooray. Kalma, iisa ang kalaban," nag-sandok siya ng fried rice at inabot saakin. " Hold this, ate."

" Ako si...." natigil siya at nag kuha ng panibagong pingan at nilagyan niya ng itlog....na sunog. " Si?" tanong ko ulit.

"Hmmm I'm Laure. Kain na," Ang daming tanong sa utak ko, pero ikinain ko na lang. "Sorry, sunog. Hindi ako marunong mag luto eh. Hahahahah," she laughed at umupo sa may tabi ko "Bakit ako napunta dito? tumakas ako samin. Nakita kong bukas itong pinto mo. Pumasok ako."

Pasaway na bata.

Bumangon na ako sa kama at nag-sandok ng pagkain sa panibagong pingan.  "Oh heto, kumain ka. Tapos mamaya, uuwi kana."

" Ayoko, " pagmamatigas pa nito. " Uuwi ka."

" Ayoko nga, kulit, " pakikipag talo pa nito,

" Uuwi ka nga! kulit."

"Ayoko, ayokong umuwi, ayok-- Ibaba mo ako!!!" Binuhat ko ito at dinala sa labas ng condo ko. Nagpupumiglas pa ito pero duuh sa laki ko hindi siya makakawala " Kung ayaw mo, umalis ka dito. Wala akong panahon sa'yo!" Marahas ko siyang ibinagsak. "Gan'yan naba tayo Ate Yza? "

" Ha? " napa kunot ang noo ko sa sinabi ni Laure, kuno raw. Pinagsasabi nitong bata na 'to??

"Ganito ba kaliit ang mundo satin? " she laughed bitterly sa sinabi niya. Tss. I slammed the door, and went back to my bed. I opened my phone at nanood ng K-drama sa Netflix. I don't want to be productive, just for this morning. Sirang-sira na araw ko.

Saturday morning ngayon,  so I decided to stay on my bed at ala-una na bumangon. I showered first and picked a usually outfit. Mag g-grocery ako sa labas.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad saakin ang batang nagpapakulo ng dugo ko. Naglalaro ito ng pi-ko sa tiles. "Saan tayo pupunta? " She smiled as soon as she saw me. Hindi ko ito pinansin at nag lakad na papasok sa elevator. I pressed ground floor.

While waiting, nag open ako ng Facebook at kaunahan sa for you page ko ang post ng highschool classmate ko. The first photo was a plane, at ang ikalawa ay plane ticket niya and baggages. Binasa ko ang caption nito.

"Hope to meet my true love in the City of Love," So she's going to Paris?

"Nuks makakatapak na siya sa Paris. Samantalang ako kahit isang butil ng buhangin sa Boracay wala," Tumawa ako sa sarili kong kabaliwan, but sadness can be sense on my tone.

"Hey, you deserve the world Ate, okay? Maybe it's not the time for you to finally achieve those dreams," Laure suddenly said, she's looking at the blinking lights sa taas ng elevator. "Ano bang alam mo tungkol sa mundo, ha?" I rolled my eyes and she just shrugged.

"Saan ka Hya?" tanong sakin ni Tita na nakaupo sa couch dito sa waiting area ng building. "Groceries lang po," She nodded. She owns this place but out of pity she gave me a free room. Hindi ko alam kung matatawag ko 'yung swerte, o malas.

Sumakay na ako sa jeep at nag bayad. Pupunta ako sa iyam, sa palengke. I can't afford going to those supermarkets para mag grocery. "To those chasing dreams ate, just keep on running, keep chasing them. One day or someday all sweats will paid off. We are born to strive,  and not to give up. Bibili lang po akong candy sa labas," she gave a smile.

To those chasing dreams-- keep on chasing them. Until they cannot run anymore.

I let out a heavy sigh bago pumasok sa palengke. "Te, bangus oh nobenta ang kilo."

"Ganda, karne nang baboy. Bagong katay. 260 kilo."

Daming mga tindera ang tumatawag sakin, na bumili raw ako ng ganito gan'yan. Nagpunta ako sa dry goods and frozen foods area. Para humanap nang pang stock ko sa ref for this week.
 

Pagkalabas ko sa palengke, ay nakita ko si Laure na nakaupo sa isang bato habang may kinakain na lollipop. "Akala ko nawala ka na."

"Nag alala ka lang sakin eh," I rolled my eyes. Sumakay na kami ng jeep at nag punta sa condo. 8th floor ito at 'yung pinaka maliit. Alangan pinaka malaki, walang disney princess dito kung gusto mong mabuhay.

I assembled everything at nagluto sa rice cooker ng kanin. At pagkatapos ay nag luto ng ramen at itlog. Nag prepare ako ng dalawang pinggan "Kain na bata."

"Thank you po," She smiled at me. I nodded and took my old laptop at sinimulang mag sulat. I typed something and then erased it. Typed and erased.

"Bwesit."

Nakakailang itong red line na kumikislap sa white screen ko. Oo na nga, wala na akong masulat. Nakakainis. " Writer ka? " She said habang nahigop ng sabaw. Takte, may ramen nga pala. Kumain muna ako at pinatay ang laptop. "If you can't feel it, don't force yourself."

"Huwag magpilit mag langoy kung walang tubig, kusa 'yang lalapit sa'yo kapag ramdam mo na sa'yo. Hinga ka muna at hanapin kung anong kulang. Ano bang kulang, ate?"   She looked at me deeply.

Ano nga bang kulang?

" Hindi ko alam," inubos ko ang ramen at binuksan ulit ang laptop. Nag-type ulit ako at ganon pa rin. Typed, Erased. Typed, Erased. Akala ko gutom lang.

Lumapit siya sakin at pinatay ang laptop ko. " Ate, don't force yourself to write when every letters you strung doesn't exist."

" If you can't feel it, take time to relax. Eventually every letters will align accordingly if you put feelings, passion and life into your writing. Find what's missing first."

Nag salin ako ng tubig sa baso at uminom. I let out a heavy sigh. "How can you continue everything,  kung may nawawala?"

"Inspiration, I lost.... my inspiration," I said.

" I won't say, go and find your inspiration. Dahil kapag hinanap mo 'yan mawawala at mawawala pa rin 'yan. And the cycle will continue. This time, go and create your own. Kasi kapag nawala 'yan, you have the ingredients to make a new one"

"what do you mean?"

" Make yourself your own inspiration," Paano? Paanong sarili ko? Kung ako mismo 'yung nawawala? Kung ako mismo 'yung kulang? 

_____

Hello karamelized! So I edited this chapter again. And I realized baka hindi n'yo alam 'yung game na pi-ko? Hopscotch po, hindi ko lang alam terms sa ibang lugar but. Piko or pi-ko ang tawag sa province namin.

Thankyousomuch for reading!!

Para sa Batang AkoWhere stories live. Discover now