Colet's POV
Luh? Bakit nagmessage 'to? Ngayon lang ako nakakita ng artista na nagmemessage sa tulad kong nobody ha.
Yes, alam ko na. Idol siya. Nagresearch ako. Hinanap ko siya sa Tiktok, Twitter, Facebook, at Google. Grabe, sikat pala talaga siya. Siguro, ini-scroll ko lang kapag dumadaan 'to sa FYP ko.
Syempre kailangan ko magtweet sa nangyayari. Kailangan alam ng lahat na naguguluhan ako, eme.
Replyan ko na nga. Baka sabihin naman hindi ako namamansin. Sino ba naman ako para iignore ang idol na 'to.
Pero curious talaga ako. Bakit naman siya magmemessage? Impossible naman na dahil lang don sa picture na nakita niya. Chika ko nga kay Aiah baka sakaling alam niya.
Ang nakuha ko lang ay.. inggit. Ano bang nakakainggit don? Ang weird nga ng idol nila. Kung sa iba yun, hahayaan na lang ako eh. Mawawalan ng pakialam. Pero itong si Maloi, iba siya. Parang sikat lang sa stan twt ang datingan huh. Nagfirst move pa.
Magpapalit sana ako ng pfp sa twitter tapos ngayon ko lang napansin.. 2K NA FOLLOWERS KO?! Dahil na naman 'to kay Maloi. Marami na tuloy makakabasa ng rants ko. Kainis!
Pero nagpalit pa rin ako. Ganda ko kaya rito 'no. Minsan lang ako maglaro ng ganda-gandahan kaya pagbigyan niyo na. Si Jho pa nagmake-up sakin niyan eh.
[Jhoanna Robles is Colet's high school best friend. Currently, nagbabakasyon sa Thailand.]
Namiss ko tuloy...
Wow, may new tweet na si madam. Nasa rehearsal ata kaya hindi nagrereply. Anyways, wala akong pake. Gusto ko ng tahimik na buhay.
Ayan, tama 'yan. I-seen mo na lang ako. Narealize na siguro niya na idol sya at hindi dapat makipag-usap sakin HAHAHAHAHA buti na lang!
Speaking of Jho, nakita na nga niya na sumikat ako sa Twitter. For sure mang-aasar 'to.
﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌ 🎧 ﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌
BINABASA MO ANG
Voices of Love | BINI Maloi & Colet
FanfictionDuring a Fun Run event, Colet tweeted asking who the girl with the ribbon is. Little did she know, it was Maloi, a new rising singer and idol in the Philippines. One tweet and an unpredictable story happened next.