At ayun na nga ang nangyari. Si Maloi, hindi pa ulit nag-update after nung tweet na yun. Si Colet, nagsasaya dahil sa wakas ay tumahimik na ang buhay niya. Tumigil na rin ang fans ni Maloi after nung tweet niya. At dahil doon, naging payapa na ang account ni Colet.
.
.
.
.2 days later...
Maaga gumising si Colet dahil excited siya na sunduin si Jhoanna sa airport. Akala mo naman ilang years nagkalayo eh, 1 month lang naman. OA!
Colet's POV
Shet, excited! Sana madaming pasalubong. Wala na akong pakialam kung sinong uuwi, gusto ko lang ng pasalubong. Joke! Namiss ko rin naman talaga si Jhoanna, 'no! Pero sana, may damit...
Tagal ni Jho! Sabi niya 12PM daw nandito na siya. Anong oras na oh?!
"Huy!!! Colet kooooo!!"
Finally! Naririnig ko na ang matinis niyang sigaw.
"Hiii. Namiss kita!" sabi ko sabay yakap nang mahigpit kay Jho.
"I miss you too! So much!"
Grabe, feel ko talaga 1 year 'to nawala eh. Na-miss ko sobra.
"Pero kita ko nakasimangot ka na. Inip ka na 'nooo," pang-aasar niya.
"Oo, sabi mo 12PM."
"Ito naman! Late lang ng 20 mins oh. Tara na lang maglunch, alam kong gutom ka na."
"Yan ang gusto ko!"
As usual, sa favorite restaurant ni Jho kami kumain. For sure namiss niya 'to sobra.
"Alam mo gumanda ka. Anong meron sa hangin sa Thailand?" pambobola ko kay Jho.
"Tse! Humihingi ka lang ng pasalubong eh. Oh eto, damit. Alam kong 'yan ang gusto mo. Sukat mo dali!"
Yay! Sabi ko na nga ba eh.
"Grabe may fans ka na talaga!"
"Ha? Bakit?" pagtataka ko.
"Look oh, andaming naglike nung tweet mo na pic mo. Tapos yung pic nating dalawa kaunti lang! Di ba sila nagandahan sakin?!"
"Baka hindi.." pang-aasar ko.
"Colet naman!!!!"
"Anyways, ano bang nangyari? Bakit sumikat ka sa Twitter?
"Kasalanan ni Aiah. Hinila ba naman ako ron sa Fun Run tapos nung nagtweet ako kung sino yung nakaribbon, ayun sinugod na ako ng fans nung Maloi."
"Kilala ko si Maloi eh! Isa siya sa artists sa company na gusto ko sanang pagtrabahuhan."
"Really?"
"Yes! Kaya pagbukas ko ng Twitter, nakita ko rin agad na trending ka."
Pagdating namin sa apartment ni Jho, kinuwento niya sakin kung sino nga ba si Maloi and yung iba pang idols na bago.
"Si Maloi talaga magaling eh! Nakita ko siya magperform once nung pumunta ako sa company nila. Kaso ang higpit ng management don."
"Paano mo nasabi?"
"Sa kagustuhan nilang maging maganda image ng artists nila, masyado nilang kinocontrol lahat. Hawak sa leeg, like that."
Grabe. Kung ganon kahigpit don, ano kayang nangyari sa kaniya dahil sa ginawa niya sa Twitter?
"Anyways, kwento ko naman vacation ko sa Thailand. Super sayaaa!"
Sa paraan ng pagkukwento niya, mukha ngang nagsaya siya. I'm happy for Jho. Deserve niya maging ganito kasaya.
"Next time sama mo na ako ha?"
"Sure! Taga-dala ng maleta," pang-aasar niya.
"Halika nga ritooo."
We played like kids, laughed, and enjoyed. Grabe, namiss ko talaga 'to. After namin magkulitan, nagbalak na akong umuwi para makapagpahinga naman si Jho. For sure, napagod 'to sa byahe at sa pagtawa.
"Thank you, Col," she whispered as she hug me tight.
"I gotchu always, Jho."
Pag-uwi ko sa bahay, nagbukas agad ako ng phone para icheck kung may messages ba at para na rin magscroll sa Tiktok.
"Ano 'to?"
Ha? Paano niya nalaman? At bakit parang desperate siya na malaman? Bahala na! Hindi ko 'to rereplyan kasi baka mamaya kung anong pang mangyari. Mananahimik na lang ako.
Who are you? And why are you too desperate to know?
﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌ 🎧 ﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌﹌
BINABASA MO ANG
Voices of Love | BINI Maloi & Colet
FanfictionDuring a Fun Run event, Colet tweeted asking who the girl with the ribbon is. Little did she know, it was Maloi, a new rising singer and idol in the Philippines. One tweet and an unpredictable story happened next.