Maririnig ang salitang pagtunog ng mga makina sa loob ng pribadong silid sa infirmary. Nakaratay sa isang kama ang katawan ni Evone at nakaupo naman sa katabing upuan sina Aliah at Dionne.
"What happened?" tanong ng head nurse sa infirmary. Nakalagay sa loob ng bulsa ng lab gown nito ang dalawang kamay. Istriktong inuusisa ang dalawang estudyante habang wala pa ang Head Professor.
Nakadungo lamang si Aliah- kanina pa bumabagsak ang mga luha. Natatakot ito sa iba't-ibang dahilan at bagay na sumasagi sa kaniyang isipan. Samantala, si Dionne ang naglakas-loob na makinig sa medic.
"We found some traces of bruise and shocks on and within her skin. Isa lang ang ibig-sabihin, she got exposed to our forbidden energy barrier." galit na turan ng doktor.
"Y-Yes, doc." si Dionne. Inalis niya muna ang mga braso sa pagkakayakap kay Aliah at tumayo habang nakadungo na.
"Care to explain why?"
"We..." napahinga ng maigi si Dionne. Naglalaro sa isipan niya ang iba't-ibang anggulo ng mga posibleng kahihinatnan nila. Naluluha- ngunit pinipigilan- niyang sinilip ang walang malay na si Evone.
"You...?" nakataas ang kilay na naghintay ang doctor.
"We were about to enter in our classes nang bigla siyang bumagsak." mas bumilis ang pagkabog ng kaniyang dibdib, "Hindi namin nakita kung bakit pero kung sabi ninyo ay mayroong trace ng forbidden energy sa katawan niya... baka natamaan siya ng ligaw na electrical energy mula sa area ng renovation... a-alam naman ho ninyo na minsa'y may nakakawalang energy sa mga systems dahil hindi pa pulido ang mga pagbabagong isinasaga-"
Pinutol ng doktor ang salaysay niya. "I get your point." Tumalikod na ito at mas lumapit pa sa kama ng estudyante. Pinagmasdan niyang maigi ang mukha nito at katulad ng mga bata ay marami ring katanungan sa kaniyang isipan.
Maya-maya pa ay may kumatok sa loob ng pribadong silid at iniluwal ng pintuan ang isang ginang na nakasuot din ng lab gown at may kasunod itong dalawang naka-mask.
"Is this the room of patient Evone Lavilla from building D, Department of Science, Class five, Student number 25?" walang emosyong tanong nito.
Napatayo naman ng maayos si Dionne at ganon na rin si Aliah bagaman namamaga pa ang mga mata nito.
"Head Professor," hinarap ng doctor ang pumasok at ito na ang nagsalaysay.
Napatingin naman si Aliah kay Dionne at binigyan ito ng nagtatanong ng tingin. Umiwas lang ng tingin ang huli at hindi na muling nakipagtitigan pa. Alam niya ang nasa isipan ni Aliah. Ngunit buo ang desisyon ni Dionne.
Reckless man o ano. Isusugal ko sa kasinungalingan ang kaligtasan natin pareho.
*****
"Hindi na mag-iimbestiga pa ang nakakataas," bulong ni Aliah.
Napatango naman si Dionne at muli silang napatingin kay Evone. Kasalukuyan na silang naririto ngayon sa loob ng kanilang dormitoryo. Hindi na rin kumalat ang tungkol sa kanila dahil mabilis nilang naipuslit sa infirmary ang walang-malay na kaibigan.
Kasalukuyang kumakain ng sopas si Evone at may iilan pa itong benda sa braso.
"Hindi ko pa rin alam bakit ganoon ang nangyari sa 'yo." Kunot-noong panimula ni Dionne dahilan para tingnan siya ni Evone.
"Might as well stay like that," diretsong sagot nito dahilan upang mas makunot ang noo niya.
Maging si Aliah ay nag-aalangan at nahihiya. Pakiramdam niya ay galit sa kanila si Evone. Pero hindi- kahit ilang saglit lang silang nagsama ay alam niyang hindi nambabara o nagsasara ng pintuan si Evone para sa kanila.

BINABASA MO ANG
She's a Paradox
Teen FictionNang nalunod sa tubig ang mga ala-alang kaniyang kinalakihan, dinala siya ng panahon sa bansang pinagmulan ng kaniyang mga kadugo. Sa mga panahong pilit binabalikan ni Evone ang mga ala-alang hindi na niya mahawakan, at ang mga pagsubok na humahabol...