Chapter 1

19 1 2
                                    


“Sino ‘yan? Transferree ba?” ani ng babaeng nagsusuklay ng buhok

“Ewan ko, nandiyan na ‘yan paggising ko e.” tugon ng kumakain ng mansanas.

“Baka exchange student?”

Dahan-dahang iminulat ni Evone ang kanyang mga mata nang magising siya ng dalawang boses. Bumungad sa kaniya ang mukha ng isang meztisang babae na nakadungaw sa kaniya.

“H-Hello?” ang mestizang babae. Binigyan siya nito ng nag-aalangang ngiti at kaunting kaway bago umalis sa pagkakadungaw sa kaniya.

Marahan siyang bumangon at nakita ang isa pang babae sa kaharap niya na higaan. Maiksi ang buhok at matalim kung tumingin. Nakapandekwatro ito ng upo, naka-uniform, basa pa ang buhok, at kumakagat sa bitbit nitong mansanas. 

“Who are you?” masama ang tingin na tanong nito sa kaniya.

“Hoy… ‘wag mo namang takutin…” salita nong isa kanina at lumapit muli kay Evone na ngayon ay tila ina-analisa pa ang kaniyang sarili.

Hindi siya sumagot at iwinalis lang ang kumot na nakabalot sa paanan niya at umupo sa kama.

Napatulala lang si Evone sa kaniyang paa na naka-apak sa tiles na sahig at doon niya lang naramdaman ang ingay ng paligid. Nagtataka namang nakatingin sa kaniya ang dalawa ngayon— kapwa nag-aalangan.

“Nasa’n ako?” tulalang tanong niya nang hindi tumitingin sa dalawa— animo'y sarili lamang ang kausap.

“H-Hindi mo alam?” nagugulat na tanong nong mabait at meztisang babae.

Napatingin naman si Evone rito at dahan-dahang umiling bilang tugon.

“B-Bakit?” naguguluhang tanong ng babae.

Napa-isip din siya sa tanong na ‘yon. 

Bakit?

“Hindi ko rin alam,” sagot niya sabay kibit-balikat. Iginala niya ang paningin sa buong silid hanggang sa dumapo ang tingin niya roon sa babaeng maiksi ang buhok. Hindi siya nakaligtas sa matalim na tingin nito.

“Nasa isang dormitory ka, miss.” Magkasalubong ang kilay na sabi nito sa kanya. “Kung hindi mo alam kung bakit ka narito, dadalhin ka namin sa guidance office,” mabilis na sabi nito bago tumayo’t humakbang palapit sa pinto.

Wala naman dahilan si Evone upang magreklamo kung kaya't sumunod na lamang siya sa dalawa.

Nang buksan nila ang pintuan ay sumalubong sa kaniya ang isang malawak na field at nagtataasang buildings. Ngunit ang mas nakakagulat dito ay animo'y nasa loob sila ng isang secluded property.

Hindi niya maiwasang igala ang paningin sa field kung saan ay iilang mga estudyante lamang ang makikitang naglalakad. Akala niya ay doon lamang ang hangganan ngunit unti-unti niyang naaaninag ang isang gusali sa bawat sulok at bawat gilid ng lugar.

"Nasa loob tayo ng Unified Science Academy— a secluded academy full of scientific mystery." Napatingin siya sa nagsalita na katabi niya ngayong naglalakad. "Ako nga pala si Alliah," nakangiting pakilala sa kaniya nong mestiza na babae. "At sya naman si Dionne," pakilala niya sa maiksi ang buhok na nasa unahan at tahimik na naglalakad.

"Ikaw? Anong pangalan mo? Ilang taon ka na?"

Nakatingin lang si Evone sa kaniyang harapan, wala pa ring pinagbago ang emosyon ng kaniyang mukha— naninibago at pilit inaalala ang kaniyang pagkatao.

"Evone..." tugon niya at para pa siyang natigilan sa sariling isinambit. Napahawak siya sa kaniyang bibig dahil parang kusa itong nagsalita para sa kaniya.

She's a ParadoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon