KAIRON
Kanina ko pa napapansin ang ilang beses na pagnanakaw ni Clair ng tingin sa akin ngunit simula nang dumating ako dito sa school ay hindi niya pa ako kinikibo. Hindi siya ganyan kapag galit, mas mukha siyang may tinatago.
"Clair," Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinumpronta ko na nga siya. "May problema ba?"
Lumunok muna siya bago sumagot. Halatang kinakabahan.
"Ah, ano kasi..." Kinamot niya ang kanyang ulo pagkatapos ay ipinasok niya ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang palda na para bang may kukunin siya roon.
Napakunot ako ng noo habang matiyagang naghihintay. Sawakas ay binalik niya na rin ang tingin niya sa akin ngunit ang kanyang kamay ay nanatili sa loob ng kanyang bulsa na sa tingin ko ngayon ay may hinahawakan na.
"Um... Kairon, kasi ..." Tumingin siya sa mga mata ko, nangangapa kung magagalit ba ako sa sasabihin niya o hindi. "Yung letter.." Nilabas niya ang isang pamilyar na puting papel.
Nang mga sandaling iyon ay hindi na ako nagulat dahil ako naman ang naglagay niyan sa bag niya kahapon nong hindi ko pa nalalamang nagkapalit pala kami ng letter. Pero mukhang nagtataka si Clair sa blangko kong reaksiyon kaya't kailangan kong umarte na wala akong alam para hindi siya magsuspetsa.
"Anong letter?" Pagtatanong ko kahit pa alam ko na kung ano yung tinutukoy niya.
"Yung letter mo yata yung nabigay ko kay Karl... nandito pa kasi yung letter na ginawa ko e" She pressed her lips into a thin line, hiyang hiya sa kanyang nagawa. Ang hindi niya alam ay kahapon ko pa naisip kung paano lulusutan ito.
"Huh?" Bahagya akong tumawa bago tumuloy. "Nabigay ko yung ginawa kong letter say-"
Muntik na akong madulas doon ha!
Kinuha ko ang papel na hawak ni Clair saka muling nagsalita. "Baka naman mga naunang gawa mo lang 'to"
"Hindi, sure ako 'yan yung gaw-"
"Hindi. Gumawa ka ulit ng bagong letter kahapon 'di ba? 'Yun yung binigay mo. Kaya siguro nasa bag mo 'to" Kapansin-pansin ang malalim niyang pag-iisip. Pinipilit na alalahanin kung gumawa nga ba talaga siya ng bago.
"Gumawa ba ako ulit?" Rinig kong bulong niya sa kanyang sarili.
Nasa hallway kami ngayon, sa labas mismo ng classroom namin. Wala pa naman kasing teacher at mas maganda ang simoy ng hangin dito sa labas dahil katabi mismo nito ang mga puno sa garden na katabi ng building namin.
"So!" Ikinagulat ko ang muling pagbalik ng energy ni Clair. Mukhang kumbinsido na nga siya na hindi maling letter ang nabigay niya kay Karl.
Parang kanina lang ay parang absent siya dahil halos wala siyang kinakausap, ngayon mukha na siyang agilang nakatakas sa hawla.
"Kanino mo binigay yung letter mo?" Nakangiti niyang tanong. Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin at pwede na kaming maghalikan kaya't pilit kong pinipigilan ang paglabas ng mga ngiti ko dahil sa kilig.
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanyang mukha. Bakit ba ang cute niya? Para siyang tutang Pomeranian e.
"Secre-"
Hindi ko pa man din natatapos ang sasabihin ko ay may isang boses ang pumigil sa akin na ituloy pa ito.
"Hey"
----------
KARL
Umiling-iling si Gab, hindi makapaniwala sa kuwento ko.
"Sinabi mo talaga 'yon, huh?" He uttered a sound expressing his mild disappointment. "You really assumed that some guy is gay at may gusto pa talaga sa'yo? Ang pogi mo naman, ya!" He clapped mockingly dripping with sarcasm.

BINABASA MO ANG
Bound To Fall Inlove
Teen FictionAs graduation nears, Kairon plans to confess his love to her friend, Clair, only to get caught in a mix-up involving Clair's crush, Karl. ----- TRIGGER WARNING: Some scenes may have homophomic remarks. Reader discretion is advised. ----- "Karl. My n...