Chapter 1: First day of highschool

12 3 0
                                    


Naglalakad lang ako sa hallway nun. Tingin tingin sa mga classroom, mga teacher, at mga kaklase ko. Ay, nga pala mga kaklase ko, Saaming magtrotropa ako ang pinakabata. Ako man ang pinakabata pero hindi ako ang pinaka maliit.

Sina Robert, Miko, At Franz ang mga kaibigan ko simula nung mag highschool nako. Mababait silang mga kaibigan, hindi naman sobrang matalino pero pwede na, madaling kausap, at syempre masaya kasama.

Nakita ko na papunta na ang mga babae saamin kaya sinabi ko sa mga kaibigan ko "Uy pre may mga chix!" Sagot naman ni Robert "Yan? chix? lol baka Gorilla" Nagsitawanan kami dahil sa sinabi ni Robert. Dahil din doon napansin kami ng mga babae tinanong nila "Anong nakakatawa?" Tumahimik bigla kaming magkakaibigan dahil sa kaba. Sinabi ko nalang na may sinabing biro si Franz, At ayun umalis nalang sila.

Makalipas ang ilang minuto dumating na ang advisor namin na si Mr. Villanueva, Mga nasa mid to late twenties na, Matangkad, Medyo maputi, Hindi masyadong strikto, At mabait. Paborito nga naming teacher si Mr. Villanueva eh dahil nga mabait sya at hindi masyadong strikto.

Nung nagsimula ng magpakilala ang mga kaklase ko, sa lahat ng nagpakilala. isa lang ang nakakuha ng attention ko, Si Ayanna.

Ang masasabi ko kay Ayanna is Mabait, Matalino, Maganda, Masipag mag aral, At disiplinado. Ang ganda kasi ng buhok nya at ng boses.
Si Ayanna rin pala ang nakatabi ko kaya tuwang tuwa talaga ako sa seating arrangement namin.

Pinalabas na kami ni Sir Villanueva matapos ang ilang minuto, Dahil nga First week palang at wala pang masyadong madami na gagawin. Binigyan nya nga lang kami ng isang Gawain, "Gumawa kayo ng bagong kaibigan at ipakilala nyo ang isat isa, kung paano kayo naging magkaibigan, bakit sa lahat ng pwede kayo ang naging magkaibigan, At Bakit Gusto nyo maging kaibigan ang isat isa." Napaisip ako nun kung sino ang pipiliin ko, Pero ang pumapasok lang talaga sa utak ko ay si.. Ayanna..

Kaya nung nag lunch break na pumunta kaagad ako kay Ayanna, At sinabing "Ayanna..pwede bang ikaw ang maging partner ko sa pinapagawa ni sir?" Kinakabahan ako habang naghihintay sa sagot niya, Pero tuwang tuwa ako nung sinagot niya na "Sige pero bago kita maging ka partner kilalanin muna natin ang isat isa habang nag la lunch." sagot ko naman sa sinabi niya ay "Sige sige hihintayin nalang kita sa may Gym."

At pagkatapos non hinintay ko Siya sa Gym. 30 minutes kase Lunch break namin noon kaya medyo okay pa Ang time para makipagusap. Makalipas Ang ilang minuto nakita ko si Ayanna na papunta sakin. Bigla ko nalang sinabi na "Oh andiyan kana pala, Dito ka." (habang sinesenyas ko na tumabi Siya sakin)

Nagusap kami ng mga ilang minuto pero Hindi rin nag tagal. Nagpapasalamat nga Ako Kay sir kase dahil sa pinagawa niya eh nabigyan sko ng chance na makipagusap Kay Ayanna.

Habang naguusap kami ni Ayanna kwinento nya sakin ang buhay nya about sa family nya how they make money, ilan Kapatid niya, Strikto ba magulang niya, Etc.

Kami na Ang susunod na pupunta sa harapan. Kinakabahan Ako pero biglang hinawakan ni Ayanna Ang kamay ko, napansin agad ito ng mga kaklase namin kaya nag si ingay sila ng "Ayieee!!" Pinatahimik ni Sir Ang klase at tinuloy na namin Ang pinapagawa ni Sir. At pagkatapos biglang nadulas si Ayanna, agad-agad ko itong napansin at siyempre sinalo ko siya. Kaya nag ingay nanaman Ang mga kaklase ko.

Uwian na pero hindi parin Ako iniiwan ni Ayanna. Sabi niya sabay nadaw kami umuwi. Kaya nagsakay na kami ng jeep, napagkamalan pang magkasintahan. Tinawanan nalang namin Ang mga nangyare kaya goods lang. Nang makauwi na si Ayanna eh siyempre umuwi narin Ako. Nalaman ko na malapit lang pala bahay nya saamin kaya sayang saya nanaman Ako.

Bago umuwi hiningi ko Ang phone number niya. Umuwi Nako sa bahay at Kumain ng gabihan eh agad-agad ko ng binuksan Ang phone ko. Nakita ko na may message pala si Ayanna saakin...

Unpredicted love - A Highschool LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon