Chapter 3: Unexpected guests

9 2 0
                                    

May bago pala kaming kaklase, Si Nathan. He's the type of guy na masasabi mo talagang babaero. Maraming kaibigang babae, mahilig sa babae, at wala ng ibang ginawa kundi sumama sa babae.

Nga pala, pogi rin siya at madiskarte, kaya halos lahat ng gusto niya nakukuha niya. Siya rin pala ang pang apat sa ranking namen ng top 10
Kaya wala akong laban doon. Top 8 lang ako eh..

Naging close si Ayanna at Nathan, Kaya alam mona medyo nagselos din ako. Pero sinubukan ko talagang pigilan ang sarili ko na mag isip ng mga masasamang bagay na pwedeng mangyari. kaso wala eh nanalo ang pag ooverthink ko, kaya habang nag la lunch kami ni Ayanna tinanong ko nalang bigla sakanya "Ayanna iiwan mo rin ba ako someday?" Sumagot siya "Malamang hindi, bakit ka naman napatanong ng ganiyan?" "Naging close kasi kayo ni Nathan, Like super close. baka kasi ipagpalit mo ako HAHA" sagot ko. Then a couple of days later nakita ko na niyayakap ni Ayanna si Nathan...

Masakit sa pakiramdam ang makita mong may kayakap na iba ang partner mo tapos lalaki pa ang kayakap. Tumatawa pa sila, Tuwang tuwa. Kaya nanahimik nalang ako at tumago sa may bandang lamesa. Pinanood ko nalang sila, Nakita ko na masaya si Ayanna kay Nathan. Nag enjoy Siya eh kaya Hindi ko na sila inisturbo.

Makalipas ang ilang araw, Wala naman masyadong nangyayari kaya naglakad lakad nalang ako sa school. umabot nako sa classroom namin, Nakita ko na may tao kaya sumilip ako agad-agad. Nagulat ako dahil si Nathan at Ayanna lang ang nasa room. pinakinggan ko ang sinabi ni Nathan.. "Ayanna pwede ba akong manligaw?" Nang marinig ko ito tumakbo nalang ako kaagad palayo sa classroom...umiiyak, nasasaktan, nalukungkot. Masama Ang pakiramdam ko matapos kong marinig ang sinabi niya...

May bago pala kami ulit na kaklase, Si Kath. Sabi ni Sir Villanueva I tour ko raw si Kath para Hindi Siya maligaw sa school. Hindi Naman Ako pwedeng tumanggi kaya sumunod nalang Ako.

Makulit si Kath, masungit, Maliit, Maganda rin. Mas Bata Siya sakin kaya medyo weird kase Ako Ang pinakabata sa klase bago Siya dumating. But that didn't stop me from being friends with her. Hindi Naman sobrang close pero Yung close na yun, chill lang ganon.

Magaling mag drawing si Kath kaya sa tuwing may pinapagawang art project si sir, binabayaran ko nalang si Kath. Pero hindi niya tinatanggap Ang bayad ko, sabi niya gusto niya akong tulungan kaya Hindi ko na raw Siya kailangang bayaran. Kaya tumaas Bigla Ang grades ko sa arts dahil sakanya.

Nakita ko si Ayanna at Nathan magkahawak ng kamay sa hallway, kaya cinonfront ko Silang dalawa. "Ano ba meron?" "Wala magkaibigan lang kami" Sagot ni Ayanna.

At that point alam Kong unti unti na syang nawawala saakin. Kaya bago pa matuluyan tinapos ko na agad Ang relasyon namin. Nabalitaan ito ni Kath kaya kinausap nya Ako tungkol sa nangyare. Kwinento ko sakanya Ang lahat, pinaliwanag ko na Hindi ko na talaga kinakaya ang sitwasyon ko noon.

Bigla nalang nag drawing si Kath ng Puno, sabi niya basahin ko Ang nasa likod pag dating ng 3rd quarter. Kaya ginawa ko nalang munang display sa kwarto ko habang 2nd quarter pa.

Dumating na Ang 3rd quarter kaya agad agad ko ng kinuha Ang drawing ni Kath.
May letter pala sa likod Ang drawing niya...

Unpredicted love - A Highschool LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon