Chineck ko ang phone ko kung may nag message at meron nga nakita ko ang number ni Ayanna. Excited talaga ako dahil nakakuha ako ng message, Kay Ayanna pa! Kaya chineck kona ang message nya saakin.
|Yimiko nag enjoy ako today :) Thank you dahil ako ang pinili mo at naging magkaibigan tayo, sana bukas may plano ka ulit at kung meron let me know. Thank you ulit.
Ang saya ko talaga non, sobra sobra.
Kaya nakatulog ako ng nakangiti.
Habang natutulog may napaginipan ako. Na magkasama kami ni Ayanna sa Library nagbabasa. Pero may biglang nangyare, May nahulog na bookshelf kay Ayanna kaya nag alala talaga ako. Pagkatapos non nagising nako. Masama ang pakiramdam at nagiisip kung ano ang gagawin for the day.Habang naglalakad papuntang school nakita ko si Ayanna, Agad agad ko siyang binati "Goodmorning!" Sumagot siya "Goodmorning din!" Pero habang naglalakad napansin ko na iba ang tingin niya sakin.. parang nahihiya ba? hindi ko alam.
Pumasok kami ng room na magkasama kaya inasar ako kaagad ng mga tropa ko na "uy, binata na pala ang totoy natin e HAHAHA" "Oonga baka mamaya mas marami pa babae niyan kaysa saatin HAHAHA" Hindi ako nagpa apekto sa sinabi nila. At tinignan ko si Ayanna sa mata at sinabing "Ang ganda mo" Napansin ko na parang ngumiti siya. medyo namumula ang mukha, Tinanong ko kung okay lang ba siya pero bigla nya nalang ako hinampas at tumawa.
Pagkatapos ng klase sinabi ko nalang muna kay Ayanna na subukan niya makipagkaibigan sa ibang mga babae. Pumayag naman siya sa sinabi ko kaya nung nag lunch break na eh sumama nako kina Franz.
Habang kumakain naguusap kami at biglang sinabi ni Franz "Oh miko bakit hindi mo kasama yung girlfriend mo? HAHAHA" Sumagot ako "Huh? girlfriend? sus magkaibigan lang kami non" Tinignan ako nila Robert at Miko. Naalala ko na hindi pala miko ang tawag sakin ng mga kaibigan ko at biglang natahimik nalang. sinabi nalang ni Franz na "Wala talaga may tinatago tong totoy natin." Sabi pa sakin ni Robert na iba raw ang tingin sakin ni Ayanna habang nagklaklase.
Tinignan ko nalang si Ayanna sa kabilang lamesa, nagulat ako dahil nakatingin din pala siya saakin. Bigla nalang akong kinilig at hindi ko na napigilan ang sarili ko na umalis sa hiya. Bumalik na kami sa classroom at nagkwento si Ayanna saakin tungkol sa nangyare.
Umamin si Ayanna saakin na may nararamdaman siya para saakin. Kaso ako naman tong walang hiya, Hindi ko sineryoso ang sinabi niya. nung uwian na hindi nya ako pinansin.
A few weeks later
Pangatlong week na at hindi niya parin ako pinapansin. Napaisip nalang ako na (Seryoso ba siya sa sinabi niya?) Agad-agad akong pumunta sakanya nung Lunch break.
"Ayanna!" Matapos ko siyang tawagin hinila ko ang kamay niya "Ayanna I'm sorry." Sumagot siya "Yimiko.." Sinabi ko nalang ang lahat sakanya. "Ayanna totoo ba talagang may nararamdaman ka para saakin? sorry kung hindi ko sineryoso ang sinabi mo." "Hindi ko kasi alam na totoo palang may nararamdaman ka talaga para saakin." Sumagot siya "Yimiko I do love you.." Narinig ng mga tropa ko.
Sumigaw ni Franz "Uy! Si totoy dumadamoves nanaman." Kaya bigla nalang kami tumawa ni Ayanna. After Lunch pinapansin niya na ulit ako. Then nag uwian na, siyempre sabay kaming umuwi.Nang makauwi nako nakakuha ako ng message galing kay Ayanna. Agad-agad ko itong tinignan,
|Yimiko gusto morin ba ako?
Mind blown.
Pagkatapos kong makita ang tanong nayun. wala na, sumabog na talaga ang utak ko. Sumama ang pakiramdam ko na kaba,kilig, at saya.
Ang sinagot ko nalang sakanya
|Bukas ko sasagutin ang tanong mo.The next day hinintay ko siya sa classroom. At doon kona inamin sakanya ang nararamdaman ko para sakanya. Pagkatapos non sobrang saya ko nanaman kase...
Pumunta ako sa mga tropa ko nung lunch break "Uy, si totoy may girlfriend na talaga" sabi ni Miko.
Inasar asar lang nila ako buong lunch break, kaya nung uwian na sumama nalang ako ulit kay Ayanna.Habang nakasakay sa jeep, napansin ko na sinusubukan niyang hawakan ang kamay ko. kaya hinawakan ko nalang kamay niya pauwi.
May message nanaman siya saakin pagkauwi ko, Kaya binuksan ko agad ang phone ko. We just had a normal conversation since wala narin kaming ibang topic.
Kaya ayun the next day was just like any other day, Doing school activities, nakikipagbardagulan sa tropa, naghaharutan, At siyempre Lunch with Ayanna.
Skip na natin ang mga filler na parts, 2nd quarter na at okay parin naman kami ni Ayanna. Pero may isang tao dumating sa buhay ko na hinding hindi ko ginusto...
BINABASA MO ANG
Unpredicted love - A Highschool Lovestory
RomansaThe story is about a 19 yr old boy who tells his experience during highschool.