Warning: This story contains mature and adult themes. Unauthorized sharing or copying without the author's permission is prohibited.
********************
Ang kwentong ibabahagi ko sa inyo ay base sa totoong nangyari. Binago ko lang ang mga pangalan, lugar, at ilang piling mga eksena para maitago ko at maprotektahan ang mga taong sangkot.
Ako si Eddie. 33 years old at isang delivery truck driver. Apat na taon na ako sa trabaho ko at ang masasabi ko lang ay kahit nakakapagod at delikado, kontento naman na ako dito. Tubo akong probinsya at sanay na sa hirap ng buhay. Dati akong jeepney driver sa amin pero nung masira ang minamaneho ko, naghanap na ako kaagad ng ibang mapagkakakitaan para na rin sa pamilya ko.
Ang kwentong ito ay hinde tungkol sa akin. Tungkol ito sa misis ko.
Ang pangalan ni misis ay si Laura. 28 years old na sya at may anak na kami, isang babaeng tatlong taon gulang na. Si Laura ang nag aalaga ng anak namin pero kumikita din sya sa online selling.
Simple lang si misis. Hinde ganun kaputi pero masasabi kong maganda ang katawan nya. Simple lang din sya manamit at yung tipong di mo aakalaing may itinatago syang kulo.
5 years na kaming magkasama ni Laura. At sa limang taong iyon ay mas nakilala ko pa sya. Si Laura ay may pagka bisexual. Nalaman ko ito noong magkasintahan pa lamang kami.
Naalala ko noong mag iisang taon palang kaming mag-on, nag aaral pa sya noon ng business ad, nag message sya sa akin, sabi nya aattend daw sya sa isang birthday party ng kaklase nya. Kaya that time, hinde ko na sya sinundo sa gate ng school.
Habang nasa bahay ako, nakikipag text message lang ako sa kanya. Kampante naman ako na makipag party si Laura kasi daw mostly mga babae lang yung imbitado. Bandang 8pm nang nahinto ang messages nya. Baka na busy na sa party kaya hinayaan ko na.
Nanuod nalang ako ng tv that time. Naalala ko medyo may pagkasexy ang tema ng soap opera sa tv. Tungkol sa mga kabit kabit. May sex scenes pa kaya medyo naka ramdam ako ng libog. Pero syempre ignore lang kasi kasama ko sa salas sina inay pati ang tita ko.
11 pm na nang ma check ko ang cellphone ko. Wala paring text si Laura. Tinext ko na sya bago ako pumasok sa kwarto ko. Maliit lang yun kwarto ko at double deck ito kasi nasa itaas dati yung kuya ko pero nang mag asawa na ay iniwan na sa akin kaya solo ko na ang kwarto. Sa baba lang ako nakahiga kasi nasisilawan ako ng ilaw.
Dumapa ako sa mainipis na kutson at nag abang ng reply mula kay Laura. Nag fb nalang muna ako at nakita kong online sya sa messenger kaya dun ko din sya minessage. Nag seen sya at nagreply sakin.
"Babe ang tagal mo naman mag reply? Anong ginagawa mo ngayon at nasan ka?" Halatang iritado ako sa mensahe ko.
"Andito na sa bahay babe. Sorry ha, nasa byahe kasi ako kanina. Hinatid ako ng mga kaibigan ko." Sabi naman nya. Napalagay naman ako at nasa bahay na pala sya.
Nagkwentuhan kami at tinanong ko sya ano ang mga nangyari sa birthday party. Okay naman daw at masaya. Inuman at videoke daw mostly ang ginawa nila. Pero naglaro din daw sila ng truth and consequences. Isa sa mga paboritong laro sa mga party at inuman lalo kung babae at lalake ang naglalaro.
Napa isip ako, ano naman ang nangyari sa laro nina Laura? May ilang ideas na kumiliti sa isipan ko. What if may mga lalake doon na medyo bastusin ang balak?
Sabi nya mostly daw truth ang challenge. Dun daw nagsilabasan ang mga sekreto nila. Isa dun ang pag amin ng kaibigan ni misis na si Allie.
Si Allie ay 3 years mas matanda kay misis. Ilang beses ko na itong na meet. Maganda si Allie at maputi. Medyo chubby ang build ng katawan at malaki ang dibdib. Mahilig din itong manamit ng mga sexy na kasuotan. At sexually active daw ito, sabi ni Laura noon. Akala mo nagpapalit lang ng damit kung magpalit ito ng jowa.
BINABASA MO ANG
Late-Night Fantasies
Short StoryA collection of sizzling short stories about love, desires, and carnal fantasies. Warning: This book contains very mature and adult themes. Unauthorized sharing or copying without the author's permission is prohibited.