Friday Night Out Part 1

2.3K 3 0
                                    

Warning: This story contains mature and adult themes. Unauthorized sharing or copying without the author's permission is prohibited.

********************

"Naku jusko naman! Ano bang nangyayari sa mga kabataan ngayon?" Napapakamot ng ulo si Mam Mila, ang isa sa senior disciplinary officer sa senior high na pinagtatrabahuan ko. Isa nanamang estudyante ang nasangkot sa gulo at rambulan.

Kakapasok ko palang sa office of the Dean at may pinasa akong mga papeles, nakita ko sa salamin ang tatlong binatang naka upo at kausap si Marissa ang isa sa mga discipline junior officers.

Ako si Larry, 27 years old at bagong guro sa senior high dito sa probinsya namin. Mag iisang taon palang ako dito. Naka assign ako sa pinaka malaking senior highschool sa buong probinsya. Kaya maraming estudyante at marami din ang mga sira ulong kabataan. Lalong lalo na dito sa paaralang pinagtatrabahuan ko.

Maya-maya nalang ay may pinapatawag sa Dean dahil sa kung ano anong kalokohan o reklamo. Sa kabataan, uso ang bullying, gangs at ang mapasali sa masasamang elemento sa labas.

Kita ko sa mukha ni Mam Mila ang stress. Mid 50s na sya pero ang itsura nya talo pang nakipag gyera sa mindanao. Tumaba na lang sya at panay reklamo halos araw araw. Hinde ko ma imagine na tatagal ako sa estado nila. Kahit pa mahirap ang pagtuturo ko, mukhang mas mahirap ang e handle ang mga di magagandang ihemplo na mga estudyante.

"Mam kalma lang. Umagang umaga may guhit na ang nuo nyo." Biro ko.

"Naku Larry, kung ako sayo, mag isip-isip kanang mag hanap ng ibang school. Wag dito iho. Talo pa ang bilibid sa dami ng gagong kabataan. Ewan ko ba. Simula nung na uso ang cellphone at internet, mas dumami ang mga barumbado at di seryoso sa pag aaral." Litanya ni Mam Mila.

"Actually po may plano ako mag abroad hehe."

"Ayan. Mas mabuti yan iho. Naku! Ako na nagsasabi sayo ha. Wag mo sayangin ang panahon mo dito. Kumuha kalang dito ng experience tapos layas na. Wag kang tumagal dito. Mapapanis ka lang. Yan, nakita mo ang tatlong gagong yan?" Sabay turo sa tatlong estudyante na kausap ni Marissa.

"Sigurado ako paglabas nyan dito, parang wala lang sa kanila. Uulit at uulit ng kalokohan ang mga yan. Imagine, tumanda na ang mga yan. Hinde pa uso ang senior high nang nandito sila. Binago na ang curriculum at lahat lahat, nandito parin. My God!"

"Haha, baka naman po kailangan lang nila ng positive motivation."

"Motivation!? Anong motivation ang ibibigay mo sa mga yan? Bigyan mo ng shabu, sigurado di tatagal ng limang minuto sa kanila yan." Napapa-iling nalang si Mam Mila.

Tinignan ko ang kabataan sa salamin na bintana. Kinakausap sila ni Melissa pero makikita mong para silang walang pake at nakatitig lang sa kanya.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ang mga estudyante. Nilapitan ko naman si Melissa.

"Ano na? Mukhang na ubos ang energy mo sa kanila ah."

"Well ganun talaga Larry. Kamusta? Wala ka bang class ngayon?"

"Mamaya pang 2 pm."

Si Melissa ay isa sa friends ko. Pero ang totoo, sya ang ultimate crush ko. Maganda si Melissa, makinis ang balat at sexy pero conservative manamit. Matagal ko na syang gustong ligawan kaso natotorpe lang talaga ako.

NGSB ako o no girlfriend since birth. Kaya nahihiya talaga ako manligaw lalo na sa crush ko. Ewan ko ba. Bakit kasi ang mga type ko yun tipong mahirap ligawan. Or na iintimidate lang talaga ako.

35 na si Melissa at hiwalay sa asawa nyang dating seaman. May isa syang anak at nasa elementary na. Hinde rin lingid sa akin na marami ding nanliligaw sa kanya. Kaya mas lalo akong nahihirapan.

Late-Night FantasiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon