CHAPTER I - When in North America

4 0 0
                                    

A few months after the events of the prequel. Nakalaan naman ang storya na ito sa isang matalik na kaibigan nila Carmie, Jush, at Shirly, na si Hartzon. Siya ay may mabuting puso, pangarap sa buhay, at isang considerate na tao. Ngunit lahat ng ito ay magbabago.

Sa isang magandang at unang araw niya sa Canada, gumising si Hartzon para mag-almusal. Kumuha siya ng kape at tinapay para kumain. Pagtapos niya, tinignan ni Hartzon ang kanyang telepono upang i-check kung nag-reply na ba si Emil. Ngunit, wala siyang natanggap na reply mula kay Emil. Dahil sa crush ni Hartzon si Emil, sinubukan niyang bisitahin ang social media ni Emil - kaso, wala siyang nakitang bago sa mga accounts ni Emil dahil ang pinaka latest na petsa ng huling post ni Emil ay nung 2024 pa. Nagtaka si Hartzon na baka in-unfollow siya ni Emil at kaya naman tinignan niya ang following list ni Emil. Sa pagkaka-kita niya, naka-follow pa din siya at nagtaka na baka hindi siya kasama sa close friends ni Emil.Hindi na nag-overthink si Hartzon kaya naman pinag-patuloy niya ang araw niya sa Canada.

Matapos kumain ng almusal, naligo at nagbihis si Hartzon upang simulan ang unang araw niya ng trabaho. Bago siya makapunta sa Canada, nag-apply siya ng trabaho sa Pilipinas at dun siya natanggap pagkatapos ng ilang araw. At dun na siya pumunta sa airport kung saan niya nakasalamuha sina Carmie, Jush, at Shirly.

Pagdating niya sa opisina, binati siya ng mga co-workers niya at binati din niya sila.

"Good Morning Mr. Hartzon!", bati ng isa niyang co-worker.

"Good Morning to you, too", bati ni Hartzon pabalik.

Pumunta na si Hartzon sa kaniyang private and enclosed office dahil siya ay isang officer sa research and deveopment department sa kaniyang pinagtatrabahuan. Matapos, nagsimula na siya magtrabaho.

Habang nagta-trabaho, naisipan niyang tawagan si Emil, dahil gusto niya sa bibig niya mismo umamin kay Emil para sa nararamdaman niya, ngunit walang rumesponde sa tawag niya. Paulit-ulit na minemessage ni Hartzon si Emil, kaya naman tadtad ng messages ang inbox ni Emil ngunit hindi makikita ito ni Emil dahil wala na siya. Naisipan niya na tawagan si Jush since kahapon lang sila nagkita sa airport. Sinagot naman ni Jush at nag-usap sila.

"Uyy, pare! Nakakasalamuha niyo pa ba si Emil?", tanong ni Hartzon.

"Uyy pre! Ummm...hindi eh, pero kasi--", sagot ni Jush ngunit siya ay biglang na-cut off ni Hartzon".

"Ay ganon ba, medyo may sasabihin kasi ako kay Emil and chineck ko mga posts niya, nung 2024 pa huling post niya, parang in the last 5 years di ko na siya nakita ever since nung graduation natin. Diba hindi din siya naka-attend noon?", sabi ni Hartzon.

"Oo pre, kaso nga lang-", bigla nanaman na-cut off si Jush.

"Babe! Emile umiiyak, patahanin mo muna at magluluto ako", sabi ni Shirly.

"Ay kasama niyo si Emil?", tanong ni Hartzon.

"Ah hindi, anak namin ni Shirly yun, pinangalanan namin Emile with an "e" sa dulo", sagot ni Jush.

"Ah OK, akala ko naman si Emil, sige pare naabala ko pa kayo", sabi ni Hartzon.

"Sige walang problema pre", sabi naman ni Jush.

Pagkatapos, nagbabaan na sila ng telepono. Sasabihin na sana ni Jush na wala na si Emil ngunit sa mga nangyayari, hindi niya masabi and it stil remains kay Hartzon na buhay si Emil at hindi siya nirereplyan nito.

Pagkatapos ni Hartzon magtrabaho, umuwi na siya at minessage ulit si Emil hoping na makaka-kuha siya ng reply. Magdamag siyang naghintay sa reply ni Emil ngunit mula hapon hanggang gabi ay wala pa din responde si Emil sa mga tadtad na messages ni Hartzon. Tinawagan na din ni Hartzon si Emil sa mga social media at walang sumasagot. Nag-alala si Hartzon na baka hindi siya pinapansin ni Emil o naka do not disturb mode lang si Emil. Pero pagkatapos ng lahat ng iyon, nanatiling optimistic si Hartzon na makakakuha pa siya ng response kay Emil.

The Intrapersonal Aspect of His LifeWhere stories live. Discover now