CHAPTER V - The Mind Sees What it Wants

1 0 0
                                    

Kinabukasan at papunta na sa trabaho si Hartzon. Habang nagbibihis, tinanong ni Emil kung ano oras siya babalik. Sabi naman ni Hartzon na hapon siya makakabalik at gabi sila pupunta sa bar para makipag-meet kina Carmie, Alaynah, at Angelo.

"Emil, habang wala ako, sumama ka muna kela Carmie. Malapit lang naman sila dito sa hotel, just a few blocks lang", sabi ni Hartzon.

"OK, send mo sakin location nila", sagot ni Emil.

"Sige, sasabihan ko si Angelo. Di ko pa kasi alam kung saan sila nakatira. Pero ang sabi lang sa akin ni Angelo na few blocks lang sila from the hotel", sabi ni Hartzon.

"Kinakabahan ako, Hart. I feel like they'd mistreat me. Katulad ng sinasabi mo sakin na patay na ako? Hindi naman totoo yun", sabi ni Emil.

"Baka patay na patay ka sakin...HAHAHAHAHA", sagot ni Hartzon.

"Hartzon! Ano ka ba. Alam ba nila Carmie na may gusto ka sa akin?", tanong ni Emil.

"Hindi, pero sasabihin ko sa kanila na nililigawan na kita", sagot ni Hartzon.

"I just feel like na maninibago sila sa akin and so do I sa kanila", sabi ni Emil.

"Ano ka ba Emil, mga dati natin silang kaklase at kaibigan. Wala ka dapat ikatakot at ika-kaba", tugon ni Hartzon.

"O siya, una na ako sa trabaho, as soon na isend sa akin ni Angelo ang location ng bahay nila, send ko sa'yo para pumunta ka sa kanila. Para di ka nag-iisa dito", sabi ni Hartzon.

"Don't worry, kahit sa Canada, mag-isa naman talaga ako, I can manage", sagot ni Emil.

Pagkatapos non ay pumunta na sa trabaho si Hartzon. Minessage ni Hartzon si Angelo para kunin ang address niya upang makapunta si Emil sa kanila habang nagta-trabaho si Hartzon. Nag-reply ni Angelo at finorward ni Hartzon kay Emil ang address.

"Minessage ako ni Hart, sabi niya bigay ko daw address ko para i-forward niya kay Emil, para daw makapunta si Emil dito habang nagta-trabaho siya", sabi ni Angelo kela Carmie at Alaynah.

"Edi isend mo address. Para si Emil na mismo ang pumunta sa atin", sabi ni Alaynah.

"Oo nga, and besides...if hindi man si Emil yun at nagpapanggap lang, pwede natin siya bardagulan dahil nandito tayo at yung pamilya mo", sagot ni Carmie.

"Kanina ko pa sinend kay Hartzon, for sure na-forward na niya kay Emil ang address", sabi ni Angelo.

"Then all we have to do is wait for Emil to show up sa doorstep mo", tugon ni Alaynah.

Mga ilang oras na nakalipas at wala pa ring bumubungad na Emil sa bahay nina Angelo. Kinausap ni Angelo si Hartzon na mag-message siya kung papunta na si Emil para sila'y makahanda na. Nag-message back si Hartzon na icha-chat niya daw si Emil para pumunta na diyan. In-update ni Hartzon si Angelo na minessage na niya si Emil at hintayin daw diyan. Mga ilang oras na nakalipas at wala pa rin bungad si Emil sa bahay nila. Kaya napag-isipan nila Angelo, Carmie, at Alaynah na wag na pumunta si Emil sa bahay nila sapagkat magkikita-kita din naman sila mamaya sa may bar sa hotel nila.

Pagka-uwi ni Hartzon ng hapon sa hotel, kinausap niya si Emil tungkol sa di niya pag-punta sa bahay nila Angelo.

"Hindi ka pumunta sa bahay nila Angelo?", tanong ni Hartzon.

"I just feel like hindi ako ready na makita sila", sagot ni Emil.

"Well, magkikita-kita naman tayo mamaya sa bar dito sa hotel, nagplano na tayo diba na mag-reunion tayo. Short lang and konting saya lang naman", sabi ni Hartzon.

The Intrapersonal Aspect of His LifeWhere stories live. Discover now