CHAPTER II - Mind, Body, Soul

2 0 0
                                    

Nagising si Hartzon ng sobrang late sa trabaho niya at nagmadaling pumasok sa opisina. Naligo sya at nagbihis at daliang umalis na, hindi na siya nag-almusal. Pagdating niya sa opisina, nakita siya ng boss niya at kinausap siya.

"Mr. Hartzon, this is your first ever tardiness, what happened?", tanong ng boss niya.

"I am deeply sorry, I was so exhausted and I overslept without realizing, I forgot to set my alarm and I was just not so myself yesterday", sagot ni Hartzon.

"OK fine, but since this is your first time, I will give you a chance", sabi naman ng boss ni Hartzon.

"Of course", tugon ni Hartzon.

Pupunta na dapat sa private office si Hartzon kaso pinigilan muna siya ng boss niya para sabihin na may special work siya.

"Oh wait, Mr. Hartzon", sabi ng boss niya.

"What is it?", sagot ni Hartzon.

"We will be launching a new branch in America, and I want you to go with the team there so you can teach the other staffs on how to procure, produce, and manufacture the products we need", sabi ng boss niya.

"America? where in America", tanong ni Hartzon.

"Oh, in New York, you will be assisted by the other teams so you don't need to worry. And besides, you will be there for at least a week so better pack enough stuffs", sagot ng boss niya.

"And you will be accommodated by a hotel we already booked, your journey starts tomorrow, so please, don't be late again", dagdag ng boss niya.

"Of course, I will", sabi ni Hartzon.

Pumunta na nga sa private office si Hartzon at masaya na hindi siya masyadong pinagalitan dahil sa pagka-late niya. Natuwa pa din siya dahil meron siyang assignment sa New York. Habang nagta-trabaho, naisip pa din ni Hartzon ang sinabi ni Jush. Naisip ni Hartzon na pumunta sa mga social media accounts nila Carmie, Shirly, at Jush, para malaman kung totoo ba ang sinasabi nila na patay na si Emil. Pagkatapos, walang nahanap si Hartzon na nagpapatunay na patay na si Emil, kaya naman hinayaan nalang ni Hartzon ito.

Pagsapit ng hapon, lunch break na ni Hartzon at naisip niyang bumili sa labas, kaya naman lumabas siya at pumunta sa isang restaurant. Sobrang daming tao doon sa restaurant, sobrang ingay din at ang daming ganap ang nangyayari. Siksikan ang mga tao roon kaya naman biglang nadapa si Hartzon at nasaktan sa tuhod. Sinusubukan ni Hartzon na tumayo ngunit bigla siyang tinulungan ng isang tao. At sa di kapani-paniwala, nakita niya si Emil na ang tumutulong sa kanya.

Nagulat si Hartzon kaya naman bigla siyang tumayo at kinausap si Emil.

"Emil?! Ikaw ba yan? Sabi nila Jush patay ka na?", tanong ni Hartzon.

"Oo, ako 'to, in the flesh", sagot ni Emil.

"G*go ikaw nga! Sabi nila Jush patay ka na daw. Sabi ko na nga ba nagbibiro lang sila", sabi ni Hartzon.

"Bakit naman ako mamamatay? May sakit ba ako? And besides mga loko-loko lang sila, wag mo silang paniwalaan", sagot ni Emil.

"Teka, bakit ka nandito? Akala ko kasama mo sila Jush sa Amerika?", tanong ni Hartzon.

"Hindi ah, humiwalay ako sa kanila", sagot ni Emil.

"Teka, teka, naguguluhan ako, totoo ba 'tong nakikita ko?", nagtaka si Hartzon.

"Oo nga, I am real and alive", sagot ni Emil.

Nagkatuwaan ang dalawa at nag-order sa restaurant, habang hinihintay ang order nila, nagkamustahan sila at nagtanungan sa kung ano ganap sa kanila.

The Intrapersonal Aspect of His LifeWhere stories live. Discover now