Umalis na sina Carmie, Angelo, at Alaynah sa bar, nag-book sila ng Uber para puntahan ang kakilala ni Angelo na pwedeng tumingin ng formula sa gamot na mayroon si Hartzon. Pagkarating doon, agad nilang sinabihan ang kakilala ni Angelo. Laking gulat nila na nakita nila ang familiar na mukha na si Darell. Si Darell ay isa sa kaklase nila nung nag-aaral pa sila sa university.
"OMG? Darell? Ikaw pala yan! Hindi mo sinabi samin na si Darell pala ang kakilala mong magtitingin ng drug", sabi ni Alaynah.
"Ha? Hindi ko alam na si Darell pala yan, alam ko may kakilala ako pero di ko in-expect na kasama pala si Darell", sabi ni Angelo.
"Carmie? Angelo? Alaynah? Ano ginagawa niyo dito?", tanong ni Darell.
"Look, Darell, I would love to chat with you and all pero alam mo daw tumingin ng components ng isang drug?", tanong ni Carmie.
"Oo, pero nasa laboratory ang mga gamit ko", tugon ni Darell.
"Ano ba nangyayari?", tanong ni Darell.
"Look, we will explain all basta need namin malaman kung ano ang sangkap ng drug na 'to", sabi ni Carmie.
"OK fine, dadalhin ko 'to sa laboratory bukas para i-check", sabi ni Darell.
"Thank you so much Darell", nagpasalamat si Alaynah.
Pagkatapos non ay nag usap-usap sila tungkol sa kung ano ang ganap sa buhay nila ngayon.
"OMG Darell, nandito ka pala sa New York?", tanong ni Carmie.
"Oo, HAHAHAHA may group chat kami ng mga boys sa university...pero ngayon hindi na siya masyadong active dahil ayun nga, naghiwa-hiwalay na tayo ng landas, pero nabanggit ko sa kanila na sa New York ako tutuloy", sagot ni Darell.
"Kaya pala, bakit hindi mo sinabi samin, love?", tanong ni Carmie kay Angelo.
"Hindi ko na din maalala, kung naalala ko lang sana na-expect ko na nandito siya sa New York", sagot ni Angelo.
"Anyways, nandito rin pala kayo sa New York", sabi ni Darell.
"Oo, dito kasi nakatira family ni Angelo, and si Alaynah sa California pa siya nakatira, hinatid niya lang ako dito sa New York", sagot ni Carmie.
"Ang layo ng California", sabi ni Darell.
"Oo, pero may private jet naman ako, kaya mabilis lang kami nakapunta dito sa New York", tugon ni Alaynah.
"Parang halos lahat ata nandito sa America", sabi ni Darell.
"Well, sila Jush at Shirly nasa California din, sabay lang kami ng flight ni Hartzon, nakasabay namin siya eh", sabi ni Carmie.
"Ah oo nga, nai-kwento ni Hartzon samin na sa Canada siya pupunta kahit before pa", sabi ni Darell.
"Wait, nakaka-usap mo si Hartzon?", tanong ni Carmie.
"Hindi naman na. Bakit? May problema ba?", tanong ni Darell.
"Well that's the case, nandito din si Hartzon sa New York for a business trip and somehow parang nagda-drugs siya. We don't know kung ano ba talaga pero this is all we found sa hotel room niya", sagot ni Carmie.
Pinakita at inabot ni Carmie ang drug kay Darell.
"Anong klaseng drug 'to? Parang ngayon lang ako nakakita na kakaibang drug", sabi ni Darell.
YOU ARE READING
The Intrapersonal Aspect of His Life
Short StoryAfter the events of the prequel "The Interpersonal Aspect of My Life". Join Hartzon, a loving, good, and considerate friend of the main characters of the prequel, as he wanders Canada without knowing the passing of Emil.