Hi credits to my ate loreen who helped me figure out what's going to be the title of this story, loveyouu...
***=fastforward.
Im really sorry about the wrong use of punctuation marks, kaka start ko lang po huhu...
-author
.....
Crizianna's pov:
"Hoy avi, ano ba iniisip mo dyan? Lola mina ba?" sabi ni mia na konti nalang isigaw nya sa tenga ko yung sinasabi nya sa sobrang lakas ng boses nya.
Sya si mia best friend ko mula bata...
"Ahh oo eh, baka kasi hindi pa nakain yun anong oras na din kasi anong oras ba matatapos tong beauty pageant na to" saad ko.
Anong oras na kasi talaga mag 9 pm na kasi, sanay kasi si lola na sabay kami lagi nakain. Mula pag kabata ko sya nalang kas talaga yung nandyan para mag aruga sakin.
"Halika kana love, hatid na kita baka pagalitan din ako ni lola mina" sabi ni javon.
He's my boyfriend for 4 years. Simula nung 15 ako kala ko nga hindi kami tatagal kasi bata pa talaga kami nun at mga isip bata pa kami.
"Sige, hoi mia hindi ka ba sasabay?" tanong ko
"Hindi na una na kayo, sasabay na lang ako kay Charlotte" sabi nya
si Charlotte naman kaibigan din namin, pero ngayon ngayon lang. Bagong lipat kasi sya dito sa baryo. Sya yung sumali sa beauty pageant kaya ako nandito.
"Sige na, una na kami ha, mag iingat ka" sabi ko
Habang nag lalakad kami ni javon pauwi hindi ko maiwasang mag isip tungkol kay lola, nag aalala na talaga ako.
May nadaanan kaming bakeria pumili muna ako ng tinapay para mamaya pag nagutom din ako, gutumin pa naman ako lalo na sa hating gabi.
"Teka von, bibili lang ako tinapay" sabi ko
"Sige, wait nalang kita dito" sabi naman nya..
Pag tapos kong bumili, tumuloy na kami sa pag lalakad malayo layo rin kasi ang bahay namin sa plaza.
"Okay ka lang?" tanong ni von.
"Ah oo, inaalala ko lang kasi talaga si lola, baka ano na nangyare dun. Wala pa naman si tito mykel" sabi ko.
"Malapit narin naman tayo wag ka na mag isip dyan" sabi nya
Laking gulat ko ng bigla nya akong hilahin at nag simulang tumakbo.
Habang natakbo, tawa ng tawa ang loko, hanggang sa makarating kami sa bahay.
Simpleng bahay lang ang bahay namin, hindi gaanong kalakihan at sapat na para saming tatlo. May bakuran sa baba at may gate. May hagdanan para makapasok sa loob. Yung ilalim kasi nun puro buhangin kaya kapag umuulan nag puputik. Bahay na kahoy lang yun, pero may dating din naman.
"Lolaaaa" sabi ko at agad na pumasok sa bahay.
Bago ako tuluyang pumasok sa bahay sumigaw ako para mag paalam kay von.
"Thankyou sa pag hatid, ingat ka ha" sabi ko sabay pasok sa bahay.
"Oh ano't hingal na hingal ka dyan" tanong ni lola,
Peste kasi si von eh malilintikan sakin yun bukas, malayo layo din ang tinakbo namin kala ko talaga malapit na
"Ahh tumakbo ho kasi kami ni von la. Kumain na ho ba kayo?" tanong ko.
"Hindi pa, inaantay kita eh, kasi hindi ka nakain ng walang kasabay, lika ka na at iinitin ko na yung ulam, maupo kana riyan" sabi ni lola at dumeretso sa kusina para iinit ang ulam.
YOU ARE READING
Through my Eyes
Teen FictionThis story is about a girl named Crizianna Avior D. Ocampo, an adventurous and badass nineteen year old with a kind and soft streak when it comes to her Lola Mina Dizon, her late mother's mother. Aside from her best friend Mia Nicole Flores, she als...
