Chapter 5: Love; Stupid.

12 0 0
                                        

*** means fastforward

I'm really sorry about the wrong use of punctuation marks, kaka start ko lang po huhu...

-Author nyong cute🤗

HAPPYY READINGG 🫶🫶

......
Crizianna's pov:

Yess tuesday na, pupunta na kami kila lola. Makikita ko na sila ulit na para bang ilang taon ko silang hindi nakita.

3 pm daw kami pupunta dun, dito na kami mag llunch sa manila para di gutom sa byahe.

11 am na, maliligo na muna ako para pag alis mamaya ready nako. Mabilis lang din kasi ang oras, baka din mag punta ako ng kompanya kasi walang tao dito. Si lola kasama ng mga amiga nya, mag ko-coffee daw sila, hanggang ngayon wala parin.

Katatapos ko lang maligo, and nag blue dress lang ako.. puff sleeve kaya hindi kona need mag blazer, bagay naman yung converse ko dito kaya nag converse nalang din ako.

Buti nalang tatlo kotse dito hehe..

Pagbaba ko nakita ko si mang mario sa garahe kaya sakanya nalang din ako nag pahatid papuntang opisina.

"Kuya mario, pwede po ba pahatid kay lolo" sabi ko.

"Ayy sige maam, pag tapos ko po start kona din agad yung kotse" sabi ni kuya mario.

eto nanaman tayo sa maam...

"Hala, anna nalang po, nakaka ilang pag maam eh" sabi ko.

Nginitian nya lang ako at ipinagpatuloy na ang pag pupunas ng kotse.

***

Hayst nakapasok na ko dito kahapon pero star struck parin ako sa laki. Pag punta ko sa main desk nag tanong nako.

"Ate, asan po si lolo?" tanong ko dun sa naka formal attire na babae.

Ngayon ko lang sya nakita siguro absent sya nung ipakilala ako ni lolo dito kahapon..

"Sino ba lolo mo?" sabi nung babae?

luh intrimitida, taas agad kilay

"Si lolo manuel po." sabi ko

Nagulat si ate mo parang hindi naniniwala.

"Si sir manuel, lolo mo?" sabi nung intrimitida.

sarap tusukin ng mata nito, nag papaka bait na nga ako eh...

"Opo, asan po ba sya?" sabi ko.

Tinignan ako ng masama nung babae.

"Guard!! paki labas nga tong baliw na babae na toh!" sabi nung babae

Lumapit yung isang guard.

Pag ako talaga inano nito sasapakin ko toh. Buti nalang at nginitian ako. Mukhang nagulat pa si manong guard.

"Ahh, anna anong kailangan mo? si sir manuel ba? samahan na kita" sabi nung guard.

Ngumiti naman ako kay manong guard, buti nalang present sya dito.

"Teka teka teka, anong samahan? eh sino ba yan?" sabi nung babae

Mag sasalita na sana ako, tapos may nag salita sa likod ko...

"Gather your things, apo ko yan si anna. What a coincidence, i just read about your status here sa company. Absent ka kasi ng absent di mo tuloy alam nang yayare sa company, please pick up your things" sabi ni lolo..

Through my EyesWhere stories live. Discover now