THE CRACKS I DIDN'T SEE - VII

44 34 24
                                    

"Maia, Russel... he's no longer alive."

Hell fucking what?!

"He's no longer what? Tita?" Paguulit ko sa tanong.

Para akong nabingi dahil sa salitang iyon na binitawan ni Tita Cecile. Pakiramdam ko ay bigla akong nakalutang sa ere.

Paano niyang nagagawang magbiro ng ganyan tungkol sa anak niya Putangina, anong no longer alive!?

"RUSSEL?!" Buong lakas na sigaw ko habang tumatawag ang pangalan niya, umaasang nasa labas lang siya at gustong i-surpresa ako. Muli ay sinubukan kong bumaba mula sa kama ngunit pinigilan nila ako.

"RUSSEL!!! COME HERE!!! NAKAKAKITA NA AKO!!!" Sigaw ko habang nag uunahan sa pagtulo ang mga luha ko.

Mali ang rinig ko e, 'di ba?

"MAMA, SI RUSSEL?! IKAKASAL PA KAMI EH! HINDI PA BA SIYA NAUWI?! NASAAN SIYA MAMA—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko ng agad akong palibutan ng mama at ng kapatid ko upang pakalmahin.

Tumingin ako kay Tita Cecile upang itanong kung nasaan ang anak niya ngunit yumuko lang ito at hinayaang tumulo ang mga luha niya.

Para akong buang na natawa na lang habang hindi makapaniwala. I shook my head as I massage the bridge of my nose.

"No... no, that can't be true! He was fine just yesterday!" Protesta ko pa dahil talagang imposible ang piangsasabi nila.

"Hindi patay ang mahal ko! Buhay siya! Nandito siya! Nararamdaman ko!" Umiiyak na sigaw ko sa kanila. Nanginginig ang katawan ko at pakiramdam ko ay babagsak ako sa sarili kong tuhod ano man na oras na tumayo ako.

Paulit-ulit akong umiling habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko.

My family's tears and solemn expressions confirmed the painful truth. Russel, my loving and selfless boyfriend, was gone.

Tangina naman, bakit mo ginawa 'yun Russel!? Aalis ka pala, bakit mo ako iniwan?

"Maia, sweetheart, I'm so sorry. Russel was the donor for your eye operation." My mom revealed while sobbing. Matagal bago ako nakasagot.

"Donor?" Wala sa sariling anas ko habang nakaturo sa sarili ko.

Napakurap ako ng ilang beses, pilit dina-digest iyong mga sinabi nila ngunit sadyang ayaw gumana ng utak ko.

Mabilis at marahas akong umiling dahil sa hindi tinatanggap at hindi kaylangan tatanggapin ng pagkatao ko ang mga pinagsasabi nila.

"Why didn't you tell me before? Why did you keep it from me?" I shouted, my voice shaking with anger. "B-BAKIT NIYO SIYA PINAYAGAN!?" I cried out, more aggresive now. "PARA LANG SA LINTIK NA PANINGIN NA ITO, HINAYAAN NIYONG MAMATAY 'YUNG TAONG MAHAL KO? BAKIT WALANG NAGSABI SA AKIN?! MAMA!? BAKIT KA PUMAYAG!?" Buong lakas na sigaw ko na tanging ang boses ko lamang ang maririnig sa buong room.

Sa inis ko ay pinagsasampal ko ang sarili ko dahil sa matinding sakit. Hindi ko deserve ang buhay na ito dahil kapalit ng kaptritso kong makakita ay ang buhay ng mahal ko.

Hanggang sa pinakang dulo ay ako pa rin ang pinili niya. Ako pa rin ang inisip niya.

"Hija, listen to me... Stop hurting yourself." Pagpipigil sa akin ni Tita Cecile ngunit wala akong pakialam.

Sa aming dalawa ni Russel, ako ang dapat nawala. Not him. He deserves to be happy. Bakit niya hinayaang mangyari 'to?

It feels like my world had turned upside down, and the lava of emotions within me threatened to consume everything in its path.

"T-That day when you had an accident on the bus... He was the bus driver, Maia..." Panimula ni Tita Cecile habang halos hindi na makahingang nakatitig lang sa akin.

Lumuluha man ngunit marahas ko itong pinunas at nagtatakang tiningala siya.

"What— Anong ibig mong sabihin, Tita?! Kausap ko siya sa phone noon! Paanong— " Mas lalo lamang lumakas ang paghagulhol ko dahil sa kaguluhan.

"I...Isusurpresa k-ka sana niya... para sa biglaang k-kasal ninyo sa araw na iyon... ngunit nagka-aksidente." Pagpapatuloy niya.

Ngayon ko lang naalala lahat. Kung paanong hindi ko siya makontak nang araw na 'yun habang halos mawalan na ako ng malay hanggang sa tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

It all makes sense now.

Kung bakit siya biglang nawala kagabi...

Kung bakit biglang may 3 wishes...

At higit sa lahat...

Kaya pala maaga kaming pinagtagpo kase maaga siyang nawawala sa akin?

Iyong kinanta niya ba sa akin kagabi? Kasali din ba 'yun dito?

Was it his last song for me?

Pakiramdam ko ay hinding-hindi na ako makaka-ahon. Hanggang sa huling Hininga niya ay ako pa rin ang nasa isip niya. Ni hindi ko man lang napansin ni minsan 'yung mga panghihina niya habang todo effort siya sa pagpapasaya sa akin.

"Na-coma ka ng dalawang taon, samantalang nagising siya pagkatapos ng isang linggo. Nalaman niyang mabubulag ka kaya't sinisi niya ang sarili niya dahil sa pagkabulag mo. Bawat araw, simula ng magising siya... Walang araw na hindi ka niya binantayan... Hanggang sa isang araw, nawalan siya ng malay..." This time ay lumapit siya sa akin upang yakapin ako. Parehas kaming hirap sa pag hinga at tanging pag hagulhol lang ang kaya naming gawin.

"Ayon sa doctor, nagkaroon ng Concussion ang anak ko dahil sa aksidente. Isang buwan ulit siyang Walang malay at nakaratay lamang... hanggang sa isang araw, nagising siya at sinabi ng doctor na lumala ang concussion niya at naging tumor."

"Maia... tinaningan ng doctor ang anak ko, at alam 'yun ni Russel... siyam na buwan lamang ang itatagal niya... at kagabi... Iyon na  araw na nakatalagang huling gabj niya." Mas lalong lumakas ang paghagulhol niya.

Para akong mababaliw sa mga nalaman ko. Pakiramdam ko ay nakalutang lang ako sa ere. Gusto kong saksakin ng kutsilyo ang dibdib ko nang sa ganu'n ay mamanhid ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko, ano man na oras na tumayo ako ay babagsak lang din ako.

Muling bumalik sa alaala ko ang mga nangyari simula nang magising ako. Lahat ng iyon... ginawa niya para pasayahin ako dahil alam niyang Hindi ko na siya muling makakasama pa.

"Hiniling niya na sa araw na ito... ibigay namin ang mata niya saiyo." Pagpapatuloy niya pa.

Para akong tinakasan ng lakas. Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa mga nalaman ko. Wala ng luha ang lumalabas sa mata ko dahil mismong puso ko ng ang umiiyak.

The laughter, the tears, the kisses, and the three wishes we made together. Lahat ng 'yon, parte 'yun ng farewell niya. That day when we sat by the beach, watching the sunset, replayed in my mind. Para akong pinapatay paulit-ulit habang inaalala kung paano niya akong pinasaya ng lubos. Ni hindi niya sinabi sa akin ang nangyari dahil ayaw niyan maging malungkot ako.

His last wish— that's what it was. It all pointed to this moment, and I felt like a fool for not piecing it together earlier.

'I wished to give you the world, to let you see it with new eyes,' his voice echoed in my mind. Ito ba ang gusto niyang sabihin? Ito ba iyon?

Wala akong nagawa kundi ang humagulhol sa iyak. Bawat kanto ng bahay namin, siya ang nasa isip ko. Bawat pag tingin ko sa salamin, siya ang naalala ko. Bawat pag haplos ko sa buhok ko... Siya pa rin.

"Why didn't I feel it before? Why didn't I see it?" I whispered to myself as I touched his grave stone.

While sitting here, my heart shattered into a million pieces as tears blurred my vision. Each breath felt heavy, a painful reminder of his absence.

"Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo... Sana hindi na kita inaway... Sana, tinulungan kitang labanan 'yung sakit mo." Bulong ko habang nakatanaw sa puntod niya. "Sana, mas ginawa nating memorable yung mga araw nating dalawa."

The Cracks I Didn't See - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon