I remember your stubbornness.
The next thing I knew, nasa isang ice cream parlor na kami. Anakin treated me to ice cream to somehow compensate for what he had done. Though it's not that serious, he still insisted to treat me.
At sino ba naman ako para tumanggi sa libre? Syempre, dinamihan ko na 'yong in-order ko. Sinulit ko na. Libre, eh. Sayang naman kung hindi. Plus, pambawi na rin sa pang-aasar niya sa akin.
Nakangisi lang siya habang sabay naming nilulunod ang mga sarili namin sa creaminess ng ice cream. Naiilang ako sa manaka-nakang pagtingin niya sa akin, pero pinabayaan ko na lang. Kung hindi niya lang talaga ako nilibre, nag-walk out na ako at iniwan siya.
Ngayon, nasa labas na kami. We were right in front of the store. Dahil hapon na, tila ginintuan ang kapaligiran dahil sa papalubog nang araw. Patuloy pa rin sa pagdaan ang mga sasakyan. Sa open field na nasa tapat, may mga batang naglalaro.
Habang nakaupo kami sa damuhan kanina, dumating sina Acey at Jacko. Nauwi na naman sa tuksuhan. As per usual, we received teasing smiles and malicious looks. They exchanged knowing glances. Wala namang bago. Naiinis pa rin ako. Naiinis ako dahil kahit nakakairita, unti-unti na talaga akong nasanay roon.
Hindi ko makakalimutan ang tuwang-tuwang si Jacko na pumapalakpak pa. "Ilabas na ang lechon!"
"Sagot ko na 'yong shanghai!" humahalakhak na sambit naman ni Acey.
Hindi naman nagpahuli si Anakin na ngising-ngisi. "Magpo-propose na sana ako, eh, kaso hindi pa siya ready."
He even shot me a glance after saying that. Humagalpak silang tatlo sa tawa.
Inakbayan siya ni Jacko. "Tangina! Tapang mo, ah!"
Mahina namang sinampal ni Acey ang isa niyang pisngi. "Engagement agad ang nais."
"Pakisabi, humanap na lang siya ng iba," taas-noong sabat ko na para bang wala siya sa harapan ko.
As if on cue, sabay-sabay silang napatingin sa akin. Acey and Jacko both chuckled at my blunt statement.
"Pakitanong nga, guys, kung bakit ako maghahanap ng iba kung siya naman ang hinahangad ko?"
"Putangina, sana all!"
I sharply looked at Anakin because of that. Hindi siya nagpatalo. Tinatapatan niya ang talim sa mga mata ko. Kainis talaga.
Halos mangamatis na ang dalawa naming kaibigan sa kakatawa. Nakaupo sa damuhan si Acey habang nakatayo naman si Jacko sa tabi niya. Halos mapahiga si Acey sa kakatawa habang nakahawak sa laylayan ng denim jacket ni Jacko, dahilan para muntik nang ma-out of balance ang huli. They clearly found the situation nothing but hilarious.
Aware na aware na talaga ang mga ito sa kung anong meron sa amin. Ano bang meron sa aming dalawa ni Anakin? Wala.
Walang-wala.
Noong magpaalam silang dalawa na uuwi na, sasabay na sana ako kay Jacko kung hindi lang nakipagpalitan sa kanya si Anakin. Hindi nila ako hinayaang sumabay kay Jacko. Gamit ang pickup ni Anakin, umalis na sina Jacko at Acey. Wala na akong nagawa.
Kaya heto ako ngayon, naiwan kasama si Anakin at ang motorsiklo ni Jacko. Para tuloy akong batang nag-iinarte rito ngayon. I was only a few feet ahead of him.
"Hattie, sakay na. Ihahatid na kita," he said, sitting on the motorcycle while amusedly watching me like I was some rom-com movie.
"Anong ihahatid?"
"How do you want me to put it then? Iuuwi? Hattie, sakay na. Iuuwi na kita. Like that?"
The frown on my face deepened.
BINABASA MO ANG
Anakin, I Remember
RomanceA 30-year-old woman stands out in the rain on one December day. And as she does, a certain realization shoots through her like a rifle bullet.