Tama nga talaga iyong sinasabi ng iba na sa konting panunukso, may nabubuo. Sa simpleng "ayie!" ay may nabubuong hindi mo malaman kung ano. Si Acey at Jacko iyong tipo ng mga kaibigan na ipagtutulakan ka palapit sa isang taong iniisip nila na gusto mo o crush mo pero hindi naman talaga.
Sa bandang huli, hahanap-hanapin ko rin pala ang lahat ng iyon.
The teasing smiles. The malicious looks. The knowing glances. Everything.
Sa bandang huli, siya lang din pala ang ikukumpara ko sa mga taong makikilala ko. Siya lang din pala taong ang hahanap-hanapin ko.
Ngayong unti-unti nang nagkakaroon ng puwang sa isipan ko ang mga bagay na hindi ko masyadong pinukulan ng pansin noon sa pag-aakalang sila'y maliit lamang...
Sana pala ay ikinubli ko siya.
Sana pala ay ikinulong ko siya sa mga bisig ko na para bang nakadepende sa kanya ang buhay ko.
Sana pala ay itinuring ko siya na parang isang panyo na may simple ngunit makabuluhang disenyo.
If I had known, I would have kept him.
I should have kept him when I had the chance to. When he was very much willing to be kept by me forever.
Kung nagawa ko lang 'yon, wala sanang ganito. Sa tuwing naaalala ko siya, hindi sana panghihinayang ang nararamdaman ko.
I would have felt like the brightest and liveliest star the world has ever seen, not a lonely and dying tree.
I wouldn't have been filled with what-ifs.
Maybes.
Might-have-beens. Could-have-beens.
What could've actually happened if I had stayed?
If I hadn't been too engrossed in my own life? In my own path? In going after my dreams?
If I hadn't been too eager to write a story that I could go around confidently telling everyone about?
No matter what I do, they aren't going away... They're just here. Inside my head. Seemingly imprisoned. Parang mga sardinas na nagsisiksikan sa iisang lata. Ayaw nilang maubos. Ayaw nila akong tigilan.
Palagi na lang talagang ganito. Parang isang sugat na hindi natutuyo. Ilang taon na ang nakalilipas, ngunit bakit ang lahat ay kasinglamig pa rin ng ulan na walang patid sa pagbuhos sa isang gabing kay payapa ngunit nababalutan ng lumbay?
Ayaw akong tigilan ng mga alaala. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasang hindi maalala ang lahat. Ayaw akong tantanan ng pangalan niya. Kabisado ko pa rin ang imahe niyang pinagmamasdan ako habang may masiglang ngiting nakapaskil sa kanyang mukha.
Ang bilis talaga ng panahon.
Tapos na nga talaga 'yong mga araw na magpapalipad kami ng saranggola sa isang malawak na lupain na ngayo'y kinatatayuan na ng isang malaki at modernong bahay. The days we would race home after playing.
Iyong mga pagkakataong hahawakan niya ako sa braso para tulungan akong tumakbo nang mabilis dahil kagaya ni Jacko ay napakaliksi niya bilang isang bata.
When we met Acey, it became the four of us against the world.
Walang nagbago noong hayskul. Magkakasama pa rin kami hanggang sa pag-uwi. Takbuhan. Asaran dito, asaran diyan. Tawanan dito, tawanan diyan.
Paunahan kaming lahat na makalagpas sa gate ng bahay namin na ngayo'y kinakalawang na.
Ang dati naming bahay na punong-puno ng mga alaala.
BINABASA MO ANG
Anakin, I Remember
RomanceA 30-year-old woman stands out in the rain on one December day. And as she does, a certain realization shoots through her like a rifle bullet.