Chapter 21

24 1 6
                                    

I remember the loud clap of thunder.

Pagkatapos ng mga sandaling iyon, wala na. Wala na talaga.

That was the very last time he cradled me in his arms like I was a family member that he hadn't seen for ages. Indeed, the very last time I saw him look at me the way I wanted him to. The very last time he smiled at me like I was the most precious thing in his life. The very last time we talked about us.

Madalas akong lutang sa mga sumunod na linggo. Hindi sumasama sa mga gala. Hindi lumalabas ng bahay. Saka lang ako lalabas kapag kasama si Mama na mamamalengke. Walang gana. Mistulang namusyaw ang kulay ng paligid sa paningin ko. Napapakibit-balikat na lamang ako.

Wala naman akong magagawa. Kahit ano pang gawin ko, huli na. Nangyari na. Nasabi na ang mga salitang dapat masabi. Mga salitang hindi ko inaasahang maririnig ko sa araw na 'yon mismo.

Ano pa nga bang magagawa ko?

Isa pa, iyon naman talaga ang bagay na matagal ko nang gustong gawin niya. Dapat maging masaya ako, 'di ba?

I respected his decision, too.

As much as possible, sinubukan ko na lang din talagang idistansya ang sarili ko mula sa kanya. Doon naman ako magaling, eh.

Just like him, I would rarely look his way. God knows how much I struggled to do so, most especially, during the times that we were sitting from across each other at our kitchen table. I'd strike up a conversation with him in a friendly manner when I felt like doing so. However, it was purely platonic and uplifting.

At last, Jacko and Acey had understood our mutual decision of setting boundaries between us. Sila talaga 'yong tipo ng mga kaibigan na kahit hindi mo sabihan, alam na nila. Malalaman agad nila. Ganyan sila. Magaling makiramdam. Alam nila kung anong nangyari at marahil ay sinabihan na rin nila si Mama.

Gayunpaman, na-appreciate ko ang ginawa nilang pagpapanggap na wala silang alam tungkol sa nangyari. Hindi nila iyon ipinagduldulan sa aming dalawa ni Anakin.

Anakin, on the other hand, was inconceivably good at pretending that everything was normal. I was thoroughly surprised. I was close to thinking it's one of his expertises.

Needless to say, I felt pressured. Wala, masyado niyang ginalingan, eh. Napilitan tuloy akong galingan din ang pagpapanggap ko, ang pag-arte na parang walang invisible na pader na biglang pumagitan sa aming dalawa.

Isa pa, kaka-graduate ko lang. Tamang-tama. Nagkaroon ako ng malalim na dahilan para ituon ang mas malaking porsyento ng atensyon ko sa mga bagay na mas importante.

After graduation, I worked in the Philippines for two months to gain work experience bago nag-proceed sa pagre-review para sa licensure exam. And within those two months, may mga bagay na bumagabag sa akin.

On the way to my workplace, nadadaanan ko ang university namin. May mga pagkakataong nakikita ko si Anakin na kasama si Mary Kyle. Minsan, kasama sina Justine at Erick.

Madalas, silang dalawa lang. Nagtatawanan sa labas ng unibersidad habang maraming tao sa paligid. Nagagawa pa nga siyang hampasin ng babae na parang wala lang at tanging halakhak lang ang isinusukli niya.

Ang saya-saya nilang tignan.

Parang kami lang dati.

Hindi ko na lang maiwasang ngumiti nang mapait.

Parang kailan lang noong ako ang madalas niyang kasamang tumatawid doon. Nag-aasaran pa nga kami. Nagtatawanan. Natatawa ako kasi masyado siyang pa-humble.

Ang bilis lang talaga.

Ano namang magagawa ko, 'di ba?

Si Mary Kyle ang nandoon na kasama niya at hindi ako. Dahil unang-una, ako ang may pakana nito. Ginusto kong mangyari 'to. Ginusto kong idistansya niya ang sarili niya dahil naisip ko na 'yon ang mas makabubuti para sa aming dalawa.

Anakin, I RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon