Author's Note:
Hi, mga taga-Barangay GG!
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta!
Gaya po ng Episode 1, ang Episode 2 ay available rin po sa YouTube. :D
YouTube: https://youtu.be/9QW42A2uECo
We hope you enjoy this one! Happy reading! 😊
***
"Ay! Wala na 'kong maupan!"
Napatalon si Junjun. Umus-os tuloy nang parang tanga ang mga napagkasya na niyang bilao ng pagkain sa ref.
"Mang Upo, hindi na po 'to kasya. Tingin ko po 'wag muna kayong tumanggap ng pagkain."
"Oo nga, e. Pero, nahihiya kasi 'kong tumanggi."
Biglang may nag-doorbell. Tumingin si Mang Upo kay Junjun nang parang tanga lang. Napabuntong-hininga si Junjun at lumabas para tanggihan ang anumang nakabilao na ibibigay ng nag-doorbell.
Napanood ni Mang Upo mula sa bintana kung paanong hindi natanggihan ni Junjun ang bilao ng pancit ni Dinna. Hindi lang iyon ang nakahiyang tanggihan ni Junjun. Sa loob lang ng kalahating oras, nadagdagan pa ito ng mga ulam na nakalagay sa iba't ibang korte ng lalagyan.
"Ayos 'to. Kasya na 'yung ref natin dito, Mang Upo."
Napakamot ng ulo si Junjun at napahilamos ng mukha si Mang Upo ng mga limang beses. Tapos, tinitigan nilang dalawa ang leaning tore of pagkain.
Mula kasi noong mailibing si Mang Panata, tatlong araw na ang nakalilipas, walang humpay ang pagdating ng bila-bilaong pagkain sa gate nina Mang Upo.
"Alam mo, Junjun, hindi ko akalain na ito ang magiging pinakamalaking problema ko ngayong wala na si Tay."
Bago makasagot si Junjun, kinilabutan siya kasi parang may narinig siyang ngumasab nang parang tanga lang sa salas.
"Mang Upo, narinig n'yo rin po ba 'yun?"
Naglagay si Mang Upo ng daliri sa bibig at dahan-dahang sumilip sa gilid ng leaning tore sa ibabaw ng mesa. Sumilip din si Junjun sa kabila nito. Sabay nalaglag ang panga ng dalawa nang makitang may batang namumuwalan sa biko ni Elsa sa salas.
"Sino 'yun? Kilala mo ba 'yun?" mahinang tanong ni Mang Upo.
"Parang pamilyar po s'ya. Di ko nga lang po alam kung saan ko s'ya nakita."
Pumunta si Mang Upo sa salas at sumunod si Junjun.
"Iha, anong ginagawa mo sa salas namin?" tanong ni Mang Upo.
Napahinto ang bata sa pagsubo at lumingon kay Mang Upo. Noong magtama ang paningin nila ni Junjun, namulagat ang bata at nanginig nang bahagya. Kumunot ang noo ni Junjun, pilit na iniisip kung saan niya nakita ito.
"Sa salas natin? Salas ko rin 'to."
Nagtinginan sina Junjun at Mang Upo.
"Iha, dalawa lang kami ni Junjun na nakatira rito. Sino ka ba?"
"Anak ako ni Mang Panata kaya bahay ko rin 'to."
Natahimik ang buong salas. Kumurap si Mang Upo. Kumurap si Junjun. Ngumasab nang parang noon lang nakakita ng biko ang bata. Isang subo. Tatlong subo. Sampu.
Lumaklak ng sago't gulaman ang bata. Gumuhit nang maganda ang samalamig sa lalamunan nito at napa-hay ito sa sarap.
Natauhan si Mang Upo at hinatak si Junjun sa kusina.
"Junjun, tingnan mo 'ko. Tingnan mo s'ya. Magkamukha ba kami?" bulong ni Mang Upo habang nakatingin ang dalawa sa batang kain nang kain.
Nagkamot ng ulo si Junjun, sinisipat nang mabuti ang mukha ng dalawa. "Hmmm... mahirap pong masabi. Pero, parang magkakutis po kayo?"
YOU ARE READING
Mang Upo: Tay, Parang Empty
HumorSpin-off ito ng Ay! Parang Tanga! Vol. 1 na naka-set one year after na magwakas ang Milagrong Natamasa ni Mang Panata. Susubaybayan nito ang mga parang tangang ganap sa buhay ni Mang Upo matapos s'yang mawalay sa sofang nakahulma na ang tumbong n'ya...