Chapter 1

10 1 0
                                    

                                                                                                             Speech.

"Le naman e dali na kasi gawan mo naman ng paraan!" literal na inis na sabi ko, kumurap kurap ako at nagmakaawa ng husto sa harap niya. Kinagat ko pa ang labi ko para masaktan at marahang maiyak.

Kinulbit ko siya hindi naman siya nakatingin sakin ng diretso.

Ininom niya ang baso ng apple juice bago bumaling sa labas na para bang nag iisip.

"Le please? Ilalakad din naman kita sa kanya e kay Janine? Pati ako na ang magtatakip sayo kay Tita. Pagbigyan mo lang kasi ako dito!" niyugyog ko ang braso niya. Bago marahang humikbi. Kumurap kurap pa ako sa harap nya at tudo paawa. "Please?" wala na akong maisip na pwedeng gawin para pumayag siya 'yon na ang huling bala ko kaya sana pumayag siya.

Pinunasan niya ang luha ko na bahagyang tumulo bago ngumiti. "Okay fine," umayos siya ng tayo bago seryosong tumingin sakin.

Aagd kong inayos ang sarili at malapad na ngiting nakinig sa mga sasabihin niya. Huminga muna ako ng malalim bago kunin ang notebook ko.

"May laro siya pagkatapos ng klase," agad kong sinulat sa isang notebook ang mga sinabi niya. "Konti lang ang student ang allowed dahil nag eexam ang iba. Then tuwing sabado dinadalaw siya ng ama niya-" bago pa matapos ni Le ang kaniyang sasabihin agad na may sumigaw ng malakas agad kaming napatingin doon.

Naglabasan ang mga katulong at nag hirera sa magkabilang gilid para bigyan siya ng madadaanan agad akong nakaramdam ng kaba.

Salubong ang kilay niya at nababanas na nakatingin sakin. Kinabahan ako ng dirediretsyo siyang naglakad papasok sa sala. Sinalubong pa siya ng ngiti ni Mom pero agad ding nawala ng makitang galit ito. Hinabol pa ni Mom ng tingin si Dad na ngayon ay salubong ang kilay na palapit sakin.

Agad na patayo si Le, agad naman akong nagtago sa likod niya hawak hawak ko parin ang notebook ko. Hindi ko magawang sumilip sa likod ni Le natatakot ako. Nakailang lunok pa ako sa sariling laway bago tumukhim. "Alia Vamil Dela Merced!" buong lakas na tawag ni Daddy sa pangalan ko dahilan para mag tayuan ang balahibo ko. Halos lahat ay hindi makatingin sakin dahil siguradong pag nahuli ko sila ng tingin ay patay silang lahat sa akin.

"Tito what happened?"agad na tanong ng nasa harap ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ding magtanong kahit na alam ko na naman ang dahilan niya. Siguradong nalaman na niya ang mga kalokohan ko sa school.

"Hon." tawag ni mom pero ni hindi magawang lumingon nito bahagya pa niyang inalo si Dad para pakalmahin.

"Leo, wag mong sinasanay ang pinsan mo tingnan mo palagi na lang niyang ginagawa ang ganyan hindi na siya natututo." napahilot ng sintido ang aking ama bago bumaling sa akin. Suot niya ang couple na pantulog namin na Hello Kitty halatang kakabangon pa lang niya. Natakot ako ng sobra sa presyensya niya pero ng makita ko ang ayos niya gusto kong matawa.

Ang gulo ng buhok niya halatang stress na sa mga kagagawan ko, napangiwi ako ng samaan niya ako ng tingin.

Kung nandito si Kuya Josh hindi sila ganiyan sakin! Hyss.

Buti pa si Kuya Josh kahit ano pwede! Nakakainis! Pag ako bawal?

"Alia kailan ka ba magtitino? Sumasakit ang ulo ko dahil sayo walang mukhang bibig ang mga prof mo kondi ang pakikipag away mo kailan ka ba matuto? Dalaga ka na! Umasta ka naman na ayon sa edad mo!" hindi ko siya pinansin at sa halip agad na nag tatakbo papunta sa kwarto ko. 

Nahuli ko pa si Aling Eya na nakatingin sakin para bang kinakausap niya ako gamit ang mga mata.

Lagi na lang sermon! 

Hysss sarap maglayas pag ganito!

Agad naman akong tinawag ni Dad. "Alia!" palahaw niya na halos marinig na sa kabilang mundo. 

Oa naman yan Ali! Mundo talaga?

Tss.

"Alia Vamil! Sinasabi ko sayo magtino ka na! At kapag hindi ka talaga sumunod makikita mo!" pagbabanta ng magaling kung ama, inis kong binalingan ng tingin si dad mula sa taas kita ko pa ang paggalaw ng panga niya sa sobrang stress.

Agad akong nag iwas ng tingin ng magsalubong ang mata namin. 

Umirap ako sa kawalan bago nagpatuloy ang paglalakad papunta ng kwarto ko. Narinig ko pa ang pagpapakalma ni mom kay dad. Tss.

Nakakainis! Bakit ganito! Nung dati kahit ano naman pinagbibigyan ako ni Le! Pero ngayon?! Wow nagbago na siya! Inis akong dumamba sa kama ko, agad ko namang tinawagan si Kuya Josh para sabihin lahat ng nangyari. Wala pang ilang ring ng agad niyang sinagot ang video call ko. "Hellow Kuya!" masayang bati ko. Kumaway pa ako sa camera.

"Ali? What is a problem? Did Tito have a long speech to you again?" litera na natawa ako sa sinabi niya, buti pa siya! Hindi tulad ni Le! 

Buti pa siya alam agad ang problema ko! Hyss.

Mag pinsan nga talaga kami!

Sa tuwing tatawag ako sa kaniya lagi niyang sinasabi na nag speech na naman daw si dad. Means nanirmon na naman siya. Umayos ako ng pagkakadapa bago umirap.

"Kuya Josh naiinis ako kay dad!"

"Why?"

"Kasi naman lagi na lang siyang badtrip sakin! Wala naman akong ginagawa! Hysss tapos laging sermon pa! Nakakasawa na talaga literal!"

Lalo akong nainis ng tawanan lang niya ako. Saglit kaming nag kuwentuhan pa tungkol sa magaling kong ama bago nalipat ang topic sa isang babae. 

"Huh? Sino? Type mo? Diba bawal yan sabi ng manager mo?" sunod sunod na tanong ko tumayo siya bago ngumiwi. Hindi niya siguro nagustuhan ang mga sinabi ko. 

Ang alam ko kasi bawal siya sa ganon kasi naamn makakasama sa career niya tapos yung mga sandamakmak na babaeng taga hanga niya magwawala dahil don.

"So what her name? Saang pamilya nanggaling? Mayaman din ba?" pag artista din siya siguradong magkakasundo sila pero kapag tulad ko na masungit at mataray malabong magkasundo kami.

"Kuya... ano nga? Model ba? Or business woman?" yun kasi ang karamihang nalilink sa kaniya na babae simula ng umingay ulit ang pangalan niya. 

"Hmmm.. hindi siya kilala....and she is a ABM student, and about her family she don't have. But she have a nice and kind best friend named Gill. Katrina is a very nice and cool-" saglit akong na tahimik bago nag proseso sa utak ko ang mga sinabi niya.

"What? Ma. Katrina Nicole Garcia? She's the girl you like? Omygosh!" napasapo ako ng noo, taka naman niya akong tiningnan." Kuya bayarang babae siya alam mo ba 'yon?!" naningkit ang mata ko. Sa dinami dami bakit 'yon pa?

Kahit naman artista pa 'yan o kilalang tao hindi pa rin ako papayag lalo na si tita. Tss kapag nalaman to ng mga tao masisira ang pangalan na inaalagaan namin!

Like isang sikat na actor na si Joshua Gail Dela Merced ay pumatol sa isang hamak na bayarang babae? Anong iisipin ng mga to? Pinikot siya! 

Kapag nagkataon masisira ang career niya at hindi lang siya pati kami apektado! 


Alia Vamil Dela Merced (Love Series 3)Where stories live. Discover now