Chapter 3

6 2 0
                                    

Practice.

Hindi ako nakapag cutting kanina kaya ngayon na lang. HA-HA-HA! Nakakainis! Nasampal ko na sana 'yong babaeng yon! Kung hindi lang siya si Janine! Kasi naman ang amo amo ng mukha niya pano ko siya susungitan pati baka pag sinampal ko pa siya sabihin pa niya na may balak akong mag cutting kanina edi naparusahan pa ako? Tapos baka magulat pa siya na pinsan ako ni Leo na ubod ng bait tsk.

Bad mood akong naglakad papunta sa locker kinuha ko ang extra uniform ko dahil nadumihan na itong suot ko at gusot gusot na. Inis ko pang tiningnan ang mahaba habang gasgas ko. Kitang kita 'yon dahil sa iksi lang ng palda namin na hapit sa bewang ko pero hindi naman nila mapapansin kung hindi nila pakakatitigan. Kainis! Hindi na 'yon nagamot ni Janine dahil agad na tumanggi ako, pati tumunog na ang bell kanina nakita kami ng guard doon kaya ending iyamot akong pumasok sa next subject namin! Ngayon lang ako pumalpak sa pag cucutting ngayon lang!

Last na lang naman kaya mag cucutting na ako! Pumasok ako sa cr at nagbihis saglit kong inayos ang bangs ko at sinuklay ang mahaba kong buhok. Nag pulbo at nag liptint din ako naglagay pa ako ng maskara ng makuntento sa itsura ng sarili ay lumabas na ako. Hyss, kainis talaga.

Bitbit ko ang hinubad na uniform at naglakad papunta sa room namin. "Hello Alia!" bati ng ilan ng napadaan ako sa ibang strand. Kumaway naman ako bilang tugon. Kunwari hindi galit sa mundo ang peg.

Nang makapasok na ako sa room namin kaniya kaniya ng ingay ma pa babae man o lalaki para silang may sariling mundo ng iuli ko ang paningin ko sa loob ng classroom nagtama ang mata namin noong weird na tomboy. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa literal na tumaas ang isang kilay ko sa ginawa niya. 

Kapal naman niya? Sino siya para titigan ako ng ganyan? Wag niyang sabihin na may lihim na galit din sya sakin tulad ng karamihan? 

Like duh, sinong tatagal sa tulad kong mataray? Babait lang naman ako kapag nasa paligid ko si crush e.

"Alia!" tawag sakin ng isang babae na hindi ko naman gaanong kilala kahit nga mukha hindi ko siya mamukhaan. Syempre kahit mag kaklase kami at higit 50 kaming estudyante wala akong oras para kilalanin sila at makinig sa mga talambuhay nila. Boring naman kasi wala nga akong matatawag na kaibigan kahit si Valeska na ilang taon ko ng kasama hindi ko itinuturing na kaibigan. Wala namang masama doon diba?

"What?" hindi ko naman itataas ang kilay ko e bigla na lang tumaas ng wala sa oras hindi ko namalayan sori.

"A-ano itatanong ko lang sana kung may nililigawan na ang pinsan mong si Josh—"

Oh!Crap! 

Wow? So ginawan pa niya akong tanungan? Tss inirapan ko siya. Bahagya naman siyang natakot sa naging asta ko. Saglit kong pinakalama ang sarili bago tingnan siya. Kalmahan mo lang naman Ali. Baka may ma pa iyak ka na naman ng wala sa oras.

"Miss kung may nililigawan si Kuya Josh, syempre hindi mag aaksaya ang mga reporter at agad agad na magliliparan ang mga article about sa kaniya." para saan pa na sikat siya kung wala namang nagbabantay sa kaniya diba? Kaya ayaw ko pasukin ang showbiz e dahil isa iyang ayaw ko na dahilan paano kapag may gusto akong boy, ililihim ko dahil makakasira sa career ko? Tsk no thanks.

"Ali! Kanina ka pa hinahanap ng pinsan mo! Yung  basketball player?" agad akong bumaling kay Jax ng sabihin niya 'yon.

"Bakit daw?"

"Ewan ko." nag kibit balikat siya bago muling bumaling sa mga kaibigan.

Nilagay ko muna sa bag ko ang uniform ko bago lumabas, halos ang mga mata ng mga kapwa ko estudyante ay na sa akin. May ilan pa akong narinig na bulong bulungan.

Alia Vamil Dela Merced (Love Series 3)Where stories live. Discover now