Chapter 5

15 1 0
                                    

Kilig

Inis akong nag try ulit ng panibagong drawing minsan na nga lang magpasikat palpak pa! Hindi pa kumampi sa akin ang panahon jusko naman! Nakailang mura ako sa sarili ko grabe nakakahiya para tuloy gusto ko nalang lamunin ng lupa sa kinauupuan ko. Dapat kasi inayos ko pero inayos ko naman e!

Nakita ko sa gilid ng mata ko na palapit siya sa akin. Pigil na pigil ko tuloy ang pag irit at paglaglag ng panty ko sa kaniya. Panong hindi? Super duper pogi niya like the duck? Yung amo ng mukha niya na parang hindi makabasag pinggan ang galing niya sa paglalaro ng basketball, ang kisig niya at sobrang lakas ng dating! Kahit nakanguso, o ano na paka gwapo niya!

Napasinghap ako ng tudo ng tuluyan na siyang makalapit sakin nasa bandang likod ko siya. Nakagat ko ang sariling labi ng hawakan niya ang kamay ko. Siya na mismo ang nag sketch doon pero hawak ang kamay ko na nagiging guide. Para akong batang tinuturuan mag drawing. Ngumuso ako, lalo na naman akong nahulog sa kaniya.

Ang gaan ng kamay niya, nakaramdam ako ng kuryente doon ng tuluyan niyang hawakan ang kamay ko para bang dinadala niya na ko sa langit sa simpleng pag hawak niyang iyon. Napapikit ako ng tumama ang matangos niyang ilong sa bandang balikat ko. Shit! Damn! Ngayon ko lang ito nadama o shux ito ba'y pag ibig na totoo ba ang pinadama couz. 

Nabigla ata siya kaya lumayo siya ng kaunti bagay na ikinadismaya ko. Bakit kasi lumayo? Pwedeng pwede pa nga siyang lumapit sakin. Kahit e hug pa niya ako oh e kiss hindi ako magagalit o tututol man lang.  "I'm sorry." sabi niya bago umalis sa likod ko at tumabi sakin. Ngumuso naman ako sa inis. "Ganito, kailangan hindi madiin kapag mag sketch parang dampi lang para maganda ang kalalabasan." marahang sabi niya saglit naman akong napatingin sa gwapo at maamo niyang mukha, kaya lagi akong napapaaway e dahil dyan sa kabaitan mo tapos sobrang agaw pansin na ka pogian! Gusto ko tuloy kalbuhin si Kat dahil napapadalas ang pag labas labas nila ni Sev!

Agad akong tumingin sa kung saan ng bigla siyang lumingon sakin naramdaman ata niya na may nakatingin kaya ganon. Napakagat ako ng labi ng tumitig siya sakin ng ilang minuto. 

Nang matapos kami doon sa drawing agad na siyang tumayo at kinuha ang ipad ko siya na din mismo ang nag print noon. Tumayo na din naman ako para kunin ang papel na nasa gilid ko.  Halos manlaki ang mata ko ng makitang iilan na lang ang dapat sagutan dahil tapos na niya. Grabe hindi naman pala niya kailangan ng tulong ng tulad ko e. Para lang akong batang tinuruan niya. Tsk. Ano kayang balita kay Le? Baka naman na buntis na niya iyong crush niya huh? Ganon kasi ang mga napapanood ko minsan. Dahil dito sa bawi niya hindi ko na muna siya guguluhin ng mga ilang minuto.

"Ali anong password?" sa papel na hawak ko ako nakatingin biglang bumilis ang tibok ng puso ko ALI? Hala bakit ang cute ng pag kakasabi niya? Hindi ko magawang humarap sa kaniya dahil siguradong kulay kamatis na ang pisngi ko. Forda Ali omg. Pero may maganda naman na love o mahal na lang!

"A-ano......b-birthday m-mo...." utal na utal na sabi ko shit! Sa dami ng password sa mundo, ngayon. Ngayon na ako nag sisi kung bakit iyon ang ginawa kong password pwede naman kasing edad niya na lang para hindi gaanong halata na baliw na baliw ako sa kanya. 

De pungas! Lagot na. Yari pisteng yawa.

"Birthday mo?" tiningnan ko siya at nakita kong nakakunot ang noo niya. Shit lalo siyang pomogi sa harap ko. Sarap ikiss e. Kahit sa lips lang hindi na ako mag toothbrush ng isang taon!

"H-hindi. Birthday mo!" napatakip ako ng bibig sa naging sigaw ko. Kahiya! Sabi naman kasing birthday mo e! Yan nabigla tuloy ako at nasigawan ka huhuhu. Baka isipin niya na napaka taray ko porket DELA MERCED! Napapikit ako bago kinagat ng labi ko grabe dapat hinay hinay lang Alia Vamil! Dapat chill lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alia Vamil Dela Merced (Love Series 3)Where stories live. Discover now