PROLOGUE

1.1K 47 4
                                    


warning: I'm still growing po so expect na ang grammatical errors and typo errors. Thank you po

_______________

       Nakatingin lang ako sa bonfire na nasa harapan ko habang iniihaw ang marshmallow na itinusok ko sa stick.

"Ano na namang iniisip mo?" Nabalik ako sa ulirat nang may tumapik sa balikat ko. "Sunog na sunog na yung marshmallow mo."

Napakurap kurap ako at nanlaki ang mga mata ko nang makitang sunog na nga yung marshmallow. Hindi ko man lang napansin.

"Pasensiya na," nakangusong sabi ko.

"Ano ba kasing iniisip mo?" tanong ng lalaki sa tabi ko.

Nagkibit balikat lamang ako bago tumayo. Magmula nang magising ako sa pagkaka-comma ko, palagi na akong tulala at pakiramdam ko ay may kulang sa 'kin.

Kilala ko naman kung sino ako at naaalala ko lahat nang tungkol sa 'kin pero pakiramdam ko ay may nakalimutan ako.

"Matutulog na ako," sabi ko sa mga kasama ko bago mag-unat. "Wag kayong masyadong magpuyat dahil may work tayo, ah?"

Tumango lamang ang mga ito.

Nagtungo agad ako sa tent ko at nahiga. Nandito kami sa isang resort dahil may malakihang projects kaming gagawin.

Isa akong interior designer at napili ang team namin para sa bagong tayong hotel resort ng pamilya Sullivan.

Masaya akong makapagtrabaho sa Pamilya Sullivan. Ang pamilya kasing iyon ang tumulong sa 'kin at nagpagamot para gumaling ako mula sa mga sakit ko.

Napahinga na lamang ako nang malalim bago ipikit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Kinabukasan ay medyo madilim pa sa labas ay nagising na ako. Iniligpit ko ang higaan ko bago lumabas ng tent.

Sa Hotel kami pinatutuloy kaso mas trip naming mag-camp dito sa tabi ng dagat. Ako mismo ang nag-request nito dahil parang may nagtutulak sa isip ko na mag-camp sa gilid ng dagat.

Mukhang ako pa lang ang gising sa 'min kaya naisipan kong magluto ng cup noodles. Pumwesto ako sa medyo malapit sa dagat at naupo sa buhangin.

Nag-set din ako ng video dahil gusto kong mapanood ang sunrise.

"Ang init," nakangiwing sabi ko nang mapaso ako sa kinakain kong cup noodles

"Hipan mo muna kasi," gulat akong napalingon sa nagsalita.

Bumungad sa 'kin ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng t-shirt at short. May maputing balat at gwapong mukha.

Ngumiti ito sa 'kin at halos matunaw ako dahil mas lalo itong gumwapo. Idagdag pa ang malalim nitong dimples sa kanang pisngi niya.

"Nagkita na ba tayo dati?" hindi ko alam pero 'yon ang salitang lumabas sa bibig ko.

May pumapasok din na imahe sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero, parang ang tagal naming hindi nagkita. Gusto ko siyang yakapin na lang bigla sa hindi malamang dahilan.

"Ha?" Natawa ito. "Ah, nakita kita kahapon. Kausap mo si Papa."

Papa?

Ngumiti ito nang malapad bago maglahad ng kamay. "Cole Andrei Sullivan..."

Cole Andrei Sullivan. . .

Cole Andrei Sullivan. . .

Parang sirang plakang paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang kaniyang pangalan.

Malakas din ang kabog ng dibdib ko at parang nasasabik akong mayakap siya.

"Bakit ka umiiyak?" Hinawakan nito ang pisngi nito. "Hindi naman kita inaaway. . ."

Napahawak ako sa pisngi ko at natigilan ako nang mapansing basa iyon.

Bakit ako umiiyak?

"Wag kang umiyak," pinunasan nito ang luha ko.

"Hindi ko mapigilan," patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. "Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak?"

Ngumiti ito nang maliit bago ako hilahin at ikulong sa kaniyang mga bisig.

Kusang gumalaw ang mga kamay ko at yumakap sa kaniya. Mas lalo rin lumakas ang iyak ko. Para akong batang nagsusumbong sa kaniyang Tatay.

"Wag ka nang umiyak." Naramdaman ko ang paghaplos nito sa likod ko. "Hanggang ngayon napaka-iyakin mo pa rin."

Hindi ako sumagot at nanatili lamang nakayakap sa kaniya. Natatakot akong bumitaw dahil baka mawala siya bigla.

Pakiramdam ko ay biglang nabuo ang pagkatao ko. Pakiramdam ko ay napunan ang pagkukulang sa buhay ko. At ang dahilan nang lahat ng iyon, ay ang estrangherong yakap yakap ko.

Devil's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon