CHAPTER 2

568 20 1
                                    



         "Saan ka pupunta?" tanong  ko kay Cole.


"Uuwi na," tugon nito. "Wala naman kasi akong ibang pupuntahan ngayon."


"Gustong sumama sa 'yo." Natigilan naman ito dahil sa sinabi ko. "Wala kasi akong mapuntahan ngayon."


"Pwede naman," sabi ni Cole kaya agad akong napangiti. "Pero dapat behave ka lang, ah? Hindi ka rin makakapasok sa kwarto ko dahil may pangontra ako sa loob. Marami kasing masasamang multo ang madalas akong dalawin noon."


"Okay lang," nakangiting sabi ko. "Gusto ko lang ay magkaroon ng kasama. Ayaw ko kasing mag-isa."


Tumango lang ito bago damputin ang kaniyang bag. Lumabas ito ng classroom at agad naman akong sumunod sa kaniya. Tahimik lang ako kasi maraming tao sa paligid, baka mapagkamalan na naman nilang weird si Cole.


Akala ko ay didiretso si Cole sa gate pero sa halip ay dumiretso ito isang grupo ng estudyante na may apat na lalaki at isang babae. Sumunod naman agad ako kay Slex dahil baka maiwan ako.


"I have a friend with us," sabi ni Cole sa mga 'to.


Nagkatinginan naman ang mga ito at ilang sandali lang ay napatango. Nagtaka naman ako dahil sa ikinilos ng mga ito.


"Sinong friend?" tanong  ko kay Cole.


Tumingin ito sa 'kin. "You."


Isang word lang yung sinagot niya pero pakiramdam ko ay maiiyak ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan, at hindi ko akalaing isang taong nabubuhay pa ang kauna-unahan.


"Kaibigan mo ako?" naiiyak kong tanong. "Thank you, Cole."


Ngumiti lamang si Cole bago guluhin ang buhok ko.


"Sanay na kami sa 'yo pero ang weird talaga kapag may hinahawakan ka na hindi namin nakikita," sabi ng isang lalaking mukhang pinaka-masayahin sa kanila.


"Let's go na nga," sabi naman ng isang lalaking binabae.


Sabay sabay silang naglakad palabas ng gate habang ako ay nasa likuran lamang at nakasunod sa kanila. Nakikinig lang din ako sa masayang usapan at biruan nilang anim. Ang swerte ni Cole, kasi kahit weird ang tingin sa kaniya ng iba, may mga kaibigan naman siyang tanggap na tanggap siya.


Nalaman ko na rin ang pangalan ng mga kaibigan ni Cole dahil nababanggit nila ang pangalan ng bawat isa, sa tuwing nag-uusap silang anim.


"Anong pangalan ng friend mo, Cole?" tanong ni Rycher.


Tumingin naman sa 'kin si Cole, sumenyas itong lumapit ako sa tabi niya, na kaagad ko namang ginawa.


Devil's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon