CHAPTER 1:

749 35 1
                                    


I'm still improving pa po kaya sorry po agad sa mga wrong grammar and typo errors. Hindi rin po ito gaanong malinis kaya don't expect too much po. Thankies

___________________________


SIMULA. . . 


         Ang hirap kapag nag-iisa ka. Pero mas mahirap kapag multo ka na pero nag-iisa ka pa rin. Hindi ko akalain na ang napapanood ko lamang sa mga movies na multong pagala-gala ay magiging ako rin sa totoong buhay.


Ako si Laia Angela Hernandez. 18 years old. Isa akong babaeng taong hospital dahil sa sakit kong halo halo na. Mayroon akong heart failure at brain tumor. Buong buhay ko ay sa hospital lamang ako nalalagi, kahit ang pag-aaral ko ay ginaganap pa rin sa hospital. Comatose ang katawan ko sa hospital, three years na kaya three years na rin akong kaluluwang pagala-gala.


Ang dami ko na ring na-encounter na mga bad spirits. Lahat sila ay nakakatakot ang itsura, lalo na ang mga batang multo. Hindi ko alam kung paano bumalik sa katawan ko. Gusto kong mabuhay ulit dahil gusto kong ma-enjoy muna ang mundo.


"Laia. . ." Mabilis akong napatayo nang sumulpot na naman ang multong manliligaw ko.


Ayoko nga sa kaniya pero ang kulit niya. Ang tanda tanda na niya pero malandi pa rin siya. Ang baho baho rin niya dahil matagal na siyang pagala-gala lang dito.


"Tantanan mo nga ako!" Mabilis akong tumakbo palayo sa kaniya. "Lolo lang kita kaya tigilan mo  na ako!"


"Laia, tanggapin mo ang pagmamahal ko." Hinahabol ako nito. "Tanggapin mo na ako para matahimik na ako."


"Kahit mabulok ka rito ay wala akong pakielam!" inis kong sagot.


Patuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa mapadpad ako sa isang eskwelahan na maraming estudyante. Nakita kong sumusunod pa rin si Lolo kaya tumakbo ako.  Napadpad ako sa banyong panlalaki. Hindi ko alam ang gagawin ko. May tao sa banyo pero panatag naman akong hindi nila ako makikita, ang kaso baka may makita akong hindi karapat dapat.


"Anong ginagawa mo rito?" Napatigil ako nang magsalita ang isang lalaki.


Lumingon ako sa kaniya. Nakatingin ang seryosong mga mata nito sa 'kin. Matangkad itong lalaki at gwapo.


"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko.


Hindi ito sumagot at lumapit lang sa gripo. Hindi ako pwedeng magkamali, sigurado akong nakikita niya ako. Umalis ang ibang tao sa banyo at nabigla ako nang humarap sa 'kin ang lalaki.

Devil's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon