CHAPTER 3

610 26 5
                                    


     Mag-isa ako ngayon sa kwarto ni Cole dahil bumaba siya para kumain. Sinasama ako ni Cole pero tumanggi ako, hindi rin naman ako makakakain. Isa pa, maiinggit lang ako sa happy family nila.

Magmula nang mamatay ang Daddy ko, naging mag-isa na ako sa buhay. Wala akong Mommy dahil iniwan niya kami ni Daddy noong bata pa lang ako dahil sa dami kong sakit. Dahil kasi sa 'kin masyadong tipid si Daddy sa badget niya, ayon, naghanap ng iba.

Masakit sa part ko 'yon kaya nga sinisisi ko rin ang sarili ko. Sinisisi ko kung bakit palaging umiiyak si Daddy mag-isa. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakitin ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging kalusugan ko.

Nasaksihan ko kung paano magkasakit si Daddy dahil tutok siya masyado sa trabaho. Ang laki kasi masyado ng gastos sa mga gamot ko.

Tumulo ang mga luha ko nang maalala na lamang si Daddy. Noong namatay si Daddy, gusto ko na lang ding mamatay. Wala na rin kasi akong kasama sa buhay at wala na rin kasing purpose ang paglaban ko sa sakit ko.

Nagbago ang pananaw ko nang magpakilala si Tito Colm, nagkaroon ulit ako ng Ama dahil sa kaniya. Hindi niya ako pinabayaan at palagi niyang pinararamdam sa 'kin na hindi ako mag-isa.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nang dumating si Cole, kasunod ang kaniyang kapatid na si Cailey. Naupo ako sa kama ni Cole at ngumiti sa kanilang dalawa.

"Gusto raw ni Cailey na mag-stay muna rito," sabi ni Cole bago ako titigan. "Umiyak ka ba?"

Umiling ako. "Ayos lang ako."

"Bakit ka umiyak?" tanong ni Cole bago maupo sa tabi ko. "May nangyari ba? May bad spirits bang nagpakita?"

"Wala, naalala ko lang si Daddy," sagot ko. "Ayos na ako, 'wag kang mag-alala."

Tumango lamang ito kahit mukhang hindi siya kumbinsido.

"Kuya, where's your friend?" tanong ni Cailey.

"She's sitting beside me," sagot ni Cole.

Excited na tumango si Cailey bago kuhanin ang isang upuan. Inilapit niya ang upuan sa tabi ng kapatid niya bago maupo doon.

"Uhm, hello?" Kumaway si Cailey sa gawi. "I have a lot of questions po for you, okay lang po ba?"

"Okay lang, " nakangiting sagot ko.

"She said, it's okay," sabi ni Cole sa kapatid.

"Hmm, marami ka pong nakikitang multo rin? Hindi po ba kumakain ang mga multo? Hindi po ba kayo nakakahawak ng ibang tao?" sunod sunod na tanong nito.

"Yes, marami akong nakikitang multo. Hindi kami nakakaramdam ng gutom. Hindi ako nakakahawak ng ibang tao, pero nahahawakan ko ang Kuya mo," nakangiting sagot ko sa mga tanong nito.

Napahinga nang malalim si Cole bago sabihin ang sinabi ko, sa kaniyang kapatid. Naging messenger ko pa tuloy siya.

"Ang galing," sabi ni Cailey bago mapapalakpak.

"Cailey, you should rest now," sabi ni Cole sa kapatid. "Sige na, matulog ka na."

"Okay po," nakangiting sabi ni Cailey. Humalik ito sa kapatid. "Good night, Kuya. Good night, Ate Laia."

Kumaway si Cailey bago lumabas. Kinawayan ko rin ito palabas kahit pa hindi niya ako nakikita.

"Ang ganda ng kapatid mo," sabi ko kay Cole. "Ang bait bait din."

"Hindi mabait si Cailey," natatawang sabi nito. "Kung alam mo lang kung gaano kalakas ang topak niya. Grabe, manabunot 'yon."

Napatawa naman ako. "Dalawa lang kayo ni Cailey?"

Sumampa ito nang tuluyan sa kama niya at sumandal sa headboard. Ginaya ko naman ang ginawa nito.

"No, tatlo kami," sabi nito. Nakita ko ang pagiging malungkot ng mga mata nito. "Actually, I have a twin. She's Cale."

"Nasaan siya?" tanong ko.

Tumingin ito sa kisame ng kwarto niya. Tumingin din ako doon pero agad akong napayakap kay Cole nang makita ang isang nakaputing babae doon na gumagapang. Duguan ito at wasak ang bunganga, na parang ginunting.

"Cole, may multo," takot at naiiyak kong sabi.

"Multo ka rin naman," natatawang sabi nito. "Wala na siya, 'wag ka nang matakot."

Unti unti ko namang sinilip yung kisame. Wala na nga doon yung babae kaya nakahinga ako nang maluwag at lumayo kay Cole.

"Yun ba si Cale? Nakakatakot pala," sabi ko.

"Ligaw na multo lang 'yon," natatawang sabi ni Cole. "Si Ate Cale, matagal na siyang patay. Baby pa lang ay patay na siya."

Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa sinabi nito. Pinagmasdan kong mabuti si Cole at kitang kita ko ang pangungulila sa kaniyang mukha.

"Namatay siya dahil sa kapabayaan ng isang Doctor," dagdag pa nito. "Siya rin yata ang dahilan kung bakit ako may third eye. One year old ako, simula nang makakita ako ng mga multo. Nakikita ko si Ate Cale at palagi siyang nasa tabi ko at nakikiapaglaro sa 'kin. Baby lang si Ate Cale noon at gumagapang lang pero tuwang tuwa ako sa kaniya, yun kwento ni Mama."

"Nawala si Ate Cale sa tabi ko noong two years old ako, palagi kasi akong nilalagnat kaya binigyan ako nang pangontra. Tuwing dinadalaw namin si Ate Cale sa sementeryo, palagi ko siyang nakikita sa libingan niya. Lumayo siya sa 'kin at naghihintay na lang sa sementeryo dahil palagi kasi akong nagkakasakit." Malungkot itong ngumiti. "Nang lumipat kami sa Manila, tuluyan nang nagpaalam si Ate Cale. Sumama na siya sa liwanag. Sumama na siya kay Papa Jesus."

Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa kwento niya. Natawa naman ito dahil sa reaksiyon ko.

"Ang iyakan mo pala, 'no?" natatawang sabi nito.

"Soft hearted kasi ako," sagot ko.

Napailing iling lamang ito bago punasan ang luha ko. Napanguso naman ako at napatingin na lang sa kaniya.

"Cole, hindi ka ba natatakot na pasukin ng ibang multo dahil tinanggal mo yung pangontra mo sa kwarto?" nakangusong tanong ko.

Umiling si Cole. "Sanay na naman ako sa mga multo kaya hindi na ako natatakot. Hindi rin naman nila ako magugulo dahil ikakabit ko yung pangontra ko sa katawan."

Napatango ako. "Lalayo na lang ako sa 'yo mamaya kapag tulog ka, para hindi ako masaktan ng pangontra mo."

"Mabuti na 'yon, baka kasi magkasugat ka dahil sa pangontra ko," sabi nito. "Wag kang mag-alala, tatanggalin ko ito bukas para makalapit ka sa 'kin."

Kinuha ko ang kamay ni Cole at hinawakan. "Super thank you talaga, Cole, ah? Hayaan mo, kapag nakabalik ako sa katawan ko, aalulin kita ng kasal." nakangiting sabi ko.

Namula ang buong mukha ni Cole. Binawi nito ang kaniyang kamay at mabilis na nagtalukbong ng kumot.

May problema ba? Namula na naman siya. . .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devil's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon